Warning: 🚫
Trinaya Devylyn Rocesvalles
Muntik na akong mapatay ni Rage sa galit. Pa'no, card niya ang ginamit ko sa pag-withdraw ng fifty thousand euro. Pera niya ang ginamit ko sa pagbili ng bag ni Mommy na halos umabot ng one hundred thousand euro.
Nilustay ko ang pera niya sa kakagala at pagbili ng kung ano-ano. Pero ang ibinili kong gamit para kay Sahil at mga pamangkin niya ay mula sa sarili kong bulsa. Tumutulong ako sa pagbantay ng coffee shop ni Tita Li at binibigayan niya ako ng allowance, kasi ayaw kong tawaging sahod ko 'yon.
"Kainis! Ang sabi ko ayos lang gamitin mo pero hindi para bumili nito?" Naalala kong sigaw ni Rage habang nakaturo sa snow globe na hawak niya. Mahal kasi 'yon at balak kong iregalo kay Stellar. Nabuking na tuloy.
Sa kasalukuyan ay naghahanda ako para sa pagsalubong sa araw ng kapanganak ni Jesus.
Nakasuot ako ng puting t-shirt na mayroong maliit na logo ng gucci sa kanang dibdib, naka tuck-in ito sa lavender mullet skirt na mahaba ang tela sa likuran at hanggang tuhod lang ang haba sa harapan. At chelsea boots sa paa.
Bitbit ko ang tatlong regalo ko pa sa tatlong babaeng importante sa buhay ko. Nasa baba na ang regalo ko para sa nabunot ko kanina. Stick pa rin ako sa cookies at gloves.
Mula rito ay naririnig ko na ang ingay nina Clint na mukhang kadarating lang. Kaharutan na naman ng lalaki sina Eros at Ken na mga bida-bida.
"Joyeux Noël." Binati ko ang mga pinsan ko na nasa malapit sa Christmas tree. Lahat kami mga nakasuot ng white, kung hindi damit ay ang pants naman nila. Tulad ni Astra na nakasuot ng itim na long sleeves crop-top na itim at puting fit jeans.
"Good evening. Joyeux Noël." Nakipagbeso ako sa girlfriend ni Troy Alistair na tahimik na nakamasid sa magugulo kong pinsan. "Ayos ka lang? Having fun?"
Nginitian ako ng babae. Ngiti na parang sinasabing she's more than happy. She's a volleyball player and scholar ni Lolo. She's taking up business management kaya siya na ang napipisil na bagong dagdag na businesswoman sa pamilya.
Sabi pa nga ni Tito Armando baka siya ang mag-take over sa business nina Troy Alistair kapag ikinasal na sila, especially na balak pumasok ni Troy Alistair sa politika. Siya ang magmamana na winery ng pamilya ni Troy Alistair sa Bordeaux.
Ang swerte niya. Lasap muna bago hirap, kidding.
"So this is how it feels to celebrate Christmas with the Rocesvalles's?" Aniya na tila hindi makapaniwala.
Tinawanan ko siya. "And soon you will be a Rocesvalles."
Iniwan ko ang babae nang dumating si Stellar. Tumungo ako sa kitchen at naghanap ng makakain.
Nautusan pa ako ni Kuya Migz na magdala ng cookies at hot choco sa mga nasa labas.
Binigyan ko isa-isa ang mga nasa loob.
Tamad na tamad kong inilapag sa center table ang limang baso ng hot choco at platito ng cookies.
Nagpakawala ako ng desperadang hangin. Binitbit kong muli ang tray at balak sanang puntahan sina Eros na nakatambay sa labas kahit malawing wala silang care.
Halos gusto kong hilahin ang buhok ni Stellar ng bigla na lang siyang dumaan sa harapan ko at maarting kumuha ng baso ng hot choco. Napatiim bagang ako. Walang hiya! Anong akala niya sakin waiter?
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko ngunit naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya. Maalala ko lang na siya ang dahilan kung bakit lumaki akong walang mga magulat ay umiinit na ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
She's Forbidden
Romance"Forbidden love is like being addicted to something. It feels good at the time and gives you pleasure, but there's no good that can come from it." - Tryon Edwards.