Kabanata 40

0 0 0
                                    

Trinaya Devylyn Rocesvalles

Parang mayroong isang mataas at matibay na pader ang biglang nabuo sa pagitan namin ni Clint. Hindi lang sakin at kay Clint kundi pati na rin sa iba.

Hindi ako pinapansin ng iba, tanging si Ken, Astra, at Kuya Landon ang kumakausap sakin sa pamilya ko. Si Daddy at Mommy, pero si Stellar at Rage, parang nagkaroon ng lamat sa pagitan naming tatlo.

Nahati kami sa dalawa. Halos walang nagsasalita samin habang sakay ng sasakyan pauwi ng bahay pagkatapos ng libing.

Tulog na si Trojan na kalong ni Daddy na nasa likuran nitong sasakyan.

Mayroong pasa at sugat si Clint sa kaliwang pisngi kaya agaw pansin ang bandage sa pisngi niya.

"Kasalanan mo itong lahat Trinaya." Napapiksi ako sa biglaang usal ni Clint. Katabi ko pa nga ito. How ironic. "I told you once pero hindi ka nakinig, kasalanan mo ang lahat ng ito."

Napasinghal ako at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya.

"My fault?" Tanong ko na tinanguan niya. Tumawa ako kahit ramdam ang sakit sa boses ko. "Oo na! Kasalanan ko na! Masaya ka na? May masama ba kung iisipin ko ang kaligayahan ng anak ko kesa sa ikaliligaya ng buong angkan? Oo, Kuya Migz is in comatose stage but did I blame anyone? Nasaktan din ako, nasasaktan din ako, but I choose to be a good mother to my Trojan masama ba 'yon?"

Walang sumagot sakin kaya tinanggap ko na lang iyon. Tinanggap ko na lang lahat. Kasalanan ko na lahat. Oo na, nasasaktan lang naman sila.

Tatanggapin ko kasi nasasaktan sila. Ako ang may kasalanan ng lahat kahit nasasaktan din ako.

Sumandal ako sa bintana ng sasakyan habang nakatingin sa mga nadadaanan naming mga establishments. Malamig ang simoy ng hangin. Makulimlim ang langit. Nagtatago ang araw sa likod ng mga ulap. Tila nakikisabay ang mga elemento sa nararamdaman ko.

Madilim. Malamig. Mabigat. Malungkot ang lahat ng tao. Paano ba naman. Naka live stream kanina ang libing nina Tito Arman sa request na rin ng mga taong sumusuporta sa pamilya.

Mayroong mga banner na nakasabit sa kalsada na nagsasabing nakikiramay nila. Mayroong mukha nina Tito Arman sa isang billboard at sa ibaba ay isang mensahe ng pakikiramay.

Maraming bulaklak ang dumating sa bahay ni Lolo kahapon. Sa labas may mga sumisindi ng kandila. Kanina nga sa simbahan marami ang dumalo at nakiramay samin.

Sa dami ng mga nakikiramay, bakit dala ko pa rin ang bigat nang pagkawala nila? Sa dami ng tao bakit ako ang may kasalanan?

Halos makatulugan ko na ng pag-iisip kung hindi lang bumisina si Lancey na siyang nagmamaneho nitong van na sinasakyan namin. Huminto siya sa harapan ng mansyon kung saan marami pa ring taong may dalawang bulaklak ng pakikiramay.

Ako, kailan nila dadamayan?

Nauna na akong bumaba at iniwan sila. Pumasok ako sa gate ng mansyon nang hindi sila pinapansin.

Nakarating na rin ang iba sa bahay at lahat sila nakayuko. May salo-salo naman para sa mga nakiramay ngunit halos walang gumalaw sa kanila.

Si Stellar lang ata ang may lakas ng loob magpatawa. Naghahanap ng steak kahit alam naman niyang libing ang okasyon, at walang karne.

Tumuloy ako sa likod ng bahay kung saan makikita sina Astra at Ris kasama ang asawa ni Rage, masinsinan silang nag-uusap sa gilid ng pool. Hindi sila sumama sa cemetery kanina dahil takot silang ihatid sa huling hantungan ang Tito at mga pinsan namin.

Bumuntong hininga ako at tumalon sa swimming pool para ilabas ang galit. Galit na galit ako sa mga magulang ni Sahil. GALIT NA GALIT! Naiinis ako! Naiinis ako kay Clint! Naiinis ako kay Sahil! Naiinis ako sa lahat!

She's ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon