Chapter 7

1 0 0
                                    

Kasalukuyan Kong inaantay sa baba ng barracks Namin si Gomez. Kukunin ko Kasi Ang combat shoes ko. Nakita ko Naman agad syang parang batang masayang nag mamadali habang bitbit Ang supot ng Plastik kung San nakalagay Ang sapatos ko. Hindi Niya agad ako Nakita. Nag send din Sakin si Gonzales ng short video ni Gomez ulit kung saan inulit ulit pa ni Gomez Ang pag papa shine ng combat ko. "[Iba ka talaga madrigal. Iba na Ang level niyong dalawa."] Biro pa Sakin ni Gonzales sa chat. Naririnig korin Ang mga tukso nila Kay Gomez at nakangiti lang Siya habang nag lilinis ng sapatos ko. This is the first time na may gumagawa Sakin ng ganun. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko babaeng babae ako sa kanya. Napaka manly Niya kunbaga. Nakita Naman Niya agad ako ng medyo malapit na Siya. Ngumiti ako sa kanya. "Tignan mo kung okay na." Nakangiti niyang Sabi sa kin. "Okay na to. Salamat ah." Nahihiyang Sabi ko. Nag paalam na ako sa kanya baka Kasi makita pa kami ng ibang classmates Namin tuksuhin ulit kami. Pero sa mga kaibigan ko Hindi ako nakalusot. Sila Kasi busy habang nag sha-shine. Samantala ako tapos na. "Aba, sino kaya. Hmm." Biro ni bermes Sakin at sumabay pa Yung mga mata ng iba Kong classmates at nag tuksuhan. Napapailing nalang ako. Pero Hindi Yun Ang nasa isip ko Ngayon. Si Jacob. Alam Kong Mali Ang ginagawa ko na hinahayaan ko Ang sarili Kong mapalapit sa taong alam Kong Hindi lang Isang kaibigan. Nalulungkot ako. Hindi lang dahil sa nangyayari Ngayon kundi dahil kailangan kong iwasang maging Masaya. Nasa formation na kami at nag bibigay ng impormasyon sa mga dapat naming bayaran para sa darating na graduation Namin pero Yung isip ko Wala parin sa ayos. Nakikita ko Namang Panay tingin Sakin ni Gomez at parang batang nag beautiful eyes. Ang cute Niya. Ina mo ally kasabay nun ay Nakikita ko ring palakaibigan Siya sa lahat lalo na sa mga babaeng classmates namin. Eh Ano Naman Ngayon ally. Nang matapos ng mag salita Ang president ng class Namin sa harapan nag bigay Naman agad ng instruction na dahan dahan na kaming mag ayos ng mga gamit para sa nalalapit naming pag tatapos sa loob. "Ally!" Aakyat na sana ako sa barracks ng tinawag Niya ako. May halong pag aalala Ang muka Niya ng makalapit Sakin. "Okay kana ba?" Oo nga Pala Hindi ako naka-form kaninang lunchtime dahil masama Ang pakiramdam ko. "O-oo." Matipid na sagot ko. Kinabahan Naman ako bigla ng hawakan nya Ang noo ko. "Mainit kapa. Uminom kana ba ng gamot?" Pls Gomez tigilan mo na tong pinaparamdam mo Sakin. "Kaya ko Ang sarili ko. Sige na akyat na ako." Nag mamadali akong pumasok sa barracks Namin. Itutulog ko nalang to. At Hindi na nga ako naka-sama sa huling accounting Namin sa Gabi dahil bumalik Ang lagnat ko. Kahit masama Ang pakiramdam ko eh di nakalampas Ang tukso Sakin ng mga classmates ko kesyo nag aalala daw si Gomez, at sya pa Ang nag tabi ng pagkain ko para maidala ni bermes Sakin pag balik ng barracks. Nag message din ito Sakin at nag Tatanong kung kumusta na pakiramdam ko pero Hindi na ako nag reply pa. Araw ng 'baccalaureate mass' Namin. Lahat nakasuot ng mga bagong uniporme at shined combat shoes. Sunod na Araw eh graduation day na Namin. Akalain mo Yun matatapos na kami. Parang Ang raming nangyari. Hirap, pagod, puyat, at kung kailan buwan nalang eh sumama pa si Gomez sa mga pangyayaring Yun. Hindi ko na masyadong binibigyang pansin Ang mga mensahe nya sa akin online. Umiiwas ako. Oo. Kasi ito Ang dapat Kong Gawin. Alam Kong Panay tingin parin sya kin. At nag hahanap ng tyempo makausap ako. Ako lang tong umiiwas sa kanya. Pumunta Naman agad kami ng simbahan sa loob ng region. Malapit lang din Ang upuan ko sa upuan nya. Pero Hanggang sulyap lang kami pareho Hanggang sa matapos Ang Simba. Nag picture picture din Ang lahat. Hanggang sa tinawag nya na ako. "Madrigal." First time Yun ah. Tumingin ako sa kanya. Tipid lang Ang ngiti nito. "Pwede ba mag picture tayong dalawa?". Pano pa ako hihinde ey andyan na si Gonzales naka ready na Yung camera niyang iphone fully paid. Sa huli ay pumayag ako. Pag katapos ng picture Namin lumayo na ako sa kanya. Nakita ko Naman na parang nag kantsawan Silang mag kakaibigan. Pero Patay malisya lang Ako. Habang Nag lalakad na kaming lahat pabalik ng training center. "Ally." Oh pls. "Bakit mo ako iniiwasan." Sinabayan nya ako sa pag lalakad. Seryoso lang AKo. "Ba't naman kita iiwasan." Sagot ko Naman. "Ba't di mo ko rinireplayan?" Sabi Naman nya. "pwede ba layuan mo Muna ako." Mataray Kong sagot at linampasan sya sa pag lalakad. Ng makapasok na kami ng kampo, nag hintay Muna kami malapit sa parking area dahil wala pa Ang iba. "Bakit mo nga ako iniiwasan. May nagawa nanaman ba ako? Okay Naman Tayo nung nakaraaang Araw ah." Pangungulit nito. Daig pa Namin ang mag syota kung mag Lq. "Hoyy Gomez asan na Yung tubig ko?" Bigla Naman akong di nakasagot ng may lumapit samin. Classmate din Namin. Sabi ko nga masyado syang friendly. Tss. Napatingin Naman ako sa kanya at nag TaaS ng kilay. "Andun sa barracks sandali lang." Sumunod Naman Ang classmate ko sa kanya at Maya Maya eh bitbit na nito Ang Isang galong tubig at binigay sa classmate Namin. Problema din Kasi Namin Dito sa loob Ang tubig kaya talaga kailangan mong mag imbak o mag tago ng tubig mo. "Tss. Babaero." Bulong ko sa hangin habang tinitignan Sila. "Ni Hindi mo nga ako mapag igib ng tubig. Tapos nag imbak kapa ng tubig para sa iba." Parang batang bumubulong sa hangin. "Ops wag Kang mag selos classmate lang natin Yun. Pinatago Niya lang Sakin Yun." Di ko namalayang nakalapit na Pala sya Sakin. Malapit Kasi saa barracks nila Ang tinatawag naming 'water station'. "Assuming!" Inis na Sabi ko at linampasan na sya. Nakakainis Yung pagiging friendly nya masyado sa mga babae. Kung Gano ka shy type si Jacob opposite Naman sya. Ano bang nangyayari Sayo ally. Pls gusto ko ng lumabas ditooooo. Para akong timang sa mga iniisip ko. "[Wuy congrats."] Bigla Naman siyang nag message sakin. For what? "[Anong congrats namang pinag sasabi mo."] Mataray Kong reply sa kanya. "[You did it. Kasali ka sa top ng class natin. Proud ako Sayo."] Hindi naman ako naniniwala sa kanya dahil Wala pa namang ina-announce samin. Kaya Hindi na ako nag abala pang isipin Ang sinabi nya. "[you deserves it ally."] Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi nya eh alam Naman Namin pareho na Hindi ako ganung ka snappy katulad ng iba. Pero kapag mga recorded activities Naman eh I did my very best mapa acads man o non-acads. "[Kung meyron man Dito dapat bigyan ng award Ikaw Yun. Kasi snappy ka sa class natin eh."] Yun nalang Ang nasabi ko. "[No. Para talaga sayo Yan. Napa-Bilib mo ako alliah Xeline."] Alam Kong maraming bitter sigurado kung mabigyan man ako ng award. Kaya Hindi ko gustong kino-compliment ako pakiramdam ko Kasi Ang sarcastic lang. "[pwede ba tigilan mo na Yan. You're being sarcastic na."] Bigla Naman akong nainis sa kanya. "[Bakit? Proud lang Naman ako Sayo ah. Hindi sarcastic Yun."] Reply Naman nya. "[Tigilan mo nga ako Gomez. Pwede ba wag mo na akong kausapin."] Naiinis Kong Sabi sa kanya. "[Sinasabi ko lang Naman Sayo Yung totoo ah. Ba't Galit ka nanaman."] Gusto ko ng tapusin kung Ano man tong meyron samin. Meyron nga bang kami? You're delusional ally. "[You're a waste of time."] Bigla Kong na reply sa kanya Yun. Kung kailangang mainis Karin Sakin gagawin ko. Iwasan mo lang Ako Gomez. "[Grabe ka Naman ally. Ganun lang ba ako?"] Reply Naman nya. "[Oo! Can you please stop sending messages to me!". Nahihirapan pa akong I send Yun pero kung ito Ang dapat Kong gawin. I'll do it even if it's hard. "[Bakit ka ba ganyan? Okay Naman Tayo ah."] Reply nya ulit. "[I don't want to talk to you again. Kaya pwede ba wag mo na akong kulitin!."] Ang Bigat para Sakin na maging rude sa kanya. Coz actually he's a nice person. It's just that. It's very complicated. I can't even explain. "[Nakukulitan ka na Sakin?" Tanong pa Niya. "[Putangina oo."] Alam Kong ayaw niyang nag mumura ako. "[Totoo ako Sayo ally. Lahat ng sinasabi ko totoo."] Mensahe nya ulit Sakin pero Hindi na ako nag reply. Hanggang matapos Ang buong Araw.

Kinabukasan Hindi na kami nag kibuan pa. Hanggang sa totoo ngang kasali ako sa Top dahil tinawag Ang pangalan ko to recieve an award as top 3. Habang nasa stage Nakita ko sya sa likod ng formation, nakatayo lang Kasi kami nun Hanggang matapos Ang program. Nakita ko na Masaya syang nandun ako at tinatanggap Ang medalya. Kung tutuusin deserve nya rin mabigyan ng award. Kung tutuusin parang sya pa Ang nag le-lead ng class Namin kesa sa mismong batcom Namin. Pero ganun talaga. Natapos na Ang program Namin, nag picture picture, marami ding nag congrats Sakin pero Hindi na ako nilapitan pa ni Gomez. Hanggang sa nag bigay nga ng anunsyong may pitong Araw kaming break. Kaya Masaya Ang lahat nung makalabas ng kampo. Pero kami ni Gomez? Hindi na nag kausap pa. Kanya kanyang uwi na sa Kani kanilang probinsya. Nalaman Kong isa na dun si Gomez. Ako Naman kinabukasan pa uuwi dahil napag usapan naming mag kakaibigan na mag sasaya Muna kami mamayang Gabi. Kinagabihan nga ay pumunta kami sa isang KTV bar. Inom Dito, kanta don. Pero Yung isip ko nasa kanya parin. Hindi na Muna ako nag cellphone at nag enjoy nalang . Kinabukasan ay nag pasya na akong umuwi sa probinsya Namin. Tamang Tama Yung binigay saming break Kasi mag new-new year. Kaya lahat eh high morale. Habang nasa byahe ay Tinignan ko Naman Ang chat box ko at napaayos ako ng upo ng Makita Ang message ni Gomez. Mensahe pa nya kagabi. "[Congrats parin ally."] Malungkot Naman akong ngumiti habang binabasa Yun. Tapos na. Tapos na Ang mga Araw na makakasama ko Siya. Simula pag kagising, Oras ng pagkain, Oras ng pag papalakas, Oras ng klase at Oras bago matulog, lahat ng pangungulit na Yun ni Gomez Sakin, lahat Yun nag tatapos na Ngayon. Ngayong Nasa labas na kami, Hindi na kami palaging mag kakasama sama pa. "[Salamat."] Yun nalang Ang naisagot ko. Nakarating narin ako sa probinsya Namin. Nasa Bahay lang Ako palagi. Minsan nag uusap usap kami ng mga magulang ko at Minsan Naman tatambay sa balconahe Namin. Papalapit na Ang bagong taon. Pero Wala na akong narinig pa Mula kay Gomez. Tinignan ko Ang cellphone ko. Hindi Niya ako sineen. Siguro nga Tama narin to. Dinelete ko nalang Ang reply ko sa kanya. At some point nainis ako dahil Hindi manlang sya nag abala tignan Ang mensahe ko. Pero Anong karapatan ko?. Bigla namang nag ring Ang phone ko. Kaya excited akong tinignan Yun. Pero napawi agad Ang ngiti ko. Akala mo ba Siya ally?. It's Jacob. Mukang pinagamit Sila ng cellphone . Sinagot ko Naman agad Yun. "[Hi loveeee."] Masayang bati nya Sakin. "[Congrats sa awards mo."] Dagdag pa nya. "[Salamat. Mabuti nakagamit kayo ng phone."] Sagot ko Naman. "[Oo nga eh pero 30 mins lang to love."] Sagot Naman Niya. "[ah love Yung pinapasuyo ko Pala Sayo Yung sa Pera? Kailangan na Kasi naming mag bayad ng uniform Namin eh."] Dagdag pa nya. Oo nga Pala nakalimutan ko. "[Ahh nasabi ko Naman Yun Kay Jillian na. Message mo nga ulit baka nakalimutan lang."] Sagot ko Naman. "[ah Sige tawagan ko nalang sya mamaya. Mabuti nabigyan kayo ng break."] Banggit pa nya. "[Oo nga eh."] Matipid Kong sagot. "[Wala ka ata sa mood."] Mukang napansin nya Naman ata. "[pagod lang siguro ako."] Yun nalang Ang naisagot ko. Nag kwento Naman sya ng nag kwento tungkol sa training nila. Pero ako parang Wala sa sariling tahimik lang na nakikinig. Nakikinig nga ba? Gustuhin ko man. Ayusin Ang sarili ko. Bumalik sa dapat Kong balikan. Eh ayaw Naman ng letseng pusong to. Hindi na to simpleng attachment lang dahil andito na ako sa Bahay Namin eh sya parin Ang nasa isip ko. Ayoko na pls. Tanggalin mo na to lord kung Ano man to. Natapos din Ang pag uusap Namin ni Jacob pero ramdam Kong Hindi ako naging attentive sa mga kwento nya . Ally get yourself together pls. Namimiss ko na sya. Sobra.





Hi guy's . Ano Tama pa ba Ang ginagawa mo ally. Haha please support my story guy's ❣️ don't forget to vote, comment and follow. 🤗

Memories of Him Where stories live. Discover now