Trinaya Devylyn Rocesvalles
Halos hindi ako nakatulog isang gabi bago pa man kami tumungo sa bahay ng parents ni Mommy. Hindi dahil excited ako, kundi dahil sa halos magdamag kaming magkausap ni Sahil.
Pakiramdam ko hindi na 'to simpleng teacher and student connection, there is more than just like that. I'm feeling more... more than a friend can do to his friend.
Kung mali ako ng iniisip? Ano itong pinanggagagawa namin? Ano itong nararamdaman ko? Bakit parang sumobra ata?
I can't stop this throbbing feeling anymore, habang pinipigilan ko ay mas lalo namang tumitindi. Ang hirap pigilin, ang hirap baliwalain, parang mamamatay ako ano mang oras na itigil ko ito. Parang naka depende sa nararamdaman kong ito ang buhay ko. And I hate it!
Para naman akong nagtaksil sa pinsan ko. Pero sabi naman ni Sahil walang engagement na nangyari una pa lang, he didn't explain well kaya hindi ko rin maintindihan. Basta ang alam ko walang Tanya sa buhay niya.
'have a safe trip'
Iyon ang huli kong pag-check sa phone ko. Nakaupo ako sa pinakalikod ng sasakyan na minamaneho ni Daddy. Katabi ko si Stellar na tahimik lang.
I wonder what's going on her head? Is she worrying na maging marahas ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Mommy?
Worried ba siya na mas lalong magalit sa kanya si Aunt Dianna? Worried ba siya na baka hindi siya tanggapin ng grandparents namin?
Why do I care anyway?!
Hindi ko rin naman siya tanggap at hindi naman 'yon masakit. Sobra na nga ang natatanggap niyang atensyon, pagmamahal, at care mula sa parents ko at sa mga Kuya ko na kailanman ay hindi nila ipinaranas sakin.
Sobra-sobrang pagmamahal at atensyon na ang nakukuha niya samantalang wala pa sakin. Kung pataasan ng puntos unang sabak ko pa lang talo na ako. It's always her, simula nang mabunyag ang totoo. Laging siya, no one asked what I feel. What I want? No one come near me asking if I'm okay with the set-up. Ninakaw pa nga nila ako mula kila Tita Li.
Kahit anong pagpapaintindi ko sa sarili ko na she's my sister. She's important. Namimiss siya ni Mommy kaya lagi silang magkadikit. Pero nabubulagan talaga ako ng selos, galit, at tampo. Nakakainis e'. Nandito ako pero parang wala kapag naririyan ang babaeng 'to.
Tulad kaninang breakfast. Hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko. Hindi man lang ako tinimplahan ng kape, kahit hindi ako nagkakape. Nakakatampo, pero tanginang pisteng yawa, bakit hindi ko magawang magalit? Concern pa akong gago!
"Merde. Yawa!" Naisalaysay ko. Napalingon sakin ang mga kasama ko sa sasakyan. Inirapan ko si Rage. Siya na lang sana ang nagpakita sakin ng care kahit kaplastikan pero ayon ang gago, si Stellar pa rin.
Stellar, what you want for breakfast? Stellar, are you alright? Stellar, Stellar this, Stellar that, and Stellar everywhere... nakakabanas na. At nakakabastos sa side ko. Ewan ko sa sarili ko. Selos na selos ako.
Natahimik na lamang ako at hindi sila pinansin. Sa Amiens France ang tungo namin. Hindi nila ipinaalam ang pagdating namin kaya lumuwas ang mga magulang ni Mommy. Mapapalayo pa tuloy kami.
Pinagmamasdan ko lang ang bawat madaanan naming open field, flower farm, kabahayan, at kung ano-ano pa.
I just realized, isang dekada na pala akong hindi nakakauwi sa Amiens. Huling uwi namin dun bata pa ako at sa pagkakatanda ko ay iyon ang araw na natalo ako sa showdown namin ni Stellar.
BINABASA MO ANG
She's Forbidden
Romance"Forbidden love is like being addicted to something. It feels good at the time and gives you pleasure, but there's no good that can come from it." - Tryon Edwards.