Rico's POV
"Baka pwedeng ituloy na natin ngayon, tayo na lang! " hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para umamin sa tunay kong feelings para kay Jana. Natatakot ako sa magiging sagot nya dahil masyadong mabilis talaga ang mga pangyayari.
Last week lang sobrang broken ko pa dahil sa ex ko, pero ngayon tila nilipad na lahat ng sakit dahil nagbalik si Jana. Napalitan na ng excitement at kilig yung sakit na nadarama ko last week.
Nasa punto na rin ako na ayaw ko nang patagalin pa, dahil sa nangyari sa amin ni Marcela para sakin wala sa tagal yan, kung para sayu para sayo. Kaya yung samin ni Jana, hindi dahil nagmamadali ako kundi dahil alam ko sa puso ko na magiging masaya ako kay Jana, nararamdaman ko yon. Para akong nagbalik sa highschool na naeexcite ako pumasok dahil makikita ko sya ulit. Maslalo na siguro kung araw araw sa paggising ko sya ang makikita ko.
"Sigurado ka ba Rico!? " Tanong ni Jana sa akin.
"Yes, sobrang sigurado! " Sagot ko naman.
Hindi ko alam kung napipilitan lang sya, pero Pumayag si Jana na samahan ko sya sa magulang nya. Bahala na, basta ramdam ko sa sarili ko yung willingness. Pakakasalan ko si Jana.
Mukhang strict ang papa nya, at napamalumanay naman magsalita ng mama ni Jana. Sa una ay tila hindi makapaniwala ang mga magulang ni Jana sa mga sinasabi niya.
"Tito, Tita sana po bigyan nyo kami ng chance ni Jana. Matagal ko na po syang gusto since highschool pa, at ngayun po na muli kaming nagkita ayaw ko ng pakawalan pa yung pagkakataon na tuluyan ko na syang maging asawa.
"Bilib rin ako sa lakas ng loob mo hijo, sige payag ako. Basta make sure na hinding hindi mo sasaktan tong bunso ko, hindi mo gagayahin yung ginawa sa kanya ng ex nya. Alam nyo kasi sa isang relasyon walang pinagsasama na magkapareho, kaya dapat yung nakikita mong weakness ng partner mo ikaw dapat yung maging kalakasan nya. 'Ganun ang pagmamahal, hindi nang iiwan sinasamahan ka dapat sa ups and downs ng buhay. Dahil hindi palaging masaya ang buhay, part nito ang pagsubok at sakit para maging matibay. "Mahabang pangaral sa amin ng tatay ni Jana.
"Four days na lang araw na ng kasal, at nakabili na ng ticket ang lahat ng bisita natin na pauwi. Nakapagfile na rin sila ng leave sa mga trabaho nila kaya nakakahiya na magcancel pa tayo, gamitin nyu na ang natitirang oras para maasikaso ang lahat. Bukas ng gabi bago kami umuwi magdinner tayo dito sa condo, at isama mo Rico ang mga magulang mo gusto ko silang makilala! "Dagdag pa ni Tito Ferds.
Nag-insist pa si Jana na iadjust pa ang date ng kasal, pero hindi na pumayag ang mga magulang nya dahil baka hindi pa raw lalo matuloy.
" Jana, destiny talaga tayo. Nakalimutan muna ba September 26, din ang mga date na kinasal tayo sa mga wedding booth nung highschool. "Usal ko.
Pag-uwi ko sa bahay, sinabi ko agad ang plano kong pag-aasawa. Hindi na ako nagdalawang isip pa na sabihin ang lahat sa mga magulang ko. Ayaw kong magulat sila sa mga pwede pa nilang malaman, kaya sinabi ko na lahat. Kilala rin naman nila ako kung gaano katigas ang ulo ko. Basta ngayon importanteng mapapayag ko sila na mag;-aasawa na ako.
Nagawa kong isama ang mga magulang ko kala Jana, bago umalis ang parents nya pauwi sa kanila. Nasa tamang edad na rin naman ako kaya sabi nang tatay, buhay ko naman daw to bahala na raw ako sa desisyon ko. Basta susuporta na lang daw sila.
Ang smooth lang ng mga nangyayaru parang lahat nakikiayon sa amin ni Jana.
Grabe man yung struggle namin ni Jana, naihabol namin ang bagong invitation na pinalitan ng bagong nasa list ng entourage ay lahat ng related sa ex ni Jana ay tinanggal at sya na rin ang naginform sa mga ito.
BINABASA MO ANG
THE EL MONTERO BROTHERS SPECIAL MINI SERIES ( Jana & Rico Love Story)
No FicciónTHE EL MONTERO BROTHERS The beginning of their exciting journey in life. Bago ang kwento ng mga main characters natin na sina Pocholo, Elijah and Noah. Alamin muna natin ang love story ng kanilang mga magulang na sina Jana & Rico maging ang mga na...