ILYSB|C3

104 10 9
                                    

KABANATA 3: WECOME HOME PAPA

*****

Maagang nagising ang magkapatid to buy their needs and everything para sa funeral ng daddy nila. Naunang umalis si Ceilo dahil kailangan pa nitong dumaan sa paaralan nila para iabot ang excuse letter ng ate niya and to ask permission her teacher na hindi muna siya makakpractice , preparatory for their incoming graduation.

Nang makarating sa paaralan, agad na inabot ni Ceilo ang excuse letter ng ate niya at dumiretso sa classroom nila di kalayuan sa building ng ate niya. Habang naglalakad sa hallway, nahagip ng paningin niya ang kanyang Ina na may kasama. Nakaakbay ang batang lalaki sa kanyang Ina na siyang dahilan para tumulo yung luha niya.

Napapunas naman agad ako at umiwas ng tingin dahil sa takot na makita siya ng ina. Hanggang sa lumiko nga yung Ina niya sa hallway na kinaroroonan niya. Sa takot na makita siya ng kanyang Ina, agaran siyang  tumalikod at tinuon ang paningin sa mga First year students na naglalaro ng volleyball.
Parang naging statue si Ceilo sa ginagawa niya not until na marinig niya na ang mga yapak papalapit sa kanya.

Nanginig sa takot si Ceilo, kabado dahil sa samo't saring tumatakbo sa isip niya.

Sana hindi ako makita!
Sana hindi ako makita!
Paulit-ulit na bulong niya sa kanyang sarili.

Pero kusa na ang tadhana ang gumalaw para mag cross ang landas ng mag-ina.

"Excuse me Iha, pwede po ba kami magtanong?" aniya ng kanyang Ina na siyang dahilan para kabahan ito ng sobra. Nag-alinlangan itong lumingon at natagalan itong sa pag sagot sa tanong ng Ina.

"Excuse me, san po banda ang engineering building?" tanong ulit ng kanyang Ina.

"Teka paano to! Hindi kami pwede magkita ni Mama. Lagot ako Kay ate neto." bulong ni Ceilo sa kanyang sarili at halatang napapawisan na sa kaba.

"Inang sa iba na lang tayo magtanong" utos ni Xander saka humakbang na sila ng tuluyan.

"Deritso lang po kayo, tapos liko kayo sa left then makikita niyo po agad yung building ng engineering." sagot ni Ceilo sa di mawari na dahilan.

Bigla namang lumingon ang lalaki na kasama ng kanyang Ina at nagulat ng makita ang pagmumukha niya.

"Omyyy, Ceilo?!" ang tanging sinabi ni Xander dahil sa di makapaniwala and Ceilo immediately turned her back saka nagmamadaling lumabas sa gate.

Ni hindi niya man lang hinintay na lingonin siya ng kanyang Ina ng mabigkas ni Xander. Ceilo looks pale ng makalabas sa gate at sa sobrang hingal naisipan niyang magpahinga saglit. Pero ang hindi niya alam ay sinundan siya ng kanyang Ina.

"Ceng"

Rinig niyang boses galing sa kanyang likuran, and her heart beats fast ng mapamilyaran yung boses. Agad siyang tumayo para umalis but unexpectedly hinarangan siya ni Xander saka hinawakan sa braso.

"Bitawan mo'ko Kuya" pagmamakaawa ni Ceilo habang nagpupumiglas ngumit mas lalo pang hinigpitan ni Xander ang hawak niya nang sa ganon hindi siya makatakas.

"Gusto ka lang naman kausapin nang mama mo saglit" sagot ni Xander.

"Ayaw ko nga?"

ISLE LOVES YOU SO BAD (KITANGLAD#2)Where stories live. Discover now