2

3 0 0
                                    

Jana's POV

"Gusto mo tayo na lang magpakasal! " Usal ni Rico habang nakayakap sya sa akin kagabi. Alam kong gusto  ya lang akong icomfort. Lasing na ako kagabi, pero hindi mawala sa isip ko yung sinabi nya.

Though alam kong paraan  nya lang yun para icomfort ako dahil sa kaiiyak ko. Pero kagabi, naexcite ako nang marinig ko yon. Parang ewan din eh, nagtataka ako sa sarili ko dahil ang alam ko broken hearted ako pero nung muli kong nakita si Rico at nakasama parang ang bilis kong nag-heal.

Si Rico yung kaklase ko noon, na since highschool palaging nagpapapansin sa akin. Aminado naman syang crush nya ako, pero hindi nga lang nya alam na crush ko rin sya. Syempre dalagang pilipina ako, kaya dapat sya ang mag first move. Pero never syang nag-attempt na ligawan ako, matagal ko rin syang hinintay na magfirst move noon. Pero wala kaya bago pa sumapit ang dulo ng taon sinagot ko yung isang matagal ng nanliligaw sa akin, para pagselosin si Rico pero wala naman nangyari. Yes, Sweet pa rin sya sakin at palagi akong binibilhan ng merienda kahit hindi kami. Dahil s atingin ko useless namana pala yung ginawa ko, nakipagbreak ako sa boyfriend ko non dahil kay Rico, at hinayaan na lang na walang kami pero alam kong nandyan sya para sakin.

At eto nga makalipas ang halos sampung taon, nagkita kaming muli. Parehas pa kaming broken hearted dahil pareho rin kaming iniwan. Parang tadhana na ang gumawa ng para para muli kaming magkalapit, at magkita.

Nalaman ko kay Freddie na iniwan  si Rico ng long time girlfriend nito sa di daw malaman na dahilan. Pwero ayon kay Freddie sigurado syang hindi nagloko si Rico dahil loyal at mahal daw talaga nito yung ex nya.


Pagkatapos ng gabing mulinkaming nagkita ni Rico, ngayun lang ulit kami magkikita dahil papasok na raw sya sa trabaho dahil nga kailangan na nyang magback to work ng maayos dahil sa malaking project namin na kailang paghandaan.

"Jana" Tawag sa akin ng lalaking nasa likod ko. Si Rico yon, sure ako dun.

"Sir Rico, salamat nga pala nung isang gabi. " Litanya ko na akala mo hindi ako umiyak ng sa harapan nya nung nakaraang gabi. Medyo nahiya rin ako pero nagpanggap na lang ako na chill lang at parang walang nangyaring ganon, kahit nahihiya talaga ako sa kanya. Naalala kong nasa opisina na kami na sya ang CEO kaya kailangan ko syang tawagin na Sir.

"No problem, ano payag ka na ba na tayo na lang magpakasal? Sayang naman diba yung mga naready nyu na at nakakahiya rin na walang mangyaring kasal dahil sabi mo nga all set na. " Litanya nito, akala ko nakalimutan nya na yun. Dahil lasing naman kami pareho. Hindi ko tuloy alam ang irereact ko.

"Sir Rico, wag mo nga akong mabiro ng ganyan. Baka pumayag ako! " Pabiro kong sabi, ang totoo hindi ko pa din nasasabi sa pamilya ko na hiwalay na kami ng ex fiancé ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko sila haharapin, si papa ang Municipal Mayor sa lugar namin  at malaking kahihiyan ito sa kanya at sa pamilya namin.

"Sabihan mo lang ako kung kelan na kami pupunta ng mga magulang ko sa bahay nyo, for the fifth time pakakasalan na ulit kita, pero this time totoo na!" He said, ang genuine ng pagkasabi nya. Akala mo naman hindi broken hearted tong si Rico. Still kahit nung highschool kami, palagi syang nandyan para sa akin.

"Hahaha! Loko ka talaga, pero infairness tanda mo pa pala yung kasal kasalan  natin noon. " Sagot ko naman. Ayaw ko ng matuloy yung topic namin kasi baka mahalata nya na kinikilig na ako, kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta ng conference room ng opisina.

"Syempre naman ultimate crush kaya kita, never akong tumingin sa iba nung highschool! " Sagot nya sa akin habang naglalakad pa rin sya sa likod ko.

"I know pero di mo naman rin ako niligawan.Hinihintay pa naman kita noon! " Wala sa sarili na nasabi ko. Hoping na di nya masyadong naririnig kasi nauuna naman akong maglakad sa kanya.

THE EL MONTERO BROTHERS SPECIAL MINI SERIES ( Jana & Rico Love Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon