CHAPTER 10 - Part 2 (How Will I Love You?)

679 7 1
                                    

Hi guys! Sensya na, naputol na naman yung Chapter 11. Hindi na tuloy exciting! Kakainis! Nagloloko na naman tong si wattpad -___- Here's the continuation.

Diego's POV

"No buts Diego!" Sabi ni dad at di naman ako nakasagot at pumunta na rin agad sa room. Kainis! Natulog na rin ako para lumamig yung ulo ko.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Morning is </3 Kakatamad bumangon. Geh lang, para kay Chandy. Pagkatapus kung magayos bumababa na rin ako at di kumain, masama parin loob ko kay dad eh. Sa school na lang siguro ako kakain. Bala na. Ang aga pa naman 6:40 pa lang naman eh. 8:00 pa klase namin. Aga kung pumunta ng school no. Anong nakain ko? HAHAHA. And 8:00 talaga yung pasok namin. Pagkapasok ko ng gate nakita ko lang si Chandy na nakaupo sa bench. Mas maaga pa siya kaysa saakin? At wala pang tao dito ah, hindi kasi maaga pumapasok mga istudyante dito. Kadalasan 7:50 or 7:40 nagkakatao tong school, astig ng mga istudyante dito no. Mga tamad. HAHAHA. Pinuntahan ko agad si Chandy.

"Bo!" Panggugulat ko at bigla naman siyang nagulat at tumingin kung sino yung nanggulat.

"Langya ka!" Sabi niya

"Nerbyosa." Pangtutukso ko at umupo sa tabi niya

"Kita mong malalalim ang iniisip ko tapus gugulatin mo?" Sabi niya at nagrolled eyes.

"Sorry. Ba't ba kasi ang lalim ng iniisip mo? At mukhang napaaga ka ata?" Sabi ko

"Basta. Ang aga kong nagising eh, tsaka ang boring sa bahay. Ikaw? Ba't ang aga mo?" Sabi niya

"Ahhh. Pareho tayo and... nagkatampuhan kami ni dad." Sabi ko

"Ha? Bakit naman?" Tanong niya

"Basta. Family problem." Sabi ko

"Ahhh." Sabi niya

"Kain tayo sa labas di ako nakapagbreakfast eh." Sabi ko

"Ba't di ka kumain?" Sabi niya

"Uyy, concern siya sa akin." Sabi ko. Naks! Kilig din ako no.

"Ewan ko sayo! Lika na nga." Sabi niya at hinila ako papalabas. Pumunta kami sa foodcourt sa isang mall. Malapit kasi yung mall dito saamin. Habang naghihintay kami ng order namin, nagkwentuhan muna kami ng mga epic moments namin.

"Tapus yung feeling na ang ganda ng pagkakasabi mo ng ioorder mo tapus nung nagbayad ka, papel yung nabayad mo. HAHAHA." Sabi niya.

"Epic! HAHAHA." Sabi ko at nagtawanan lang kami ng tawanan. Kahit waley or corny yung mga kinukwento niya sa akin, tumatawa talaga ako eh, nadadala ako sa mga tawa niya. Pagkatapus naming kumain naglakad-lakad lang kami pabalik ng school. 7:30 pa lang naman eh. Ang sarap niya talagang kasama. Ang gaan-gaan ng feeling. Habang naglalakad kami biglang may nagtext sa kanya.

Fr: Charlene

Hi guys! Classes will be cancelled because of the typhoon. Wala pang exact date kung kailan magreresume yung classes. Inform ko nalang kayo. Thanks you. Take Care & God Bless!

[A/N: May special participation ako diyan ha. HAHAHA. And si Charlene is yung class president nila.]

And boom! Biglang umulan, tumakbo kami sa isang sulok para sumilong.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Si Charlene. Cancelled daw yung classes." Sabi niya

"Ahhh. Mabuti naman." Sabi ko

"Pssst." Sabi niya sabay pout at turo sa may signage.

'ROOM FOR RENT'

What?! Magrerent kami?! Sabagay, napakalakas ng ulan eh. Jusme! Ang puso ko.

Nagseniyas nalang siya na kumatok and nagnod lang ako.

*Tok3*

"Anong kailangan niyo?" Sabi nung ale

"Ummm. Good Morning po. Pwede pong makita yung room na pwedeng irent?" Sabi naman ni Chandy

"Ahhh. Sige. Ako nga pala si Rose. Tita Rose nalang. Sige tuloy kayo." Sabi ni Tita Rose at pumasok narin kami.

"Magkano po ba hours dito?" Sabi ko

"Syempre, tatawadan ko kayo. Ang cute niyo pa namang magjowa. Mura lang naman." Sabi naman ni Tita Rose

"Ayy hindi po. Magkaibigan lang po kami." Sabi ni Chandy

"Oo nga po. Kaibigan lang." Sabi ko

"Sigurado ba kayong hours lang kayo dito?" Sabi ni tita

"Opo tita bakit?" Sabi ni Chandy

"Bumabaha kasi dito eh. Naku, kung ako sainyo magpalipas muna kayo ng gabi dito." Sabi ni tita

"Ahhh. So ano Chandy?" Tanong ko

"Ummm. Sige na nga lang." Sabi ni Chandy

"Oh siya sige. Maiwan ko na kayo dito ha. Wala na kayong dapat linisin o ayusin kasi maayos na at malinis na lahat diyan. Eto yung susi. Puntahan niyo lang ako pag may kailagan kayo ha." Sabi ni tita

"Sige po tita." Sabi ni Chandy

"Thank you po." Sabi ko at umalis na rin si Tita. Binuksan narin namin yung pinto, maliit yung room pero okay na din, kaysa wala kaming matuluyan.

Chandy's POV

Umalis na rin si Tita. Binuksan narin namin yung pinto.

"Diegs, tawag muna ako sa bahay ah. Siguradong nagaalala na sila mama." Sabi ko at pumunta na rin kila tita Rose para makitawag.

"Ummm. Excuse me po. Tita, may landline po ba kayo?" Tanong ko

"Ay oo iha. Nandun oh." Sabi ni tita at tinuro yung maliit na table kung saan nakapatong yung telephone.

*Phone Ringing*

- PHONE CONVO -

Ma: Good Morning. Marquez Residence Here. Sino to?

Me: Hello Ma?

Ma: Anak?! Nasaan kana ba?! May bagyo oh?! Okay ka lang ba?!

Me: Ma, okay lang ako. Nagrent kami ng room kasi bumabaha daw dito eh, magpapalipas muna kami ng gabi dito. Pwede po ba?

Ma: Kami?! Sinong kasama mo diyan ha?!

Me: Si..... Diego po ma, yung pinakilala ko sainyo.

Ma: Ano?! Lalaki?! Naku Chandria Kathy Marquez wag kang magtatanan!

Me: Ano ba ma?! Ako magtatanan? Kung magtatanan man ako, ipapaalam ko pa sainyo? Nastranded kasi kami ma.

Ma: Naku! Pag may ginawang masama yan sa'yo, ililibing ko yan ng buhay! Hindi ko pa siya pinagkakatiwalaan Chandria!

Me: Ma, baka highbloodin ka niyan. Kalma lang. Mabait siya ma. At may tiwala ako sa kanya.

Ma: Siguraduhin mo lang.

Me: Oo ma. Baka bukas makakauwi na ako.

Ma: Sige, magiingat ka ha. Love you.

Me: Sige ma.

- END -

Pumatak ma ang dilim. Kumain narin kami ng hapunan. Nakakapagod naman. Naghanda narin kami para matulog.

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Oh ano? Okay ba? Pagkatapus niyong basahin to, balik niyo nalang sa Chapter 11 para maintindihan niyo. Tell me your opinions. Nagaantay si comment box. Don't forget to VOTE,COMMENT & SPREAD!

PS: My other story "Stay With Me" is already published.

FOLLOW ME
IG: @kaaysii_
Twitter: @kcharlene_26

Lalalalalalove yah all! xoxo :*

~ Madame Author

--->

You're Still Mine ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon