Chapter 3

3 0 0
                                    

Hindi narin kami masyado nag ka usap sa online ni Gomez. Pero Minsan nag rereply Siya sa mga myday ko sa Facebook. Pero Hindi ko na pinansin pa. Dahil Mali. Mali na hayaan ko Ang sarili Kong maging malapit sa kanya. Natapos rin Ang pagbibigay serbisyo Namin sa Araw ng eleksyon at ganun din sa Araw ng mga Patay. Kaya balik training nanaman kami. Nag simula na kaming ayusin Ang mga gamit Namin na dadalhin ulit para sa training. Hindi na kami sa bukid mag papatuloy ng pag sasanay at dun na kami sa mismong training center na na may maayos na building para sa mga E.I's Namin , at opisina para sa mga nag tuturo samin sa academics. Maayos na facilities kunbaga. Sa gate palang kung saan nag bubuhat na kami ng mga gamit Namin eh nakasabayan ko na agad si Gomez. "Pinag tatagpo talaga Tayo Kasi mukang kailangan mo ng tulong." Oo nabibigatan ako sa malaking bag na dala ko. "Tulungan na kita." Binuhat nya Naman sa kabilang hawakan Ang bag ko. Yun Ang unang beses na hinayaan ko siyang tulungan ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro kahit na makulit , papansin Siya eh okay Naman Siya at some point? Sige e convince mo pa Ang sarili mo alliah. "Mabuti Naman para nagagamit ka." Sabi ko habang nag lalakad na kami pareho. "Eto Naman, bawasan mo na kaya yang kasungitan mo." Sagot Naman Niya. Hindi na ako umimik. Nakarating din kami sa pinto ng barracks Namin. "Dito nalang, thanks." Mabilis na Sabi ko habang di nakatingin sa kanya. Nag lakad na ito palayo at dun ko Siya tinignan. Okay Naman Si Gomez. Kung Hindi Niya lang Ako binibiro ng kung ano-ano pede Naman kaming maging mag kaibigan. Napailing nalang ako. Nag simula ulit Ang laban Namin sa loob. Kala ko na bawasan na Ang pangungulit Niya. Pero Hindi. Bumalik ulit Ang makulit na Gomez. At tulad ng sabi ko dati lahat di Niya pinapalampas. Sa Oras ng formation Namin, titingin Siya. Kung kakain kami lalapit Siya sa company Namin at dun kakain at mag sasalita ng walang ka kwenta-kwenta. Sa Oras ng klase uupo Siya sa likuran ko at gagawin Ang lahat mapansin ko lang Siya, sa Oras ng activities Namin laging andyan sya malapit Sakin. Kung may Mali siyang Makita e tatama Niya ako kahit na ayokong napapag-sabihan Niya. Kahit sa Oras ng exercise binabantayan Niya kung ginagawa ko ba ng maayos o Hindi at mas lalo ko siyang inaasar dahil di ko inaayos at napapailing nalang Siya. Kahit sa Oras ng jogging Namin eh tatabi Siya para lang mag papansin at makuwa Ang atensyon ko. Lahat ng galaw ko nakikita Niya. Kahit di ko Siya kinakausap, kakausapin parin Niya ako. Mas lumala Siya. Lumala Ang pagiging madaldal Niya. At nasanay ako. Yung tipong alam na alam ko na lalapitan Niya ako at kakausapin Niya ako. Hindi rin ako makapalag kapag gumagana Ang pagiging strikto Niya. Sa grupo Niya, nakikita ko na parang Siya Yung nag le-lead. Kung nasaan Siya, andun Yung mga classmates ko na malapit sa kanya. In short, I see my male version on him. But not the part of being too much talkative. Siguro sa pride ko pareho kami. Nakikita ko ring okay siyang kaibigan dahil naaasahan Siya. Kung sa babae protective Siya. Hindi rin Siya pareho sa ibang classmates Namin na lalaki na pumapatol sa babae, na daig pa Ang babae kung makipag away. Tahimik lang Siya sa mga ganung bagay. Pero pag dating sakin maingay Siya. Kahit na maraming red flags sa kanya meyron namang mabuti sa kanya. May kusa Siya sa lahat. Malakas Ang pakiramdam niya. Kahit na medyo Bata pa Siya eh napaka matured niyang mag isip. At Hindi ko akalain na sa side nya na yun, dun Pala mag sisimula Ang pag lalapit naming dalawa. Hindi na bilang parang aso't pusa kundi bilang mag classmates naman. Dun ulit kami nag karoon ng komunikasyon online. Nag simula ulit kaming mag palitan ng mga mensahe. Sa una okay Naman. Para lang kaming mag kaibigan na. Kung may Napapansin syang Mali Sakin during formation Namin kapag mag back to barracks kami mag memessage sya Sakin bigla. Kung gusto Niya Naman makipag usap eh mag memessage sya ulit Sakin. Ganun lang nag simula Ang lahat, nabawasan narin Ang pagiging suplada ko sa kanya. Pero dahil gusto kong maiwasan tuksuhin ng mga classmates Namin sa kanya eh sa online lang Ako nagiging maayos kausap. Pero kapag Oras ng klase o formation, tinatarayan ko parin Siya. Bagay na nasabi ko Naman sa kanya. Kaya hindi ko namamalayan na habang tumatagal eh nag kakakilala kami. Nag simula na siyang mag kwento ng kunti tungkol sa Buhay Niya at ganun din ako. Naging komportable ako sa kanya. "Hindi ka nanaman kumain sa formation." Sabi ni Gomez ng makalapit ito Sakin. Kasalukuyan kaming nasa parking area at nag lilinis. Nag iisa ako ng mga Oras na Yun. "Ganun talaga pag di ko gusto Yung ulam. Sa barracks na ako kumakain." Sagot ko Naman. "Kala ko nag da-diet ka, sa sunod dun kana kumain." Pangangaral Niya. Bigla namang sumulpot si Bermes. "Wala kang pakialam kung dun ako kumain o Hindi. " Biglang pag tataray ko at nag mamadaling lumipat ng pwesto. Natawa Naman Siya at napailing. Alam niyang ganun lang Ako kapag may kaharap na ibang classmates Namin. Pumunta narin Siya sa mga grupo Niya. Nag patuloy Ang mga ganung eksena, di ko namalayan na kahit may mga kaharap na kaming iba eh maayos na akong makitungo sa kanya kapag Minsan namang namumura ko Siya na sya namang normal lang sakin eh agad mag memessage Siya. Minsan di ko na alam kung Ano to eh. Pero napapangiti nya ako at alam Kong Hindi pede to. ["Ang kulit mo Sabi ko ng wag ka ng mag mura eh, Ang panget pakinggan alliah." Message Niya sakin ng mag back to barracks na kami. Di na Niya ako Minsan inaasar sa buong pangalan ko. Ibang iba na nung nag sisimula palang kami ng training sa bukid. ["Eh ganun ako eh, expression lang Naman Yun, parang Hindi ka sanay ganun Naman na ako Sayo dati ah."] Reply ko Naman sa kanya. "[Oo pero iba na Ngayon, gusto Kong iwasan mo Yan ally." ] Tang Ina. Ba't parang kinikilig ako. Hindi na to Tama. Wag. Pls alliah Xeline wag Kang mag papadala!. Bat parang umiikli pangalan ko. ["Sige na matulog na Tayo, Maaga pa Tayo bukas para sa exercise. Proper mo ha, nakikita kita."] Message pa Niya Sakin. Nakakainis Naman to. Ano ba dapat Kong Sabihin. ["Sige na matulog kana."] Yun nalang Ang naisagot ko. ["Goodnight Po."] Bigla Naman akong kinilig sa mga mensahe Niya. Ano bang nangyayari Sakin. Di ko na to nagugustuhan. Mag kaibigan lang kami. Yun lang Yun. ["Goodnight"] yun nalang Ang na reply ko. Habang tumatagal mas marami akong nalalaman tungkol Kay gomez. Una opposite kami Kasi Hindi Siya night person, kung ako babad sa cellphone pag nabibigyan kami ng pahinga Siya Naman itutulog nalang Niya Muna. Alam Kong dapat may limitation ako. Dahil Hindi ko alam kung Ano tong treatment na binibigay Niya Sakin. Na Baka ganun din Siya sa iba. Pero Wala akong pakialam humingi ng ganun , na dapat Sakin lang sya ganun. Dahil mag kaibigan lang kami. Pero minsan may pag kakataong Hindi kaibigan Ang pag trato Niya Sakin, alam ko Yun at alam ng iba niyang kaibigan dahil Sila Ang unang tumutukso saming dalawa. Sa unang pag kakataon naranasan kong maramdaman kung Pano maging babae. Ang lakas lagi ng pakiramdam niya, Ang cute lang kapag protective Siya, Siya Ang tipo ng lalaking maaasahan mo at Sa twing Kasama mo eh makakaramdam ka ng seguridad. Sinubukan kung iwasan. Alam ng diyos na sinubukan ko Ang lahat Hindi lang Ako mapalapit sa kanya pero bakit ganun. Unti unti akong nagiging Masaya kapag andyan Siya sa paligid ko. At alam Kong problema ito. How can I move backward when he makes me happy. Hays alliah, I think this would be complicated.

Hi guy's! Sana nagustuhan niyo Yung daloy ng storya hehe pasensya na sa mga mali-mali, I'll try my best pa para maayos ko hehe. Don't forget to vote, comment and follow 😘

Memories of Him Where stories live. Discover now