Kabanata 30

2 2 0
                                    

Trinaya Devylyn Rocesvalles

"Sinigang, walang specific basta sinigang."

Ngayon ang araw na ipapakilala ko si Sahil kina Lolo. Sakto at mayroon kaming family dinner na dito sa mansyon nila gaganapin. Uuwi ang mga Tito at Tita ko kasama ang mga pinsan ko, ngunit hindi makakauwi sina Mommy.

Ayos lang naman. Kina Lolo ko lang naman balak ipakilala ang boyfriend ko kaya walang kaso sakin 'yon.

"Ano pa ang iba niyang paboritong ulam?" Tanong ng matandang kasama ko sa loob ng kitchen. Naghuhugas si Tita Li ng mga gulay sa sink samantalang kausap ko naman si Lola sa may island counter.

Naghahanda na sila para sa dinner mamaya.

"Wala na siyang nabanggit na iba. 'Yon lang naman." Ipinakita ko pa sa kanya ang lists ko ng mga paborito ng boyfriend ko.

"Hmm, gusto kong ipatikim sa kanya ang specialty ko kaso sa Switzerland pa makikita ang kailangan kong ingredients." Nagkakamot sa kilay na aniya. Tinawanan siya ni Tita Li. Para naman 'tong ewan.

"Ayos na 'yon La, hindi naman siya nag-e-expect ng sosyal. Hindi naman 'yon maarte, tanggapin niyo lang siya ayos na 'yon." Hinagkan ko siya sa sintido bago nagpaalam na kakausapin ko lang sina Astra na nakatambay sa may pool area.

Kasalukuyang lumalangoy si Sol kasama si Adri na kakauwi lang kahapon.

Nakaupo naman si Astra sa gilid ng pool samantalang namamahinga sa egg chair at tub chair sina Clint at Eros. Wala pa si Ken. May ginagawa pa raw sa Manila. In short, nambabae ang loko.

"What are you doing these past weeks? Hindi na tayo nagkakasama." Anang Eros na sumisipsip ng kanyang long island iced tea.

"Making time with my bebe."

"Same, ang ganda ng baby ko to resist."

"Kailangan din ako ng mga girlfriends ko."

Magkakasabay na sagot nung tatlong lalaki.

"Kayo girls?" Anang Adri na umahon mula sa tubig.

"Sahil time din ako e'." Sagot na sumimsim ng iced tea. Bumaling ako sa katabi kong tahimik na nilalaro ang tubig gamit ang mga paa niyang naka lublob sa pool. "Ikaw Astra? May progress na ba?"

Napaturo siya sa sarili niya. "Anong rogress? Wala! Sa lalaki o sa putanginang research paper wala! Walang progress! Kaya kayo na ang may mga jowa! Maghihiwalay din kayo!"

"Sabi ko naman kasi sayo landiin mo na si Archer."

"Gusto mo ikaw na? Sakin na lang si Sahil sayo na ang hayop na Archer na 'yon." Parang diring-diri pa ito. Anong nangyaring sweetness sa pagitan nila last year? Kathang isip lang ba?

We stayed like that for an hour. Wala kaming ibang topic kundi ang mga babae sa buhay ng pinsan naming babaero. Wala pa nga kaya nabubuska namin ng malaya.

Ala siete ang tinakdang oras ni Lola kaya sure akong mamayang six pa iyon magsisidatingan.

"I have a question for Sol," nakataas kamay na sabi ko. Nakuha ko naman ang atensyon nila especially ang babaeng gustong-gusto kong gisahin.

"Sige lang." Mahinhing tumango ito sakin. The Maria Clara of the Rocesvalles clan.

"Anong meron sa inyo ng best friend ko? Bakit lagi kayong magkasama tuwing weekend? Every morning weekends actually?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

Nangangati na akong itanong sa kanya iyon. Kating-kati na ako last week pa.

Natigilan bigla ang pinsan ko. Naubo pa nga. Inabutan ko siya ng tissue.

She's ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon