Chapter 1

14 0 0
                                    

We are on the same crowd. But we didn't notice each other. Months and years passed, still we didn't know each other. But on the month of October, year 2024, I noticed him and He noticed me. But i'm not like those other girls who will smile and act nice to a stranger. I raised my eyebrow and gave him the 'what are you looking at' look. But I didn't know that would be the beginning of my unexpected story with him. His personality is different from mine, He's very talkative, he will say crazy things just to make you notice him. The 'papansin' to be exact. And here I am, acting the suplada and showing him na Hindi ako madadala sa mga kuda Niya. He is quite perfectionist Kasi lagi niyang papansinin Ang Mali mo at sasabihin Ang dapat which is yes Tama Naman but I'm the type of person who will act whatever I want. It is what it is. I'm not afraid to make mistakes, I don't care of your opinion, that's me. It's my life so my rules. We're different. But despite of those red flags and imperfections there is something about him that I like. He knows how to make you feel special. he knows how to treat a woman. He knows your worth. He's super strict. But it won't make you feel nakakasakal. Sabi ko Hindi ako kailanman kakagat sa mga paandar Niya. I smell player character on him. I promised that to myself. But what if. what if I fall in love with him?

"Alliah Xeline.." tawag sa akin ng lalaking tinarayan ko sa unang linggo namin sa loob ng training center. Kahit na babae ako eh pangarap Kong maging Isang ganap na pulis. Ayan nanaman Siya at malokong binabanggit Ang buong pangalan ko na di naman dapat dahil Dito kung Hindi apelyido mo Ang tawag Sayo eh may roster number din kayo. Napadaan Kasi kami sa barracks nila dahil mag hahatid sana kami ng laundry namin. Kasama ko Naman Ang malapit Kong classmate na si Bermes. Tinarayan ko lang Siya at walang imik na nag patuloy sa pag lalakad. Wala akong panahon sa kanya. Naririnig ko pa Ang tuksuhan ng ibang lalaking classmates Namin. "Mukang napapadalas Yung pag papansin Sayo ni Gomez ah." Tinukso pa ako ng Kasama ko. "Hayaan mo Siya at Wala lang magawa sa Buhay Yan." Gusto ko lang matapos ng matiwasay Ang training ko at alam ko Dito sa loob Hindi bago Yan. Alam ko na marami ng nag hiwalay Dito na mag kakarelasyon, o Minsan Dito nakakahanap ng karelasyon. May iba na kahit may naiwang kasintahan sa labas eh parang walang karelasyon dito sa loob kung umasta. Sana nga Hindi ako matulad sa kanila na nag papadala sa lungkot. Dito kayo lagi Ang mag kakasama Araw-Araw ng ilang buwan at taon ng Walang komunikasyon sa labas kaya Hindi rin maiwasan Ang mga ganung pangyayari. Pero nasa tao parin yan kung mag papadala ka o Hindi. Prrrrtttttttt.. (Basta tunog ng whistle Yan.) "Naku formation na bilisan na natin." Nag mamadaling Sabi ni Bermes. Kaya tumakbo agad kami pabalik kung saan kami nag hahanay na mga trainees. 1! 2! 3! 4! Nag bibilang narin Ang batcom Namin. Nang palapit na kami eh medyo nag lakad na kami Kasi nakakahingal. "Nag lalakad pa talaga." Linampasan Naman ako ng isang nakakabwesit sa lahat . Si Gomez. Pero alam Kong nang aasar lang Siya kaya Hindi ko na pinansin. Ayun nag simula na kaming mag bilang. Ganun lang Ang routine Namin mag a-account kami, mag exercise, mag kakaroon ng klase, tapos account nanaman, exercise , iba lang Yung mga exercise kung nag lalambing Ang mga E.I Namin. O kapag nakakagawa kami ng kasalanan na pinag babawal sa loob ng training center. Natapos na kaming mag exercise kaya nag karoon kami ng konting pahinga Yung tinatawag naming 'prolex' kung saan labasan ng talent. Kahit nasa formation kami ay Hindi parin maiwasan ng gomez na to na Mang asar Sakin. Titingin sa gawi ko at magbibigay ng kung ano-anong ekspresyon sa muka. Nakakainis. Yung ibang classmates Namin na nakakapansin eh natatawa nalang sa kanya. Maliban Sakin. Kinalabit Naman ako ni bermes. "Tignan mo nakatingin nanaman Sayo si Gomez haha." Tumingin Naman ako sa tinutukoy Niya at biglang nagbigay ng finger heart. Wth. Problema Niya. Nag tatawanan Naman Ang iba at tinutukso tukso kami. Seryoso lang Ako at pinaikotan Siya ng mata. "Tyon!." Biglang Sabi Naman ng batcom Namin dahil medyo maingay na. Nag aantay lang kami ng instruction kung mag sisimula na Ang prolex Namin. Bigla namang may kumagat na lamok sa braso ko kaya di ko na napigilang kamutin. "Walang pagalaw galaw!" Bigla Namang may nag papansin. Bwesit ka gomez. At dahil ako Ang gumalaw alam Kong ako Ang inaasar Niya. Naririnig ko Naman Ang hagikhik ng mga classmates Namin. Kasali rin Kasi Siya sa battalion staff ng class Namin. Kaya may karapatan din siyang mag bigay ng command. Nakakainis kahit Hindi Naman sana mapapansin , Napapansin nalang. Alam Kong inaasar Niya talaga ako. Nang nag bigay na ng instruction eh pinaupo kami sa ground at nag simula na Ang ibang classmates Namin kumanta. Bigla namang may lumapit sa linya Namin. Alam Kong malapit Siya sa Isang classmate Namin na katabi ko. Nag busy-busyhan nalang ako at nakipag usap sa isang katabi ko. "Esus alam ko kung sino lang linapit mo dito, si Madrigal no." Naririnig Kong usapan nila at nag kakantsawan na pero dedma lang Ako . "Naku di mo madadala sa mga matatamis na salita si Madrigal." Rinig ko pang Sabi ng isa pa naming classmate Namin. Dedma lang Ako at patuloy sa pakikipag usap sa katabi ko. "At Maraming kang chix sigurado." Sagot pa ng isa niyang kausap. "Ikaw sinisiraan mo ako." Nag tatampo namang sagot ni gomez. "Hi alliah Xeline." Kainis. Nag tutuksuhan Naman agad sa gawi Namin. "Hi mo muka mo." Mataray Kong sagot kaya natawa nalang Yung iba. "Ang sungit mo, Ang bait-bait ko na nga eh." Pag papa cute pa Niya. Mestizo si gomez, isa din Siya sa maligalig at snappy sa class Namin at masyadong metikoloso sa katawan kaya gustong gusto nito laging mag exercise para mas gumanda pa Ang katawan Niya, bagay na Wala akong pakialam. "Wala akong pakialam. Bumalik ka na nga dun sa unahan. Kung saan ka dapat." Naiinis Kong sagot. "Wala taob ka talaga haha." Sabi ni Cabanez na medyo close sa kanya. "Eh gusto ko Dito eh." Pag papa cute pa Niya. Nakakairita Siya. Kulang sa pansin. "Dun ka tumambay sa company mo. Nakikita mo mga babae Dito." Mataray Kong sagot. "Ang sungit mo, ngumiti ka nga." At binigyan Naman Niya ako ng malapad na ngiti. "Si Madrigal sir!" Napatingin Naman ako sa mga ka company ko. "A-ano Yan? Anong ako?" Walang kaalam alam na Tanong ko. "Sa kin ka Kasi nakatingin eh di mo alam Ikaw na kakanta." Binigyan ko Naman ng matalim na tingin si Gomez. Ayoko pang tumayo pero tinulak tulak ako ng traydor Kong kaibigan sa likod na si Bermes. Kaya tinawag na ako ni sir. Napilitan akong tumayo. Hindi ako sanay pumunta sa harapan. Anong kakantahin ko? Nakakainis. Di Naman ako kumakante eh. Pero Dito sa loob Wala kang Hindi kayang Gawin kahit di ka marunong kumanta, kakanta ka parin. "Oh palakpak! Palakpak!" Napatingin Naman ako Kay Gomez na na malakas na pumapalakpak at inaakay Ang iba naming classmates na pumalakpak din. Proud pa siyang tumingin sakin na parang may ibubuga ako kahit Wala Naman. Pumili na ako ng kanta at naisipan Kong kantahin Ang 'need you now' by lady antebellum. Nag simula ng tumugtog. Medyo nahihiya pa ako pero Yung kumag na Gomez parang amaze na amaze na kahit Hindi pa Naman ako nag sisimulang kumanta. Napaka-OA talaga. Tumalikod ako at nag simulang kumanta. "Wooohhh!" Para talagang timang Ang bweset na yon. "Humarap ka madrigal! Andito kami!" Hiyaw pa Niya. Kaya tuloy napansin ng A.I Namin at pinaharap ako. Nakakabwesit di Naman sana mapapansin kung hinayaan nya akong kumanta ng nakatalikod. Natapos rin akong kumanta na nakatingin parin sa kin Ang lahat. Lalo na Yung papansin. "Ang Ganda Naman Pala ng boses mo eh." Salubong Naman agad Sakin ni Gomez. Pero inirapan ko lang Siya. Natatawa Naman Siya at Yung iba naming classmates. "Alam mo tatanda ka kaagad sa kakukunot mo ng noo mo." Dagdag pa ulit Niya. "Shut up." Natawa Naman Sila Bermes sa asal ko. Napapailing nalang Siya. Hindi Naman natapos ng Masaya Ang prolex Namin dahil minalas pa kami. May nag back to barracks Kasi kanina. At damay-damay lagi Yan. Kaya ayun nag loblob lang Naman kami sa sinasabi naming 'boracay' pero Ang totoo Doon na-stock Ang tubig na galing sa cr. Basang sisiw kaming nakaupo sa ground at nangangati. Ba Naman Yan matutulog nalang oh. Pero ganito talaga, absorb nalang kami. Nasa bundok kami kaya medyo malamig na. Akap-akap ko Ang tuhod ko habang nakikinig sa mga litanya ng A.I Namin. Aksidente Naman akong Napatingin sa gawi ni Gomez na noo'y nakatingin din Sakin. May binubulong ito sa hangin. Kumunot agad Ang noo ko. Problema nito. Inintindi ko Naman Yung buka ng bibig Niya. "ma-la-mig? Gus-to mo ka-ya-kap?" Sinabayan ko pa Ang pag buka ng bibig Niya habang sinasabi Yun. "Pu-tang-ina mo" Sagot ko sa kanya na binulong ko rin sa hangin. Nawala Naman agad Ang ngiti Niya at napailing nalang. Pag Yan na Ang nasasabi ko tumitiklop na Siya. Dahil alam Kong ayaw niyang nag sasalita ako ng ganyan kahit na mukang babaero Siya eh ayaw na ayaw nito ng mga bad words, Ewan ko kung napaka banal lang to o Ano. Pero Dito  normal lang Yan , parang expression lang. Ganun.

kinabukasan naman balik pangungulit Nanaman si gomez. Tatawagin Yung first name ko pag dumadaan ako. Pag nag exercise sakin tumitingin na parang binabantayan ako kung na e-execute ko ng Tama. Siya Ang nag lelead samin kapag Oras na ng palakas. Dahil narin siguro snappy Siya pag dating dun. "Ready, up!..." Nasa push up exercise na kami. Nasa mood ako kaya gusto Kong e-proper. "Up!" Sigaw pa Niya. "20 sir!" Sagot Naman Namin. "Very good." Napatingin Naman ako sa kanya. Na noo'y nakatingin sakin. "Para ba saming lahat yang very good na Yan?" Tukso Naman ng Isang classmate Namin at ngumiti lang si Gomez. Gustong gusto Naman nitong tinutukso kami. Bwesit. Yan Ang gusto Niya na mag proper exercise ako palagi Kasi nga Sabi ko masyado siyang snappy pag dating sa exercise at ako namang sabay lang sa agos syempre Hindi sa lahat ng Oras proper ako. Hehe. Pahinga din Minsan. Para Maka survive Tayo. Natapos rin Ang exercise Namin at back to barracks na kami. Hindi pa ako nakakaalis sa ground eh lumapit nanaman ulit si Gomez Sakin. "Kaya Naman Pala eh, ayaw pang e proper." Biglang Sabi nito. "Wala akong pakialam." Masungit Kong Sabi at nagmadaling bumalik sa barracks. Natatawa nalang Siya sa pag susungit ko. Kahit Anong pag tataray ko para parin siyang Ewan na nag papapansin sakin. Kahit wala namang kwenta ang sasabihin. Ganun lang palagi Ang routine Namin. Gigising ng madaling Araw, mag bibilang ng tao, mag exercise, katapos mag lilinis ng kampo at lecture. At lahat ng Yun Oras-oras di pumapalya sa pag papapansin si Gomez Sakin. Hanggang sa gumawa pa talaga ng loveteam Ang mga classmates Namin. At Ang panget. 'Goma' loveteam. gugumahin ko talaga Siya pag di tumigil. Kahit saang sulok sa loob ng training center kung asan ako andun Siya. Ano bang trip Niya. Ano bang gusto Niya. Wala na ba siyang mapag tripan. Nakakainis. Pag dating din sa mga lectures Namin kung may mga demonstration kami lagi siyang umaalalay Sakin kahit di ko Naman kailangan. Tulad ng pag kalas ng mga parte ng baril. At parang sira na proud na proud kapag nagagawa ko Ang mga bagay na Yun. Kulang nalang Sabihin Kong Fan ko Siya. Hayst. Di siguro magiging tahimik Ang buong training ko.

Hi guy's please support my story. I really want to finish this one. Don't forget to vote, comment and follow. Love you 🤗

Memories of Him Where stories live. Discover now