Chapter 11

4 0 0
                                    

DISCLAIMER: This chapter contains sensitive topics that are used solely to explain the story's concept. I do not add my personal thoughts on this subject, and please bear in mind that everything discussed in this book, especially in this chapter, is not backed by my vocabulary; therefore, it is not my intention to cause distress to anyone.


The topic may be sensitive or highly contentious; however, I do not intend to offend anyone or any organization. Everything described here is merely intended to convey the story's theme. Please keep in mind that this is a work of fiction written only for leisure. Do not take everything in this book literally or personally because it is a work of fiction that does not reflect actual events or opinions.





====================

When they entered the foyer, everyone who was sitting on the couch in the living room gathered up as they all looked at the old man. They all have the same confused look, and before anyone could ask, the old man talked.


" Huwag kayong mag-alala. Kagaya niyo rin ako. Hindi ako ang kalaban dito. " Saad ng matanda. " Siyanga pala, ang pangalan ko ay si Edgar. Limampu't anim na taong gulang na ako at tatlong dekada na akong nakatira sa lugar na 'to. " Pagpapakilala ng matanda.


" He can help us. He knew something we didn't know about this place. " Saad ni Stryker. " And also, the night when I ran to the forest, I met him there, and he was the one who gave me the warnings and urged me to leave this place. That's why I immediately told you all to pack up because of him. "


" And do you think we could trust him? How come you guys easily trust him? " Tanong ni Chloe. 


" Who knows? Baka mamaya niyan kasapi pa siya ng matandang 'yun. Baka kasabwat pa 'to ni Manang Amara... " Dagdag ni Jonah. 


Nang marinig ni Manong Edgar ang pangalan na 'yun ay kaagad niyang na kumpirma na nasa peligro nga ang mga buhay nito. It seems like he's late because that old hag has made her way over them. But it's never too late to do what's right.


" Pinapasok ninyo ang bruhang 'yun? " Hindi makapaniwalang tanong nito. Nang walang sumagot sakanila ay nagsalubong ang kilay nito. " Bakit kayo nagpapapasok ng hindi ninyo kilala? Hindi ninyo alam ang ginawa niyo. "


Wala sakanila ang nakasagot. Base sa tono ng pananalita ni Manong Edgar, mukhang may dalang masamang motibo si Manang Amara at hindi ito mabuting tao.


" Bakit? Ano bang meron kay Manang Amara? " Naguguluhang tanong ni Quinn.


Umigting ang panga nito, tanda na galit ito. " Ang babaeng 'yun ay walang pinagkaiba sa kasamaan ni Satanas. Mas masahol pa siya sa hayop. Ang babaeng 'yun ang dahilan kung bakit hindi ko na kasama ngayon ang asawa ko. " Kumuyom ang kamao nito at nanginginig 'yun sa galit. " Kinaibigan lang naman ng babaeng 'yun ang asawa ko at pinaikot ang ulo... Nuon paman ay may masama na akong kutob kay Amara. Binalaan ko ang asawa ko na layuan si Amara ngunit huli na ang lahat... Tuluyan nang nabilog ni Amara ang ulo ng asawa ko... At dahil don, namatay siya. "


They all exchanged looks. They could feel the hatred and grief in his tone and eyes.


LOVE INTO THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon