Chapter 2

7 0 0
                                    

Buong biyahe ay tahimik lang si Fleur at Stryker. Nakatingin lang sa labas ng bintana si Fleur habang nakasandal sa headrest ng sasakyan. Tinitingnan niya ang mga nadadaanan nilang mga malalaking puno. Halos dalawang oras na silang nasa biyahe dahil malayo ang napiling Camping Cabin ni Archer para sa birthday nito.


Ipinikit muna ni Fleur ang mga mata para sana makatulog ngunit hindi pa nagli-limang minuto nang bigla nalang may nabunggo si Stryker sa daan saka malakas nitong inapakan ang brake. Napamulagat si Fleur sa gulat saka napatingin sa kalsada.


They were dazed for a few seconds as Fleur looked at her husband in worry. " Stryker... " 


" Stay in the car. " Stryker said as he unbuckled his seatbelt and got off the driver seat to check it.


As Stryker walked over the front of the car to see whom he had crashed into, he saw it was a wild boar. Stryker squats on the road as he inspects the wild boar closer. The poor thing was already in a weak state. Napansin niyang may hiwa ito sa gilid ng tiyan at lubid sa leeg. Puno ng dugo ang buong katawan nito dahil sa hiwa sa tiyan nito. Sinuri ni Stryker ang pinanggalingan nito at napunta ang atensiyon niya sa gilid ng kalsada kung saan puro mga damo at mga puno ang makikita. 


Kapagkuwan ay napapansin niyang may gumagalaw sa loob ng gubat dahil gumagalaw ang mga dahon. May naririnig din siyang mga yabag na parang may naglalakad palapit sa direksyon niya. Dahan-dahan tumayo si Stryker habang nakatutok ang mga mata sa masukal na kagubatan. 


Ilang seggundo pa ang itinagal nang biglang may sumulpot na isang matandang lalaki na may dalang bolo at may naka pulupot na lubid sa braso nito. The man wears a white long robe with a cloak and a black belt around his waist. Natigilan ito nang makaharap si Stryker. 


" Anong ginagawa mo dito? " Medyo maangas na tanong ng matanda habang mahigpit na nakahawak sa bolo. 


Hindi kaagad nakasagot si Stryker sa tanong ng matandang lalaki. He examines the man's outfit, which he finds bizarre. It's strange that he came across a person dressed unusually in this woodland area so far from the city. Not to mention, this man's vibe is creepy and scary. Nang hindi kaagad sumagot si Stryker ay tumuon ang atensyon ng matanda sa baboy ramo na wala nang buhay na nakatihaya sa kalsada. 


" Sainyo po ba ito? " Tanong ni Stryker na ang tinutukoy ay ang baboy ramo. " Pasensiya na dahil nasagasaan ko. Hindi ko kasi napansin na tumawid pala 'to sa kalsada. "


" Hayaan mo na. Mabuti nga patay na dahil hindi ko na kailangan pang habulin 'yan. " Wika ng matanda. Kapagkuwan ay tinitigan siya nito ng ilang segundo. " Hindi ka taga rito no? Base sa itsura at pananamit mo, mukhang taga siyudad ka. Ano ang ginagawa mo rito? " Taas-noo nitong tanong sakanya.


Hindi siya kaagad nakasagot dahil iba talaga ang pakiramdam niya sa taong ito. Hindi maipaliwanag ni Stryker ngunit parang may mali at kakaiba sa taong ito. He has encountered many people who have different personalities, but this one is very unusual.


" Sumagot ka. Ano ang ginagawa mo rito? " Matigas ang tono ng pananalita nito.


Stryker, as a former army soldier, was trained to observe and study people's behavior, as well as to master mental telepathic skills. They are also trained in the fundamentals of safety when dealing with strangers and catastrophes. As a result of his training, Stryker knows exactly what to do in the moment.

LOVE INTO THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon