ILYSB|C1

116 11 9
                                    

ANG SIMULA


Sa isang lungsod malapit sa isla na pagmamay-ari nang pamilyang Arebalo ay may naninirahang isang pamilya, ang pamilyang Villaluna na di kalaunan ay naging malapit sa Pamilyang Arebalo.

Sa di inasaahang pagtulong ni Stella ang ilaw ng tahanan ng pamilyang Villaluna, sa paboritong anak ni Donya Kierra ay nakuha nito ang tiwala at naging matalik na kaibigan. Hanggang sa inalok ni Donya Keirra si Stella ng trabaho 'yon ay ang maging katuwang niya para bantayan ang bunsong anak na si Xander Arebalo.

Labag man sa kalooban niya nong una na iwanan ang dalala nitong prinsesa na sina Solana at Ceilo pero di pa rin ito nagpatinag. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, nanaig pa rin ang desisyon niya. Nilisan ni Stella ang tahimik at hirap na pamumuhay nila sa lungsod para magtrabaho.

Masakit sa kalooban nina Solana at Ceilo ang pag-alis ng ina pero wala silang magawa kundi ang magpatuloy lang sa pamumuhay. Makalipas ang ilang linggo, tuluyan na din silang iniwan ng kanilang ama. Umiyak ang dalawa dahil watak-watak na silang pamilya pero ang pag-iyak nila ang dahilan para lumaban Hanggang sa magdalaga na ang mga ito.

Magkatuwang ang magkapatid sa lahat at hindi na umaasa sa Ina nilang nagpapakasaya sa piling ng ibang pamilya. Si Solana ang nagtayong ama at Ina sa kapatid nitong si Ceilo habang nagsusumikap na makatapos ng pag-aaral. Sola is currently studied sa isang pampublikong paaralan sa lungsod at ganon din si Ceilo na ngayon ay magtatapos ng Elementarya.

Sola and Ceilo is consistently honor student at hinahangaan ng iba nilang kaklase at kapitbahay sa kabila ng paghihirap, pagtatrabaho nila. Nakuha pa rin nilang I maintain yung grado nila sa kabila ng lahat. Patuloy pa rin sila sa pagsa-sideline para i pang gastos lang sa araw-araw.

Hanggang sa isang araw, habang abala si Ceilo sa paghahanda ng makakain nilang magkapatid na ngayon ay papauwi na galing paaralan. Isang katok ang nagpatigil sa kanya. Dali-dali niyang tinanggal ang apron at nakangiting kumaripas patungong pintuan para pagbuksan ang kumakatok na akala niya'y ang kapatid na si Solana.

Nang tuluyang buksan biglang napalitan ang mga ngiti nito ng pagtataka. Kunot-nuo ito nang makita ang taong napagbuksan niya.

" Anak "

Napaatras si Ceilo at tuluyang napaluha ng marinig ang katagang anak.

" Bakit po kayo nandito? " tanong niya habang patuloy pa rin na umiiyak.

" Maari mo ba muna akong papasukin? " mahinahong pakiusap ng kaharap niya.

Ceilo remained silent and thinking for so long  kung papasukin niya ba or hindi but before their visitor's enter, dumating si Solana.

Hingal ito na pumasok sa loob at dinaanan lamang ang bisitang nakatayo sa harap ng pinto nila.

Nang makapasok sa loob agad niyang hinila ang kapatid na patuloy pa rin sa pag-iyak. Namumutla ito sa takot at wala sa sarili.

"Ceilo, ba't mo siya pinagbuksan?!" iritang tanong ni Solana kaya nanginig naman si Ceilo sa inasta ng kapatid.

"E--aaa--kala ko kasi ikaw" nauutal na sagot ni Ceilo dahil sa takot.

Solana wipe her sister tears saka pinaupo at ipinagkuha ng tubig. Then after a minute, iniabot niya ito sa kapatid.

"Ayusin mo muna ang iyong sarili" utos niya sa kapatid saka tinalikuran para balikan ang bisita nilang naghihintay sa labas.

ISLE LOVES YOU SO BAD (KITANGLAD#2)Where stories live. Discover now