Chapter 4

2 0 0
                                    

Malapit na Ang pasko. At Sa organisasyon na to kailangan mo ng sanayin Ang sarili mo na Hindi sa lahat ng okasyon sa pamilya nyo eh makakauwi ka tulad Ngayon. Hindi kami makakauwi ng pasko sa kanya-kanya naming pamilya dahil Hindi pa tapos Ang training Namin. Bigla namang napag desisyonan ng class Namin at mga E.I's Namin na mag karoon kami ng 'christmas party'at isasabay Namin sa mismong Araw ng pasko. [Palagi nalang kayo Yung kinukuwa, sana kumuwa Naman Sila ng ibang classmates natin para makapag pahinga kayo."] Mensahe ko sa kanya. Admin time Namin at ibig Sabihin ay pahinga maliban sa kanila na laging pinapatawag ng region para mag U.I. may pinapaayos kasing barracks dun. At pag pulis ka dapat lahat alam mo kahit pag kakarpentero. Kasalukuyan kaming nag papalitan ng mensahe Ngayon. ["Sige lang, ganun talaga. Absorb nalang natin. Kumusta Dyan?" Reply Naman Niya Sakin. Halos buong Araw Kasi Silang Wala sa loob. Maagang lalabas at Gabi na kung babalik. Kaya Minsanan nalang kami mag kita. Online nalang kami nag kakausap kaya dun mas naging madalas pa Ang pag papalitan Namin ng mga mensahe. [Ito nasa barracks kami Ngayon, mag praktis daw ng pwedeng e-perform para sa Christmas party natin."] Reply ko Naman sa kanya. ["Sasayaw ka? Galingan mo ah manonood ako."] Napangiti Naman ako sa kanya. Hindi ko akalaing humantong kami sa ganito. Eh Pano para kaming aso't pusa noon. "[Close eyes ka nalang."] Biro ko Naman sa kanya. "[Baka Hindi kukurap kamo."] Natatawa nalang ako sa kanya. "[Ewan ko Sayo. Mag trabaho ka nalang Dyan haha."] Reply ko Naman sa kanya. Habang patapos na kami ng training Namin mas naging malapit kami ni Gomez. Laging may goodmorning, nangungumusta, nag go-goodnight, nag u-update ng ginagawa at di ko namamalayang ganun di ako sa kanya. Kung sa Oras Naman ng formation papalapit palang ako nakatingin at nakangiti na Siya. Nasanay akong kausap na Siya. Araw na ng christmas party Namin. Kanya kanyang pormahan. Nag shorts lang Ako at polo tyaka sapatos. Tinukso Naman agad ako ng mga classmates Namin dahil sa porma ko. Palapit palang ako sa ground ay nakatingin na Siya Sakin at alam Kong tinignan nya Ang soot ko. Naka tshirt lang Siya, maong pants at sapatos. Napaka plain Naman ng soot Niya. May kanya kanya kaming table bawat company. At mag katabi Ang table Namin at table nila. Isang upuan lang Ang agwat Namin. Tumunog Naman Ang cellphone ko. Kaya tinignan ko. "[Naks prepared sa porma ah."] Biro Niya Sakin. Kahit na malapit lang kami sa isat isa Ewan ko at di na ata ako normal Kasi nahihiya akong kausap Siya. "[oo nga eh, para akong a-attend ng binyag."] Sinabayan ko Naman Ang biro Niya. "[haha. Hindi Naman. Bagay nga Sayo eh."] Reply nya Naman Sakin. Pwede Naman sanang mag usap nalang ng personal eh. Pero ramdam ko ring nahihiya sya . Hindi na sya tulad ng dati na malakas Ang loob asarin ako. Nahihiya na rin Siya. Bakit nga ba ganito kami. Nag simula na Ang kasiyahan Namin. May mga palaro agad. Nag eenjoy Naman na Ang lahat. "[Ano ganito nalang? Di ba Tayo mag papansinan?."] Binasa ko ulit Ang mensahe Niya. Hindi ako lumingon sa kanya kahit na nabasa ko na. Pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin Siya at nag aantay. "[Ikaw kaya Yung di namamansin."] Yun nalang Ang na reply ko. Para kaming mga teenager. Hayst. Bigla naman siyang tinawag ng batcom Namin. At may pinag uusapan Silang mukang importante. Nakatingin lang Ako sa kanila. Tama ba to? Tama ba tong nararamdaman ko?. Maya-maya eh may dumating na patrol car at sumakay Sila ng grupo nila. San Naman Sila pupunta?. Nag antay ako ng ilang minuto pero Hindi Siya nag message Sakin. Kaya ako na nag message sa kanya. "[Saan kayo pupunta?"] Nag antay ako ng reply Niya. Medyo natagalan. Kringgg. Bigla namang may tumawag Sakin. Lumawak Naman agad Ang ngiti ko. Shit. Why am I smiling? Sinagot ko Ang tawag niya. Hindi ko inopen Yung camera. Nasa Isang Bahay Sila. "[Oh?"]. Unang bungad ko. Narinig ko Naman Ang mahina nyang pag tawa. "[ba't Ang sungit?"] Natatawa nyang Tanong. "[Andito kami kina RD. Kailangan daw ng mag a-assist eh, Wala namang nag bulontaryo sa mga classmates natin kaya kami nalang."] Eto problema sa kanya eh. Masyadong snappy. "[Hanggang Anong Oras Naman kayo Dyan?"] Tanong ko. "[Hindi Namin alam pero baka matagalan kami."] Nalungkot Naman ako bigla. T-teka. At bat naman ako malulungkot?. "[Eh Pano yan christmas party rin natin Ngayon."] Sagot ko Naman sa kanya. "[Enjoy nalang kayo Dyan. Sumayaw na ba kayo? Mag pa video ka ah tapos patingin ako."] Yun pa talaga naisip Niya. "[Wag na. Di Naman ako marunong sumayaw para ikalat ko pa Sayo. Sige na kakain na kami." ] Yun nalang Ang nasabi ko at nag end call na. Bigla namang nag iba Ang mood ko. Yung kaninang excitement nawala. Pero Hindi ko na pinansin Yun at pilit paring eninjoy Ang party. Natapos na kami ng pag sasayaw at kinukulit parin Niya ako na kesyo asan na daw Yung video pero Hindi na ako nag abala pang mag send sa kanya. Natapos nga Ang pag diriwang Namin pero Hindi na Sila nakaabot pa. Kaya malungkot ako ng gabing yon. Oo aminin mo na alliah. Kinabukasan binigyan kami ng pag kakataong makalabas pero babalik din pag kahapon. Hindi kami nag kasamang dalawa dahil iba Ang pinuntahan naming mag kakaibigan. Pumunta kami sa malapit na dagat samantala Ang grupo Niya sa Isang malapit na mall naman. sa cellphone lang kami nag kumustahan. Nag bibigay ng updates bagay na naging normal saming dalawa. Inaya ko siyang pumunta samin. "[Andito kami dagat Ngayon, punta kayo."] Pag aaya ko sa kanya. "[Kung Hindi pa sa gc natin di ko malalaman pumunta kayo sa dagat, di ka manlang nag Aya."] Reply Naman nito. Na medyo nag tatampo. Oo Hindi ko nabanggit sa kanya Yun. Nag Aya na ako nung nakarating na kami ng dagat. "[eh kaya nga nag aaya ako Ngayon eh."] Reply ko Naman sa kanya. "[Sa sunod Nalang, andito rin kami mall nila Gonzales, andito si Mama at pamangkin ko. Kakain kami."] Reply Niya. "[Ah ganun ba Sige. Mabuti Yan family first."] Reply ko Naman sa kanya. "[Gusto mong pumunta Dito?"] Pag aaya Naman Niya. Napaayos Naman ako ng upo. "[Ano kaba take your time with your family."] Sagot ko pa sa kanya. "[Andito nga Sila Gonzales Kasama ko eh."] Sagot Naman Niya. "[Hindi na. Mag enjoy ka Muna Dyan. At tyaka andito rin ako Kasama ko mga classmates natin."] Reply ko ulit sa kanya. "[Ah Sige sa susunod nalang. Enjoy rin kayo Dyan."] Reply nya Naman Sakin. At di na kami nag ka chat ulit. Kaya nag focus nalang ako kumanta ng karaoke. Hapon na at kailangan na naming bumalik. Mag bibilang nanaman Kasi ulit ng tao para malaman kung nakabalik na lahat. Ganun lang kami palagi ni gomez. Mag kakamustahan, mag bibiruan, kung Minsan nag papakilig. Unti-unti na akong sumasaya sa kanya. Bagay na nag pakaba sa akin. Kasi Hindi ko alam kung asang parte na kami. Ang sigurado lang Ako eh Masaya akong nakilala ko Siya. Pero unti unti ring nag bago Ang lahat. Nalaman Kong may girlfriend Pala sya sa labas. At alam Ko sa sarili ko Wala akong karapatan itanong kung Ano kami. Dahan dahan ko siyang iniwasan. Lagi na akong pumwepwesto sa likod tuwing formation. Kung pakiramdam Kong lalapit Siya eh lalayo kaagad ako. Hindi narin ako madalas nag rereply sa kanya. Iniwasan ko Siya. Bumalik ako sa dati. Kung saan suplada at mataray ako sa kanya. Pero dahil si Gomez Yan. Alam Kong makakahanap Siya ng pag kakataong makausap ako. "Alliah." Hinawakan Niya Ang kamay ko. Kaya napatingin ako. Oras ng pag lilinis Namin. Kinuwa ko agad ng kamay ko. Ngumiti Siya. "Ba't mo ako iniiwasan?" Nakangiti niyang Tanong pero ako seryoso lang. "Wala kang pakialam." Sagot ko at nag lakad palayo. Para kaming bumalik sa dati na palagi syang nag papapansin. Tumunog Naman Ang cellphone ko. "[Pansinin mo Naman ako. Ba't ka nanaman ba nag susungit?"] Naiinis ako. Di ko alam kung bakit. "[Pwede ba wag mo na akong kulitin. Ayoko ng makausap ka."] Sagot ko Naman sa kanya. "[Bakit Naman? May nagawa ba ako?" Reply Niya ulit Sakin. "[Sa tingin mo Anong mararamdaman ng girlfriend mo?"] Diniretso ko na Siya at matagal Muna bago Siya makapag reply. "[Wala namang masama sa ginagawa ko."] So inaamin niyang may girlfriend Siya. So ako lang ba Ang nag assume? So ako lang Yung nag expect na meyrong espesyal saming dalawa? You have no right to say that either ally. Bigla Kong inayos Ang sarili ko. Why I am thinking this way!. "[Stop sending messages to me."] Yun na lang Ang na reply ko. "[Bakit? Wala Naman tayong ginagawang masama."] Naiinis ako. Coz I know he entertained me, and that's cheating. And so I am. I entertained him. "[May boyfriend ka din Naman ally. Pero Masaya Tayo pareho alam mo Yan."] Bigla akong natauhan. I am responsible for this too. I cheated on my boyfriend. Coz I like someone else. Pero bat ganun Masaya akong Kasama si Gomez. It's not only flirting. There's something more on it. "[Iwasan mo na ako Gomez. Tama ka. Nasa relasyon Tayo pareho. Nakalimot Tayo. So stop messaging me now."] Yun na lang Ang nasagot ko sa kanya. "[I can't. Hindi ko kaya ally."] Nahirapan Naman ako bigla. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong to. I can't believe myself doing this shit. I'm 3 years in relationship and here I am, liking someone else. "[I want you to stay away from me from now on. Don't talk to me. Or even look at me."] Reply ko sa kanya at Hindi na ako nag antay pa ng reply Niya. Renistrict ko narin Siya sa messenger. Get yourself together ally. It's a sin. Huminga ako ng malalim at nag pasyang matulog Muna.

Hi guy's! Please support my story. I really appreciate it if you take time reading it. Don't forget to vote, comment and follow 😘

Memories of Him Where stories live. Discover now