Chapter 8

5 1 0
                                    

Clara's POV

If you keep on believing, the dream that you wish will come true

That was the exact quote from Cinderella that I was holding on. I keep on believing that I will achieve my dreams, and that someday it will come true.

Pero paano na ngayon?

I was hoping my parents would change their mind in deciding which path I should take. Akala ko may himalang mangyayari para mapagtanto nilang hindi sila dapat nagdedesisyon sa buhay na gusto ko.

I thought someday, I will obtain the freedom of choosing my path. I thought they would let me choose my own dreams. Akala ko kalaunan, susuportahan nila ako sa mga pangarap ko.

I've always wondered how beautiful my life would be if I have the freedom to choose my passion. Freedom to chase my dreams. Feedom to follow my dreams.

I have always been interested in fine arts, I want to study BA Fine Arts in UP but my parents won't allow me. They said that I should follow their footsteps because I am their only daughter.

They believe there is no better option other than law.

Mapait akong ngumiti nang may naalala.

Ikinakahiya nga nila ako, paano nila nasasabi na dapat ko silang sundin dahil anak nila ako?

Eh, ikinakahiya nga nila ako bilang anak nila.

No one knew I am the daughter of Atty. Ronaldo Cortes and Atty. Clemencia Cortes.

Bukod kay lola, kami-kami lang nakakaalam sa katotohanan ng pagkatao ko. Hindi alam ng mga kaibigan ko ang totoong pagkatao ko.

They only know me as Herrera, ang apilyedo na pinadala nila mommy sakin.

Hindi rin nila nakikilala ang mga magulang ko.

My parents won't even allow me to study in my dream school, which is the University of the Philippines. My mother was furious when I tried to tell her that I want to study in UP.

"UP will never be an option Clara," pigil ang galit na sabi niya nang sinabi ko sakanya na nakapasa ako sa UP. "Did I tell you to take the UPCAT?"

Hindi ako nakapagsalita sa nararamdamang galit galing sakanya. I was afraid. I was afraid she would shout at me, even though she was in another line.

Nararamdaman ko ang hawak ni lola galing sa likuran ko, hinahagod niya ang likod ko. She looked at me with pity eyes.

Hindi ko namalayan na may luha na pala na tumulo sa mga mata ko.

Ang bigat lang sa loob na kahit isa sa mga pangarap ko ay hindi nila hahayaang matupad ko.

"You will be studying in UST, and eventually in law school. Do you understand me Clara?" Mommy said with her voice full of authority.

Napapikit ako at tumikhim dahil sa nagbabara sa aking lalamunan.

"Yes My," I said obediently.

The moment she heard my response, she immediately hang up the call.

Pait akong ngumiti ni Lola kaya agad niya akong niyakap habang hinihimas ang buhok ko.

One person that will fully understand me would only be my lola. Siya lang ang kilalang kilala ako.

"Apo, minsan kasi hindi natin nakukuha ang mga bagay na gusto natin." pag-aalo ni Lola sa'kin. "Dahil nakakasama ito sa'yo o may mas mabuting bagay ang nakakalaan sa'yo."

Napapikit ako habang pinapakinggan siya at dinadama ang init ng yakap niya.

Baka nga, baka nga hindi talaga para sa'kin ang pangarap ko.

Promdi GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon