Chapter 14

9 0 0
                                    

Blair's POV

Si Jace.

Halo-halo ang naramdaman ko nang makita siya sa harapan ko.

Gusto 'kong takbuhin ang distansya namin para yakapin siya. Gusto 'kong itanong sakanya kung totoo ba yung mga sinasabi ni Seah. And I'm hoping that he will say that it's not true. Pero hindi ko magawa kasi mas nanaig ang nararamdaman 'kong sakit dulot ng pagsisinungaling niya sa'kin.

Pa'no niya nagawang magsinungaling sa'kin?

Sabi niya wala siya sa Manila ngayon. Ba't kailangan pa niyang magsinungaling?

Namuo ang takot sa sistema ko sa kadahilanan na baka totoo ang sinabi ni Seah.

"Blair," sa ilang minuto naming naestatuwa yan lang ang salitang namutawi sa kanyang bibig. Gulat siyang nakatingin sa'kin, habang nababasa ko ang takot sa kanyang mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" I said in between my mixed emotions. Ramdam 'kong natigilan rin si Jezrel sa likuran ko.

"Blair, I-I can explain." nauutal niyang sambit.

Why stutter my love?

"Sabi mo 'di ka makakapunta dito," parang pinipiga ang puso ko nang sabihin ko yun. I felt betrayed and being fooled. "Ba't ka nagsinungaling?"

"Kakarating ko lang kaninang umaga, at makikipagkita ako ngayon sa isang kliyente ni Pa-"

"Blair," naputol ang sasabihin ni Jace nang biglang dumating si Seah kasama si Aila. Matalim ang tingin na ipinukol ni Seah kay Jace.

I saw anger and rage in her eyes. Hinawakan niya 'ko sa bisig habang masama pa ring nakatingin kay Jace. Nilingon ko ang restaurant para hanapin si Clara, nakita ko siyang binabayaran ang aming bill. She looked in our direction and our eyes met. I saw worry in her eyes.

"Seah," gulat na sabi ni Jace kaya nabalik ang tingin ko sakanya. Magkahalong kaba at takot ang nababasa ko sa reaksyon niya.

"Why don't you tell her, Jace?" bakas sa boses ni Seah ang galit.

"Stop making a scene Seah," ani ni Jace. "Hayaan niyo kaming mag-usap ni Blair ng mahinahon." Dumiretso ang tingin ni Jace sa'kin na may pagsusumamo.

I heard Aila scoffed. "Ang kapal naman talaga ng mukha."

"Babe! Kanina lang kita tinatawagan," I heard a girl's voice from behind. Humigpit ang paghawak ni Seah sa bisig ko, kaya napatingin ako sakanya.

She met my eyes and looked at me worriedly. Nag-iwas ako ng tingin sakanya dahil hindi ako komportable sa pagtingin niya sa'kin.

Hindi naman siguro. Patuloy kong kinukumbinsi ang sarili ko.

Nilingon ko si Jace na nanlulumo na ang itsura ngayon. Napababa siya ng tingin at napapikit ng mariin. Base sa reaksyon niya ay parang tama ang mga sinabi ni Seah sa'kin.

Is he cheating on me?

I felt my heart beating fast as it gets heavier. I can feel the heat from my eyes because of the tears that want to escape. Naramdaman ko ang sakit sa puso ko habang tinatanggi pa rin ang katotohanan sa harapan ko.

I was in denial.

I tried my best not to shed a tear in front of him.

Baka naman hindi totoo. Baka ako pa rin ang mahal ni Jace.

"You're not answering my calls," para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makalapit ang babae kay Jace at kumapit sa mga bisig nito. "Nakapagpili ka na ba ng resto kung saan tayo maglunch?" aniya at tumingin sa'min.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Promdi GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon