Trinaya Devylyn Rocesvalles
Chicken adobo, rice, and fruits ang laman ng lunchbox na pinadala ni Sahil. Sa pananghalian ko na kinain ang padala niya. Nagpaiwan ako sa hotel suit namin samantalang gumala naman ang mga kasama ko.
Nagrenta ng hotel sina Mommy sa malapit sa ski resort. Hindi naman pala kasi isang simpleng gala ang meron dito. Kaya sila nag-aya na mag-ski kami dahil mayroon palang business chuchu mamaya.
Invited kami dahil ang firm nila Daddy ang humawak ng reconstruction ng hotel and resort d'yan sa tabi-tabi.
Naiiyak pa nga ako na kahit pala nahanap na nila si Stellar ay wala pa rin silang pinagbago. Pero wala akong magagawa dun.
Ala sais ng gabi nang dumating kami sa hotel. Marami ng tao sa loob. Napaka glamuroso ng event. Halatang pinaghandaan.
Napasimangot ako nang harapin ako ni Mommy na pilit akong pinapangiti. I tried to smile pero napangiwi rin naman. Ang daming tao at lahat sila nakatingin samin.
"Smile darling." Pagpupumilit ni Mommy. Samantalang tinatawanan naman kami nina Rage. Palibhasa mga sanay na sa ganitong bagay.
"Hayaan mo na sweetheart, maganda naman kayo." Mas lalo akong napangiwi nang halikan ni Daddy sa harapan ko si Mommy.
Nami-miss ko na tuloy si Sahil. Gusto ko na siyang makita. Nagpaalam ako sa kanya kanina na hindi kami makakauwi dahil sa event nga na ito. Hinayaan naman niya ako huwag lang daw iinom dahil baby pa ako. . . Baby niya, chariz.
"Ang lamig." Reklamo ko habang naglalakad sa red carpet.
Nakasuot kasi ako ng light blue backless halter long slit dress na mayroong floral sequins.
"Backless dress pa more." Pagpaparinig ni Rage. Ibinigay niya sakin ang suot niyang black coat.
"Ganda ko naman kasi, very flawless, very demure, very Catriona Gray."
"Ohlala, ang kapal." Lumaki ang butas ng ilong ko at mabilis na sinipa si Rage. Hinampas ko pa sa kanya ang limited edition chanel mini bag ko.
Sinalubong kami ng apat na katao sa may entrance ng hotel kung saan mayroong nakabalandrang pulang ribbon.
"Welcome, Sir Carry." Nakipagkamay si Daddy sa lalaking tingin ko ay kaedaran niya lang. "Ma'am Lev."
"Hi, good evening." Nagkamustahan sila at nagbatian gamit ang alien language nila. "Ah by the way, these are my children Miguel, Ragel, Stellar, and my youngest Trinaya."
Napipilitang ngumiti ako sa babaeng kausap ni Mommy.
"Aw, such a beautiful lady." Aniya ng babae na nagpakilalang Reginha Franco. Half Filipino ang babae lumaki lang daw talaga sa Sweden kaya medyo kakaiba ang English accent niya. Madiin na may kaunting arte.
"You too madame." Nakipagbeso ako sa kanya.
"Gorgeous, are you single young lady?" Napalunok ako sa tanong ng ginang na Samantha ang pangalan. "She's so pretty Lev, we can arrange my son and your daughter's marriage. I can picture out already our little Diamon and Trinaya's running around the house."
BINABASA MO ANG
She's Forbidden
Romance"Forbidden love is like being addicted to something. It feels good at the time and gives you pleasure, but there's no good that can come from it." - Tryon Edwards.