Kabanata 28

1 2 0
                                    

Trinaya Devylyn Rocesvalles

It's Saturday morning, maaga akong hinatid ni Sahil pauwi dahil may gagawin pa ako ngayong umaga at mamaya pa naman ang date namin.

Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako nagpaalam.

Kaya heto ako ngayon sa Sweet Lela, bagong bukas na coffee shop ni Tita Li. Grand opening nga last week pero hindi ako nakapunta dahil nasa kompanya ako ni Lolo.

"Take out or dine in?" Nakangiting tanong ko sa matandang babaeng costumer.

"Dine in."

"Alright ma'am, you can occupy table number seven and wait for your tea." Hinarap ko ang barista ni Tita Li pagkaalis ng costumer.

Casher for the day ako ngayon. Si Astra tinuturuan ni Tita mag-bake ng hopia. May project kasi sila sa home economics na kailangan nilang nag-bake ng ibibenta nila sa school fair sa twenty two.

Sabay-sabay na dumadating ang mga costumer kaya abala kami sa counter. Nag-iisa lang ang barista namin ngayon kaya tumutulong na ako kapag mayroong order na tea.

"Kuya, isang ice americano at dalawang slice raw ng ube cake." Nilagpasan ko ang barista at tinungo ang lamesa na nasa sulok.

Malakas ang music na nagmumula sa speaker sa itaas. Bye bye bye ng NSYNC ang kasalukuyang nag-p-play sa buong coffee shop.

"Magkano ang sahod mo?" Bumaling ako sa pinsan kong kumakain ng sandwich sa harapan ko. Nakatukod ang siko niya sa glass countertop.

"Cinq cents if halfday and isang libo whole day." Kibit balikat na binigyan ko siya ng paborito niyang oolong tea.

Ngiti lang ang isinukli sakin ng babae. Kahit kailan talaga ang kunti nito magsalita. Kapag nasagot ang tanong niya tapos na ang usapan. Sol is Sol though walang nakakagulat dun.

Hinayaan ko na lang siyang kumain ng kumain. Nagbabayad naman siya, mukhang may kikitain ang pinsan ko kaya siya nandito. Tuwing sabado mayroon siyang tutorial pero hindi pa niya sinasabi kung paraan saan ang tutorial nila ng kaibigan ko.

Something's fishy. Ang epal nga ng kaibigan ko malihim ang gago ayaw sabihin kung para saan ang tutorial thingy nila.

"Trinaya, pasabi kay Tita hihiramin ko yung tundra niya." Lumapit sa may counter si Eros. Pinapaikot niya sa hintuturo niya ang isang keychain at susi ng motor niya ata.

"Dala ni Lia, yung bagong part timer namin dito. Nag-deliver siya, mukhang mamaya pa 'yon kakaalis pa lang." I offered him cookies pero he refused.

"Ganon," napalabi ito. "Flat ang gulong ng motor ko mayroong hayop na bumutas."

Namumula ito habang nagkakamot ng kilay. Kawawa naman ang pinsan ko.

"Nasaan si Lancey hihiramin ko na lang 'yong Sedan niya."

"Ah, nasa Canada."

"Takte!"

Natatawang kinawayan ko itong nagmartsa palabas ng coffee shop. Bihis na bihis pa naman ang lalaki. Naka formal suit ito at mukhang mayroong mahalagang lalakarin.

Nitong mga nakaraan napapansin kong madalas lumuwas ang mga pinsan ko. Nagtataka ako kung saan sila pumupunta at ano ang mga lakad nila. May mga girlfriend and boyfriend na ata sila.

She's ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon