Ailana's POV
"Nasan ka?" I asked Hugo on the other line.
"Oh, miss mo naman ako agad?" mapaglarong aniya.
Napairap ako sa sinabi niya. Ang kapal naman talaga ng mukha ng baklang 'to!
"Nag-aya maglunch si Seah, wag kang assumero diyan." mataray 'kong sabi sakanya. "Nasa Casa Verde kami ngayon, baka daw magtampo ka kaya sinabihan kita."
"So, inaya niyo lang ako kasi baka magtampo ako? Ayaw niyo talaga ako kasa-"
"Wag kang mag-inarte diyan bakla! Bahala ka kung susunod ka o hindi." putol ko sasabihin niya.
"Ang sama mo naman talaga sa'kin Ai! Pero sa iba ang bait-bait mo!" nagtatampong aniya. "Di ako pupunta diyan, may group project kami ngayon."
Napairap ulit ako sa kawalan nang sabihin niya yun.
"Arte, bye!" sabi ko at pinatay na ang tawag namin. Ilang segundo ko pa lang naibaba ang tawag ay may natanggap na akong isang text galing kay Hugo.
Hugo:
Maldita ka talaga! May sasabihin pa sana ako.Ako:
Ano?Hugo:
Wala na, 'di ko na sasabihin.Tingnan mo talaga, alam na alam niya talaga paano ako inisin. Alam na alam niya na hindi ako matatahimik kapag binibitin ako.
Inis akong nagtipa ng reply sakanya.
Ako:
BAHALA KA HA! HINDI KO IBIBIGAY SA'YO YUNG PINADRAWING MONG CIRCLE SA'KIN!! BAHALA KA KUNG WALA KANG IPAPASA NA PLATES NEXT WEEK!"What a small world," natigilan ako nang biglang may isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko. "I never thought I would meet you again, after being with you last night."
Dahan-dahan akong bumaling sa likuran ko at nagpakawala ng isang maliit na ngiti nang makilala ang lalaki. Kailangan kong isantabi ang inis ko kanina para harapin si Yuan. Ang lalaking weird na biglang nakipagkaibigan sa'kin sa gitna ng hatinggabi.
"Or baka naman sinundan mo ko," biro ko sakanya. Mahina siyang natawa sa sinabi ko at napailing-iling.
"I'm not that obsessed Belle," aniya. "Baka naman, gusto talaga ng tadhana na mas magkakilala pa tayo."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Why are you so interested with me? For your information, hindi ako mayaman kaya wala kang makukuha sa'kin. If crush mo talaga ako, sorry ha kasi pass ako sa ganyan." mahaba 'kong sabi sakanya.
Nagitla siya sa sunod-sunod 'kong sinabi. He was only staring at me with those amused eyes.
"What?" sabi ko nang hindi pa rin siya nagsalita.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago Belle," aniya na hindi ko lubos na maintindihan.
"Kung makapagsalita ka ay matagal na tayong magkakilala." angil ko sakanya.
Ngumiti lang siya ng tipid sa'kin at nag-iwas ng tingin.
"I'm just kidding," aniya at may inabot. "Nahulog mo pala yan kagabi, I kept it for you."
It was my keychain. Gaya ng huling gabi ay hinintay niya ulit ako kagabi at sabay kaming umuwi. He tried to talk to me and get to know me better. Pero hindi ko pa rin binigay sakanya ang buo 'kong tiwala kahit na komportable ako kasama siya.
"Have you remembered anything from your childhood?" he asked as we walked in the middle of the night. I felt the coldness of the night meet my skin as we walk slowly to our home.
"Wala actually," tipid 'kong sagot sakanya. "Pero, yung Tita ko na kumupkop sa'kin ay nagsabi na dito daw kami nakatira sa Manila noon."
Nagtama ang paningin namin nang sabihin ko yun. I smiled at him before averting my gaze from him. Napunta ang tingin ko sa kabilogan ng buwan. It was beautiful together with the stars. Pilit itong inaakit ang atensyon mo.
BINABASA MO ANG
Promdi Girls
RomanceFour bestfriends lives were changed when they were suddenly living in Manila charting their own lives. They never knew what Manila has to offer on their plates, not until they met someone who captured their hearts. Before they can stop it, things be...