ILYSB|C8

106 9 3
                                    

KABANATA 8 : UNPLANNED

XANDER POV'S

Hating Gabi na subalit hindi pa rin ako tinatablan ng antok. Andito kasi ako nakatambay sa sala habang inaantay ang pag-uwi ni Mommy. Lagi kasi siyang ginagabi umuuwi everytime na may pupuntahan itong importante. Kaya as mama's favorite boy nakaugalian ko na ang paghihintay sa kanya ng ganitong oras. Hindi kase ako kampante at komportable na mawawala siya sa tabi ko ng kaytagal. Nasanay na din kasi ako na palagi siyang nasa tabi ko kaya bago ako matulog minimake sure ko muna na makikita ko siya at sa tuwing gigising ako sa umaga.

"Lampas twelve na ah bat wala pa siya?" I worriedly asked myself nang mapansin ang oras. I message her na din pero ni isang respond wala kaya nagtaka nako. Agad akong umakyat sa taas para pakiusapan si Daddy na sunduin si Mommy.

I knocked several times sa door niya bago tawagin to make sure if gising pa ba siya.

"Dad!"  mahinang tawag ko sa harap ng pintuan niya at nilalabanan ang takot dahil tiyak akong pagagalitan ako. Pagagalitan ako sa rason kung bakit gising pa ako ng ganitong oras.

Meron kasing rules si Daddy as a boss, as a father sa bahay at isa na don ay ang sa oras ng pagtulog. And yes, alam kong lumabag ako sa rules at desisyon ko yon.

"Come in" he said. Kahit na nasa labas pa ako ng pinto ramdam kona ang tensyon sa tono ng pananalita niya.

Dahan-dahan akong pumasok and I saw him na nakaupo sa desk niya at nakatutok ito sa computers niya. He's playing a game na naman. Addict na talaga si Dad sa paglalaro! Wala na siyang pakialam kay Mommy at sa amin. Ni pag-alala hindi ko nakita sa kanya because of this fûck!ng game called mobile legends.

"Dad" mahinang tawag ko sa inakalang huminto sya sa paglalaro pero mali ako ng inakala.

He scoffed, "If you want to say something, say it now and leave."

Napakagat ako ng labi habang nakatitig sa kanya. I was shocked ng bigla niya rin ako tinignan ng masama.

"What?" taas kilay niyang tanong kaya napalunok ako ng disoras.

"Si Mom-"

He cut me off, "I don't have time to talk about something isn't important. Just leave and dont forget your reward tomorrow."

Napa step back ako sa tugon niya. He warned me, he punish me as my reward for something.

"Masusunod po, Dad. Good night." I replied saka tuluyang lumabas at bumalik sa baba para maghintay ulit.

Habang pababa ng hagdan, napansin ko agad ang kasambahay naming si Inang Stella. My mommy's friend. Matalik siyang kaibigan ni mommy kaya ganoon na lamang ang pananatili niya ng kaytagal sa mansion namin.

Lumapit ako sa kanya ng makita siyang umiiyak at balisa.

"Inang, are you okay? May nangyari po ba?" nag-aalalang tanong ko kasi I've never seen her na umiiyak ng ganito.

"Naku, sir Xander, hindi ko alam kung paano sasabihin ito..." umiiyak na sagot ni Inang Stella. "Gusto ko nang umuwi."

Bago pa man ako makapagtanong ulit, tuluyan kong narinig ang pagbukas ng pinto. Dumating na si Mommy, mukhang pagod kaya kumaripas na ako ng takbo para salubungin siya at bigyan ng yakap.

ISLE LOVES YOU SO BAD (KITANGLAD#2)Where stories live. Discover now