CHAPTER 5 (Can you bring back the smile that I have?)

984 16 1
                                    

Hi guys! Enjoyed chapter 4? Sana. Mukhang may ibang magkakagusto kay Chandy at John? Paano na silang dalawa? Read this chapter

- After 4 days -

Chandy's POV

May klase na naman Ngayon, eto nagaayos ng gamit at nagaaral narin may summative kami sa English eh Sana makapasa ako. Anyways, pababa na ako dahil magbebreakfast na rin. Tapus pumunta na rin agad ako sa school. Hindi ko na pansin maaga pa pala. Kaya umupo na lang ako sa upuan ko at nagaaral para sa summative. After 5 mins. May dumating, ng tumingin ako sa kanya si Diego lang pala.

"Oh? Dude? Aga mo ata?" Tanong ko. Hindi naman kasi siya ganito kaaga dumadating.

"Gulat ka talaga?" Tanong niya na may dalang biro

"Usually kasi di ka ganitong kaaga dumadating." Sagot ko

"Napaaga lang talaga siguro ako." Sabi niya

"Ahhh. Mabuti naman. Pagpatuloy mo yan. HAHAHA." Biro ko

"Sige, ipagpapatuloy ko talaga." Sagot niya naman

"Punta tayo sa tambayan. Aya-in na rin natin yung barkada pagandito na sila." Sabi ko. Nagnod na lang siya. At pumunta na rin kami sa tambayan. At umupo sa grass.

"Chandy, kung may mangliligaw sayo? Sasagutin mo ba?" Tanong niya. Nagulat naman ako

"Ummm. Depende. Kung mahal ko siya." Sagot ko habang nakatingin sa mga ulap.

"Ahhh. Eh-" Naputol ang sasabihin niya dahil bigla akong sumulpot

"Pero, ayoko muna ngayon." Dahilan ko

"Huh? Bakit naman?" Tanong niya

"I think this is not the right time pa. And I'm still waiting for THE ONE." Sabi ko.

"Ahhh. So, it means wala pa siya ngayon?" Tanong ulit niya

"Wala. Wala pa." Sagot ko

"Ahhh. Wag kang magalala darating din yun." Sabi niya

"HAHAHA. Geh, hihintayin ko na lang siya." Biro ko

"Basta wag kang maghintay lang ha. Baka masobrahan na. Hindi mo pala alam na nasa tabi-tabi lang siya." Sabi niya. Grabi naman makahugot to. HAHAHA

"Hala?! Hugot? HAHAHA." Biro ko

"Hindi ah!" Pasigaw na pagtanggi niya

"Grabi ka naman makareact. Parang mababasag naman eardrums ko." Biro ko ulit pero totoo yun. ✌

"HAHAHA. Sorry." Sabi niya dala tawa

"Eh, ikaw?" Tanong ko

"Anong ako?" Tanong niya

"Sinong liniligawan mo? Yieeee. Sino yan?" Tukso ko

"Wala kaya." Tanggi niya ulit

"Meron talaga yan." Tukso ko ulit

"Wala nga." Tanggi pa rin siya

"Eh kung wala, sinong crush mo? Yieee." Tanong at tukso ko

"Si Julie no?" Dagdag ko

"May Ken na yan no." Sagot niya

"Ummm. Si Myle?" Hula ko

"May Dom na yun." Sabi niya

"Eh di sino?" Biglaang kong sinabi

"IKAW!" Sagot niya ng pasigaw, napikon siguro. Nagulat naman ako

"Ako?" Tanong ko

"JOKE! HAHAHA" Biro niya.

"Kulit mo talaga!" Sabi ko tas binatukan ko siya.

You're Still Mine ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon