Chapter 4

7 0 0
                                    

Stryker immediately felt the same emotions he had years ago when he discovered that filthy photographer drooling over Fleur. When Stryker realizes that those three strange men have been watching his wife all along, he has a mix of concern and protectiveness. His mind is racing to protect his wife's safety and well-being, but above all, he is provoked.


" Stryker! Stry— " Kaagad natahimik si Enzo nang makitang natutulog si Fleur. Kapagkuwan ay walang ingay na nilapitan siya nito. " Anong nangyari sa'yo? Bakit bigla ka nalang tumakbo? " 


Hindi sinagot ni Stryker ang tanong ng kaibigan. Enzo was taken aback when Stryker faced him with a dark expression on his face.


" Keep an eye on her. " Stryker spoke with no emotion in his voice, but his eyes were blazing.


Bago pa makapag tanong si Enzo ay nilampasan na siya ni Stryker. Walang pag-aalangan na lumabas si Stryker sa cabin kahit madilim na sa labas at malakas ang simoy ng hangin. Ipinalibot niya ang tingin sa gubat at sinuri ng mabuti. Nang hindi makuntento si Stryker ay walang pagdadalawang-isip at walang takot na pumasok siya sa madilim na kagubatan.


" What the hell is he doing? " Kunot ang noong tanong ni Archer nang makita si Stryker mula sa bintana ng kwarto ni Chloe. " Ano ba ang iniisip niya? Nasa combat training pa siya ng mga sundalo? "


Nagmamadaling pumasok si Enzo sa kwarto ni Chloe kung saan naroon pa rin silang lahat. 


" Nasaan na si Stryker? " Tanong ni Jonah na nakaupo sa kama katabi si Quinn na parehong dinadamayan si Chloe.


" Lumabas siya kaya susundan ko muna siya. " Sagot ni Enzo saka tiningnan si Archer. " Ikaw na muna ang bahala dito. Pakibantayan na rin si Fleur sa itaas. "


" Enzo, ano bang nangyayari? " Nag-aalalang tanong ni Quinn sa asawa.


Umiling si Enzo sa asawa. " Hindi ko pa alam, hon... Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Stryker. Basta bigla nalang siyang umalis kanina. "


" Actually, I just saw him enter the forest a few seconds ago. " Sabi ni Archer na ikinagulat ng lahat.


" Ano?! Nababaliw na ba siya? " Wika ni Jonah. " Baka nakakalimutan niyang camping trip ito, hindi pang patayan na training. Masyado naman ata niyang sineryoso ang walang buhay niyang pagkatao. "


Enzo honestly didn't know what got into Stryker's head. He knew Stryker was a fearless man, but it was still better to be safe, especially since they were in the middle of nowhere.


" God, he's crazy! Paano kapag nakasalubong niya 'yung nakita ko? " Saad naman ni Chloe. 


Napahawak sa sariling noo si Quinn. " Mas mabuti pa siguro na tumawag na tayo sa guard house para ipaalam ang mga nangyayari. Ipaalam natin na may nakapasok sa private property na 'to na ibang tao. "


" I think it would be best if we called the police directly. " Suhestiyon ni Jonah. 


LOVE INTO THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon