Chapter 5

2 0 0
                                    

Kasalukuyan kaming nakaupo sa ground at nanonood ng pelikula. Isa rin to sa pahinga Namin sa loob ng training center. Ang movie marathon. Tinatawag ako ng mga malapit Kong kaibigan na dun umupo sa kanila pero Nakita Kong nandun si Gomez kaya sa likuran nila ako umupo. tumabi Naman Sakin si Gonzales. "Ba't di kayo nag papansinan?" Malokong Tanong niya. "Tigilan mo nga ako Gonzales." Walang gana Kong sabi. "Ano? Nag Tatanong lang Naman eh." Sagot pa Niya. "Tol, palit Tayo. " Kinalabit niyan Naman Ang nasa unahan Niya. Si Gomez. Kaya binigyan ko ng matalim na tingin si Gonzales pero tinawanan lang Ako. Isa ito sa nangunguna sa tumutukso saming dalawa. Kung may fans club kami eh pwede syang gawing president. Pano ba Naman madalas syang mag send ng mga stolen picture Namin sa gc Namin kaya na rin nabuo Ang loveteam na GOMA bwesit. "Ayaw nya akong katabi." Sagot Naman nito pero dedma lang Ako. Iba nalang pinag usapan Namin ni Gonzales. Kahit papaano eh okay Naman ako sa mga kaibigan ni Gomez. Hanggang sa Ang kausap na ni Gonzales ay Ang kausap kanina ni Gomez. Kaya Ngayon pareho kaming walang kausap. Bigla Naman syang may inabot na papel. "Ano Yan?" Tanong ko pero winagayway Niya lang to para tanggapin ko. Binasa ko Naman ito. "Pansinin mo na ako pls." Napatingin Naman ako sa kanya matapos basahin Yun. At kumuwa ng ballpen tyaka nag sulat. "Leave me alone Gomez." Yun lang Ang naisagot ko. Kaya humarap na Siya Sakin at tinignan ako. Nailang Naman ako sa mata Niya. Seryoso ito. "Di mo na ba talaga ako kakausapin?" Seryosong Tanong niya. Wala namang nakatingin samin dahil may kanya kanyang topic Ang mga katabi Namin pareho. "Ba't ba Ang kulit mo? Wag mo na nga akong kausapin." Mahinang Sabi ko sa kanya. "No. Kakausapin parin kita. Wala akong nakikitang Mali sa ginagawa ko." Sagot pa Niya. "Bahala ka nga." Bigla namang umulan kaya nag sitayuan na kami at Hindi na naituloy Ang movie marathon. Ilang Oras din ay nag back to barracks na kami para matulog. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa ginagawa ko. Biro lang Naman dapat Diba. Sa simula palang alam mo Yan ally. Pero bakit humantong Sila sa ganito. Kahit si Gomez alam niya at nakikita niya na Hindi na biro Ang lahat. Nag paalam Naman ako kinabukasan. At some point kailangan ko ring Gawin Yun. Ang dumalo sa Oath taking ng boyfriend ko. Kung Ano man Ang meyron kami ni Gomez ay tanging kami lang Ang nakakaalam at Ang malapit niyang kaibigan na si Gonzales. Kahit sa mga kaibigan ko ay Hindi ko nabanggit na ganun na Pala kami kalapit ni Gomez. Dumalo ako sa pinakaimportanteng Araw ng boyfriend ko. Isa ako sa Masaya na finally naabot Niya rin Ang pangarap Niya. Pero ba't ganun. Nandun ako pero iba Ang nasa isip Ko. Napakasama ko na bang girlfriend? Alam ko sa mata ng iba oo. Pero ba't nga ba ako humantong sa ganun? Hindi lang si Gomez ang nag tangkang Kunin Ang atensyon ko.Minsan na ding may lumapit Sakin at kami na ng boyfriend ko that time pero Hindi kailanman ako nadala sa kahit isa sa kanila. Coz I love him and for me that's the right to do. Pero mula ng makilala ko si Gomez, malandi man kung iisipin ng iba, but god knows how much I tried to stop myself. Iniwasan ko sya sa paraang alam na alam ko kung Pano laruin. Pero bakit sa huli binuwag ko parin Ang pader na tinayo ko para sa sinumang mag tangkang lumapit Sakin. Naging mahina ako pag dating sa kanya. Hinayaan ko Ang sarili ko makilala pa Siya. Nung una Sabi ko, bilang kaibigan lang. Dahil nakikita ko mabuti sya bilang kaibigan. Pero habang tumatagal Hindi na ako nagiging sigurado. At alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kanya. At kailangan Kong gumising sa katotohanang Hindi kami pwede dahil pareho kaming nasa Isang relasyon. Bago ako lumabas ay nag deactivate Muna ako ng account ko. Gusto ko na talagang iwasan Siya. Kaya para maiwasan ko na makausap Siya, Hindi na Muna ako gumamit ng messenger ko. Pag katapos ng oath taking eh nag pasya na akong bumalik ng training center. Hindi Naman na kami nag kita ni Gomez dahil U.I ulit Sila at nakakabalik na kung Oras na ng tulugan. Kinabukasan isa Naman ako sa naging pulutan agad ng gc Namin. Eh Pano meyron kaming picture ng boyfriend ko ng oath taking nila at na post sa Facebook page nila. Kaya umani ako ng maraming tukso sa gc Namin. Lalo na saming dalawa ni Gomez. Kami Ang hot topic ng gc Namin Ngayon. Prrrttttttttt. Nag madali na kaming mag sibabaan dahil pumito na Ang batcom Namin. Nandun na din Siya. Bigla akong napangiti ng Makita ko Siya. Pero. Parang may iba sa kanya. Seryoso ito. Hindi rin Siya tumitingin sa gawi ko. Bagay na nakasanayan ko. Sanay akong nasa akin Ang atensyon Niya bawat minuto, Segundo, Araw namin sa loob ng training center. Kaya medyo naiilang ako sa inaasta Niya. Dumaan pa Ang mga araw na Hindi na Niya ako pinapansin. Nag unrestrict nadin ako sa kanya pero Wala syang bagong mensahe Sakin. Kapag mag kakasalubong Naman kami umaasa akong mag papapansin Siya pero linalampasan Niya lang Ako . Diba ito Ang gusto ko? Naging mabigat Sakin Ang bawat Araw ko sa loob. At Hindi ko nagugustuhan iyon. Dapat ko ngang ipag pasalamat na iniiwasan nya ako. Ng sa ganun maging madali samin pareho Ang lahat. Pero bakit parang ayaw ko sa nangyayari Ngayon samin. Lumipas Ang mga Araw na ganun Ang pakikitungo nya Sakin. Nag karoon Naman kami ng aktibidad na kung tawagin ay 'ftx' kung saan Aakyat kami ng bukid at dun mananatili kami ng tatlong Araw. At Ayun nga Madaling Araw palang eh nag simula na kaming mag lakad papuntang bukidnon. May dala dala kaming gamit para sa gagamitin dun. Tubig, pagkain, damit at iba pa. At Hanggang Ngayon ay Hindi na ako tinitignan pa ni Gomez. Ano bang problema mo alliah. Tama Ang ginagawa nyo. Mag iwasan kayo. Para sa mga kasintahan nyong naiwan sa labas!. Nakakainis na. Bigla Naman kaming huminto Muna at nag pahinga habang inaantay Ang iba pa. Bigla akong kinabahan ng papalapit sya sa Akin. Please . Please talk to me again. Traydor Kang puso ka!. Pinapatayo na kami ni sir Jules dahil mag sisimula na ulit kaming mag lakad at bigla niyang linahad Ang kamay Niya. Para makatayo ako. Nag loading pa ako. Masaya Kong tinanggap Yun at tinayo Niya ako. Parang bumagal Ang lahat. Pakiramdam ko may musika akong naririnig habang nakatitig lang Siya Sakin. Binawi ko Naman agad Ang kamay ko at napaubo. "May ubo ka rin ba?" Tanong niya. Narinig ko ulit Ang boses Niya. Bigla Kong namiss Yun. Namiss ko Ang lahat sa kanya. Alam Kong Mali nanaman ako dahil nararamdaman ko to. "H-hindi sipon lang." Yun nalang Ang naisagot ko. "Oh eto mag lagay ka." Inabot Naman Niya sa akin Yung maanghang na pinapahid. Normal lang sa trainee meyron nun. Tinanggap ko Naman Yun at nag pahid tyaka binalik sa kanya. Ngumiti sya ng tipid. "salamat." Sabi ko. Bigla Naman niyang hinawakan Ang pisngi ko at pinisil Yun. Naestatwa pa ako. "Ano ba." Pag aalis ko ng kamay Niya. "S-sorry." Nahiya Naman Siya at nag simula ng mag lakad. Napatingin nalang ako sa kanya at sumunod narin. Habang paakyat na kami eh nag stop ulit kami. Umupo Siya sa harapan ko. At tinignan lang Ako. Ngumiti ulit Siya. Ako nalang Ang nag iiwas ng mata. "Isandal mo Yung bag mo Dyan para makapag pahinga Ang mga braso mo. Ba't ba Kasi Ang daming dala mo, Ikaw din mahihirapan Niyan." Sabi Naman Niya Sakin. Kinausap na Niya ulit ako. Bakit parang Ang saya ko Naman ata. "kaya ko Naman." Sagot ko sa kanya. Nag bigay Naman ng signal Ang E.I Namin na umakyat na. Hindi ko alam na sa pag akyat Namin ng bundok ay babalik ulit Ang pag uusap Namin. May mga classmate kaming nag pi-picture at parang tulad ng dati makikipicture sya Sakin. At dun hinayaan ko ulit Ang sarili ko na bumuo ng alaala Doon. Bakit parang bumalik Yung dating sya. Pagkatapos Niya akong di kibuin ng ilang Araw. Nakaakyat din kami sa unang target Namin. At Doon ay nag pahinga kami. Habang nag aayos ako ng gamit Ang mga lalaki Naman ay nag babawas ng mga damo sa pwesto Namin. "Saan ka pwepwesto? Para malinisan natin." Napaangat Naman ako ng tingin. Si Gomez may dalang itak. Nag kantsawan Naman Ang mga malapit samin. "Dun ka nga." Asar kong Sabi sa kanya. Ngumiti lang ito at nag finger heart. Nang aasar ba sya. Tsk. Ano bang nakain nito at bumalik sa dati. Pag katapos Namin kumain ng breakfast eh nag simula ulit kami mag lakad. Medyo naging malayo layo Ang sunod naming target. Sabayan pa ng Isang taong nangungulit Sakin. "Ba't ba Ang kulit mo? Okay na Yung Hindi mo na ako kinakausap eh." Weh okay lang ba talaga ally? . "Bakit parang nag tatampo Yung Tono mo." Nginitian Naman Niya ako ng nakakaloko. Bwesit. "Gusto mo chocolates? Energy drink? Meyron ako Dito." Ang dami niyang ino-offer pero Yung ibang classmates lang nag sikuwaan maliban Sakin. "Pwede bang hayaan mo ako ally? Hayaan mo ako kahit Dito lang." Biglang nag seryoso Ang muka Niya. Hindi Naman ako nakaimik. "Promise pag baba natin Hindi na kita kukulitin. Pero sana hayaan mo akong makasama ka at makausap ka kahit Dito lang." Seryoso Ang muka niya. Tumahimik lang Ako. Wala akong naisagot sa kanya. Pero sa pinakita ko ng mga Araw na Yun ay parang oo Ang sagot ko sa mga pakiusap Niya. Huli na to. Pangako.



Hi guy's ! I hope you like it 😊 please do support my story. I want this one to be completed soon. Don't forget to vote, comment, and follow 😘

Memories of Him Where stories live. Discover now