CHAPTER 4 (First Day)

1.1K 16 0
                                    

Hi guys! Hope na naenjoy nyo yung 2nd chapter. First day. New people ang mga makakasalamuha ni Chandy. Ano kaya ang role ni Diego sa buhay ni Chandy? Sino kaya ang makakapagpabalik ng mga ngiti sa mukha niya? Read this chapter to know.

Chandy's POV
*Kring3x*

Oh my gosh! Malas naman oh! First day na first day, late na ko. Tsk3. Ngayon, nagbibihis na ko ng susuotin ko ngayon. [A/N: Pic at the media] Bumaba na ako.

"Good Morning Ma, Pa!" Bati ko sa kanila

"Good Morning!" Sagot nila

Dali-dali akong kumain. Natawa lang sila mama at papa.

"Oh nak, hinay-hinay lang" Sabi ni papa na napapatawa

"Late na po kasi ako eh" Sagot ko naman

"Sige ma,pa alis na ko." Sabi ko

Nagtawag na ako ng taxi. New school ko kasi to eh, St. Joseph University ung name. Ang barkada ay dito na rin magaaral. Naglakad ako ng mabilis habang pinag-aayos ang mga gamit ko, ng may bigla nakabangga sa akin. Malas nga naman oh! Kinuha ko ang mga gamit ko.

"Miss sorry, ako na." Sabi niya.That voice is so familliar.

"Hindi kasi nagiingat." Sabi ko pabulong pero mukhang narinig niya. Tapus tuminggin ako sa kanya.

"Diego?." Hinala ko
"Uyy, Chandy. What a coincidence." Sabi niya

"Dito ka rin nagaaral?." Tanong ko

"Yep. Since grade school." Sabi niya

"Ahhh. Alam mo ba na dito yung buong barkada magaaral?." Tanong ko ulit

"Talaga! This will be extremely fun!." Sigaw niya na sobrang saya

"Oo nga. I think this will be fun." Sagot ko

"Anong section ka?." Tanong niya. Binigay ko sa kanya yung paper kung saan naka lagay yung section ko.

"Uyy, same dude!" Sabi niya. Happiness?

"Sabay na tayo."
"Sige. Halika kana." Pumunta na kami sa room. Andami namin. Sa second floor kasi yung room namin. Nakita ko na yung barkada. Pinuntahan ko agad sila. Iba-iba kasi kami ng section. Malas nga eh, pero lahat ng room namin dito sa 2nd floor.

"Uyy, guys! Musta?." Tanong ko

"Okay lang." Sabay na sagot nila. Kahit 1 araw lang miss ko na agad sila. Pero si Dom at Pat medyo nagkakailangan parin.

"Ikaw?." Tanong ni Chie

"Ummm. Okay lang. Okay na." Sagot ko

"Paano ka nakauwi nung party?." Tanong ni Arisse

"Umm. Hinatid ako ni Diego." Sinabi ko na parang nahihiya

"Yieeee!." Sabay-sabay nila akong tinukso.

"Hala! Ano ba kayo." Tanggi ko

"Pero gwapo ba siya?." Tanong na may halong tukso ni Julie

"Ummm. Hinnn. Ohh.Okay lang." Sagot ko

"Hala? Ba't ka nauutal?Ba't ka namumula." Tanong at tukso ni Myle

*Kring3x*

Haayy! Salamat. Life savior talaga yung bell. HAHA XD. Pumasok na kami sa aming mga room. At nagstart na yung class. Mukhang mabait naman yung adviser namin. Eto na naman, magpapakilala na ko. Tbh, nahihiya at kinakabahan ako. Si Diego lang kasi ang kilala ko dito.

"Hi. Good Morning. My name is Chandria Kathy Marquez. 13. From St. Michael Academy." Pagpapakilala ko at nagsmile. Pagkatapus ay di muna nagdiscuss yung adviser namin ng lessons diniscuss niya muna ang Rules & Regulations ng university. Medyo stricto pero I know na marami akong matututunan at safe ako dito. Wala daw kasing nakakacutting classes dito. Bantay sarado kami. And now, recess na namin. Magkasama kaming lumabas ni Diego kasi siya lang yung kilala ko, at yung barkada may class pa sila maya-maya pa daw yung sa kanila. So, bumili kami ng snacks then humanap kami ng pwedeng mapagtambayan gusto kasi ng barkada na tahimik lang at kami lang yung tao. So, napili namin ni Diego sa likod ng school parang may secret garden kasi dun. Pwede dun pumunta pero wala daw pumunta eh. At di naman kami papagalitan. Pumasok kami, at parang nagpipicnic lang. Tapus tinawagan ko yung barkada na pumunta dito. At ilang mins. Lang ay nakarating na din sila.

You're Still Mine ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon