VIII

22 3 1
                                    

Caleb's point of view

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Caleb's point of view

Nakaupo ako sa isang sulok, habang unti-unting lumulubog ang araw. 'Yung moment na 'yun, parang perfect na setting para mag-muni muni. Pero hindi 'yung sunset o 'yung dagat ang laman ng isip ko—si Elena.

Habang tumutugtog 'yung kanta ni Taylor Swift na "You Are In Love" sa background, hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin kung gaano ka-unique si Elena. Sa dami ng taong nakilala ko, walang kahit sino ang kagaya niya. 'Yung paraan ng pagtawa niya, kung paano niya tinitingnan ang mundo, kakaiba. Sa sandaling 'yon, naramdaman ko—hindi, narealize ko

baka nga in love na ako.

Biglaan, na-interrupt 'yung pagmumuni-muni ko nang pumasok si Aria. "Hoy, lakas ng music nyo dito ah, mag-si labas kayo, mag-iihaw tayo ng barbecue," sabi niya, na may halong excitement.

"Barbecue nanaman?" reklamo ni Noah mula sa likod

"Oh sige, ikaw na lang," pang-aasar ni Aria kay Noah, na nagpatawa sa akin kahit papaano.

"Joke lang, sarap ng barbecue," bawi ni Noah, sumuko din sa huli.

"Tara na, pre," sabay akbay ko kay Noah habang tinungo namin ang main event ng aming outing—ang pool area na may tanawin ng beach.

Pagdating namin, 'yung vibe, sobrang lively. Yung iba, enjoy sa paglangoy sa pool, habang yung iba, chill lang na nagpapahinga sa tabi. Medyo nagtaka ako, "Bakit hindi tayo sa beach?" Pero nang sabihin ni Noah, "ewan ko dyan sa mga yan, mag bobonfire naman ata maya" bigla akong na-excite.

Habang nagrerelax, bigla na lang may pumailanlang na kanta na ikinagulat ng lahat: "Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?" Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ng speaker.

"Kaninong playlist 'yan?" tanong ko, na may halong tawa.

"Akin," sabi ni Kai, na may guilty smile. "Para maiba naman."

"Inang playlist 'yan, Titong-tito ah" sabi ni Aria, na hindi mapigilang tumawa. Kami rin, hindi na napigilan ang tawanan.

"ay may kanta ako para sayo, aria" sabi ni kai sabay dampot sa cellphonw nya para i play yung kanta

(sayaw kikay, sayaw kikay)

"lintek ka talaga!" sigaw ni Aria sabay amba na ihagis 'yung tongs kay Kai

"isa, matamaan ako ha"

Can't wait to share what's coming next. The vibes, the laughs, and yes, more music (a bit less "tito," promise) are on their way. 🦋

Catch you in Chapter 9! What song would you add to our playlist?

https://open.spotify.com/playlist/0fGsLYn60XhQh5DIUTzkg3?si=nvsMXZQLR8OGCvZ2EBLVsg&pi=a-LDv8XKdOQr6m

Love, Ynara💋



He is inloveWhere stories live. Discover now