Trinaya Devylyn Rocesvalles
Realizing that I'm at fault, I started to get to know my parents. Nagsimula akong pakisamahan sila without thinking about Tita Li's family. I mean, hindi na ako nagpipilit pa na makausap sila.
Nakipag-bonding ako sa mga magulang at kapatid ko, except na hindi ko pa matanggap na kapatid si Stellar. I know I'm such a bitch na hindi ko siya pinapansin at laging inaagawan ng moment sa parents ko, pero ayaw kong nakikita siyang nakadikit kay Mommy.
Nararamdaman ko kasi na aagawin niya sakin ang Mommy ko-- which is not true. I know it's weird pero nakakaramdam ako ng competition between us, who would win our parents like that something.
"Mom? What do you want? Pancakes or waffles?" Tulad ngayon. Nagmamagaling si Stellar mag-prepare ng breakfast.
And because I'm a bitch. Sumingit ako.
"Ito Mommy." Ipinagduldulan ko ang pinggan na may fried rice, longganisa, at sunnyside up egg sa Nanay ko na tila nagulat. "Mas masarap ang heavy breakfast, Ma, besides may work ka today you need energy. Balita ko nakakatalino ang longganisa." Malawak akong ngumiti.
Kinuha naman niya ang hawak ko pero kinuha niya rin ang hawak ni Stellar na waffles. Napamura at napaismid ako. Ano ba 'yan!
"Kainin mo Ma ang longganisa. Nakakatalino 'yan. Sabayan mo rin ng hot choco, nakakakadagdag 'to ng energy sa katawan at utak. You need more creative juices sa pagplano ng construction." Nagmamayabang na bumaling ako kay Stellar nang kunin at inumin ni Mommy ang hot choco na ako ang nagtimpla.
"Scientifically proven ba 'yang pinagsasabi mo Trina?" Singit ni Kuya Migz na nagsasalin ng tubig sa baso niya. Hindi ko na lang ito pinansin. Wala siyang care. Scientifically proven or not ang mahalaga kinain at iniinom ni Mommy ang gawa ko.
"Merci beaucoup ma belle." Kumindat sakin si Mommy. Nagyayabang na nagtaas baba ako ng kilay sa babaeng tahimik na kinakain ang pancakes niya.
"Thank you for taking good care of you Mom, girls." Pumasok si Daddy na nakabihis na. May business meeting siya sa London ngayon. Si Mommy may kikitain saglit na client.
Mayroon siyang project. Gagawa ata ng condominium. So aalis siya. Sina Kuya Migz at Rage ay mabilis na bibisitahin ang company sa Denmark. Si Stellar? I don't know, gagala ata siya. At ako? Gagala ako!!
"Dad, what do you want to eat? Pancakes or waffles?" Singit ni Stellar. Umirap ako. Gagawin talaga ang lahat mapansin lang.
Attention seeker!!!
"Um--" hindi pa nga nakakapag-decide si Daddy pero naglapag na ako ng pinggan na may sinangag, longganisa, at itlog sa harapan niya. Nagulat siya pero malawak na ngiti lang ang isinukli ko.
"Heavy breakfast for healthy... um... living." Napangiwi ako sa sinabi ko. Wala akong maisip na kahit anong adjectives. "Kain well parents. Sabi sa kasabihan, breakfast is the most important meal of the day."
"Are you a nutritionist, Trina? Kanina ko pa napapansin ang mga health kasabihan mo." Puna ni Rage. Katabi niya si Kuya Migz na kumakain din ng breakfast niya. Tapos na ako kanina, gusto kong magpakitang gilas e. Nasa hotel room nila kami tulad ng usual namin nitong nakaraang mga araw.
"She's trying to empress our parents, Rage." Ani Kuya Migz. Natamaan ako bigla. Oh-eh, ano naman ngayon kung nagpapa-empress ako?
"Or more on, a silent competition is being held here?" Nanunuksong tanong ni Rage na nakakalukong ngumisi. Napangiwi pa ako dahil sa tumalsik na kanin sa mukha ko. Kadiri!
"Eww ka Rage! Kumain ka na lang kasi!!" Naiinis na binato ko ng ubas ang pangalawa kong kapatid.
"Stop talking kasi when your mouth is full." Singhal ni Stellar. Sinamaan ko ito ng tingin. Jollibee 'to ah, pabida. Boo.
BINABASA MO ANG
She's Forbidden
Romance"Forbidden love is like being addicted to something. It feels good at the time and gives you pleasure, but there's no good that can come from it." - Tryon Edwards.