6

0 0 0
                                    




Jana's POV

Seeing Marcela makes me feel okay, atleast now alam kong totally moved on na si Rico sa kanya.

Mahalaga talaga na mayroong closure ang isang nagtapos na relasyon. Para masabi mo lahat, para mailabas mo yung pain na nararanasan mo. Tiyak na makakatulong yon para sa masmabilis na pagmumove on, at para rin makapagpatawad.

Nasa banyo si Rico at hinihintay ko syang lumabas para ibigay ang regalo ko.

Kanina ko pa gustong sabihin sa kanya, para hindi lang ako ang masaya gusto ko dalawa kami.

"Hon nakita mo ba yung wallet ko, naalala ko pala yung calling card nung isang client dun ko nilagay kailangan ko na kasing tawagan. "! Ani Rico na kalalabas ng banyo.

" Here! "Saka iniabot ko ang wallet nya na pinaglagyan ko ng PT.

Pagbukas nya ng wallet kaagad nya yon nakita.

" Ano to? "Pagkatapos makita ay nanlaki ang mata ni Rico. I saw her reaction, halos mapatalon sya sa saya.

" Hon, totoo ba to? You're pregnant!? "Ani Rico saka lumapit sa akin.

" Oo, magiging Daddy ka na hon! "Sa sobrang saya namin hindi namin namalayan na pareho na pala kaming umiiyak dahil sa tuwa.

" I love you hon! Thank for always making me happy! "Ani Rico.

" Mahal na mahal rin kita hon! Thank you for coming into my life! "Sagot ko naman sakanya.

Mabilis na lumipas ang araw, ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalaga ni Rico sa akin at sa magiging anak namin.

Until I gave birth to our first son, pinangalan namin syang Pocholo El Montero.

Sa paglipas pa ng mga taon nabiyayaan pa kami ng dalawang anak na sina Elijah and Noah El Montero.

Akala ko noon hindi kami magtatagal ni Rico dahil mabilis rin naman ang mga pangyayari kung paano kami naging mag-asawa.

Pero sa paglipas ng mga taon, maslalo namin minahal ni Rico ang isa't-isa. Lalo na at nabiyayaan kami ng tatlong mga anak. Hindi na kami nagkaroon ng anak na babae dahil, nagkaroon na ako ng sakit sa matres at hindi na pwede pangmagbuntis pa ulit.
Pero para sa akin ang magkaroon ng ng mabait, mapagmahal na asawa at tatlong mabubuting anak ay biyaya mula sa langit.




The END

THE EL MONTERO BROTHERS SPECIAL MINI SERIES ( Jana & Rico Love Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon