Chapter 9

5 1 0
                                    

Ailana's POV

"Welcome to your first day of work, Bella," ani ni Kate. Nilingon ko siya at nakita 'kong nakatingin siya sa nametag ko. "Belle pala," aniya at mahinang natawa. She's also a cashier, katabi sa station ko.

"Thank you," sinuklian ko ang kanyang matamis na ngiti.

"Belle ang pangalan mo?" ani ng isang lalaki, I think he's a clerk. He's currently arranging some stocks on shelves. "Bagay sa maganda mong mukha," dagdag pa ng lalaki at nginitian ako.

Nahihiya akong ngumiti sa sinabi niya, I don't really know how to respond to a compliment.

"Thanks,"  I said to him.

"I'm Asher by the way," he said and took off his hat to give me a two hand gesture salute.

"Naku! Naku! Ikaw Asher ha! Pumoporma ka na naman." nakangiwing sabi ni Kate, inaasar si Asher.

Natawa si Asher habang napailing. "Kung makapagsalita naman 'to, kala mo ang dami 'kong babae."

I laughed at what he said. Komportable sila kasama, they are friendly and happy go-lucky. Parati pa silang nagpapatawa at ang cheerful ng vibe nila, gaya ni Hugo.

I don't think I will have a problem with my work.

Tumunog ang door chime kaya bahagya 'kong inangat ang paa ko para tingnan ang  gawi ng entrance

A manly physique entered the store, wearing a black hooded jacket and a black pants. He went to the cold drinks station and took some cans of soda. Nang papalapit na siya sa gawi namin napayuko ako habang tinitingnan ang screen ng computer na may mga prize sa products na binebenta.

Ang mahal naman ng chocolates dito! Sige, 'di nalang ako bibili dito.

Dumating ang lalaki sa harap ko at nilapag ang mga pinamili niya. Ibinaba niya ang hood niya kaya nakita ko ang kabuuan ng mukha niya.

He has manly features with his hunter eyes and thick eyebrows. Ang tangos ng ilong niya at ang pula ng mga labi. He is handsome, I must say.

"How much is it all?" he asked with his manly voice.

"184 Sir," sagot ko sakanya at ngumiti.

May kinuha siya sa gilid ng counter at inilapag sa harap ko. It was a bar of chocolate, napuna ko yun dahil yun yung chocolate na paborito ko simula bata pa lang ako.

"Add that please," he said while staring at my boobs.

Lihim kong tiningnan kung ano ang meron sa boobs ko. It's not big, but it's not also small. What the hell? Ang lakas ng loob niyang tingnan ako ng ganyan, nasa harapan ko pa nga siya!

Sarkastiko akong ngumiti sakanya.

"Belle," he suddenly said softly. He rerouted his eyes to me. "You're Belle?"

Oh, mali pala ang iniisip ko.

Napapahiya akong ngumiti sakanya, hindi pala siya sa boobs ko nakatingin. Sa nametag ko pala siya nakatingin. Why am I judging this person? Nakakahiya ka Ailana! Mukha kang anghel pero eto pala iniisip mo?

"Yes sir, I'm Belle." I said while a shy smile plastered on my face. "224 po lahat."

He was still staring at me pero nang narinig ang sinabi ko ay kumuha siya ng pera sa wallet niya at ibinigay sa'kin.

"I received three hundred pesos Sir," I said and operated the computer.

"Your change is 74," abot ko sakanya sa sukli.

"No, please keep the change." tanggi niya at mabilis akong tinalikuran dala ang mga pinamili niya.

Tumunog ang door chime, hudyat na nakalabas na siya. Napatingin ako sa perang nasa kamay ko.

Promdi GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon