Rico's POV
It's been a month mula nang umalis at iwan ako ni Marcela, ni wala man paalam. Basta iniwan na lang nya ako.
Nakaplano na sana akong magpropose sa kanya pero kahit pamilya nya ayaw akong kausapin. Wala naman akong naaalala na ginawa kong masama.
Pakiramdam ko para akong naiwan sa ere, yung nasasaktan ka pero parang hindi valid yung nararamdaman ko dahil walang gustong umintindi sa akin. Ang alam nila may mali or masama akong nagawa sa babaeng minahal ko at nakasama ko sa loob ng limang taon.
Sobrang wasted ko, para na akong mababaliw kaiisip kung bakit ako iniwan ni Marcela. Mahal ko sya, sya ang taong gusto kong makasama sa buhay.
Ilang buwan na rin akong umaasa na babalik sya sakin, na bigla syang magpaparamdam kahit sa tawag na lang. Pero wala, para akong tanga na naghihintay sa wala. Halos mapabayaan ko na ang sarili ko maging ang business na tinayo ko kasama sya.
"Rico pare, tuloy ang buhay hindi pa katapusan ng mundo para magpakalugmok ka. Alam ko kung gaano mo kamahal si Marcela, pero umalis na sya at iniwan ka na nya ng walang paalam. Kaya para saan pa yung pagiging sad boy mo? Mamaya may lakad tayo, sumama ka.Celebration natin sa isang malakimg deal, yayaman na tayo pare. This time hindi ko na tatanggapin yang pagtanggi mo sakin palagi. Importante event to para company natin. See you pare same place, same time! "Aya sa akin ni Freddie. Sya ang bestfriend ko since highschool at ngayon kasosyo ko na sa construction firm na tinayo namin after college. Ako bilang Engr, at sya naman ay isang Architect. Nagtry rin kaming sa ibang private company pero maspinili namin magbuild ng sarili. Binenta ko ang lupa na mana ko kala papa at mama to put up a business, I know na sobrang risky pero willing akong sumugal para sa pangarap ko na to. At naniniwala ako na balang araw, magtatagumpay kami.
Ilang buwan na mula nang hindi nila ako maaya na lumabas, para magparty or uminom. Natatakot kasi ako na baka malaman ni Marcela, na sa pag-alis nya para akong nakawala sa hawla. Pero 6months na rin mula nang hindi na sya nagparamdam sakin, at iniiwasan rin ako ng pamilya nya na sobrang malapit sakin dati. Hindi ko alam kung anong reason ni Marcela, pero isa lang nasa isip ko ngayon kakalimutan ko na sya.
Sumama ako kay Freddie, kasama rin naman namin ang ibang mga kasamahan sa firm. May malaki pala kaming tagumpay na dapat lang icelebrate dahil ito ang unang milyon na project namin, mula nang magstart kami ng business isa itong condominuim sa Manila. It's been 3 years since we build this company, at ito ang unang beses na million worth of project kami sa isang kilalang kompanya rin.
Masaya ang lahat, umaapaw ang mga pulutan at alak. Ilang buwan ko rin iniwasan ang alak , dahil ayaw kong isipin ni Marcela na sinisira ko ang buhay ko dahil lang umalis sya. Ayaw kong makarating sa kanya na nung umalis sya, nawala na rin ako. I just realize na kailngan kong iprove na mali sya sa pag-iwan sakin.
"Cheers " Sabay-sabay namin na sabi, saka itinaas ang mga basong may laman na alak. Masaya ang lahat, habang napapaindak pa sa music sa club kung nasaan kami.
"Congratulations everyone, Let's do this. Thank you pre, Freddie kahit medyo nawala ako nitong mga nakaraan kinaya mong iangat ang kompanya natin. Salamat pre, the best ka! " Turan ko kay Freddie.
"Pre, remember Jana?" Bulong ni Freddie sa akin. Napapunta ang tingin ko sa babaeng sinasabi nya.
Nakangiti sya habang nakatingin rin sa akin at bahagyang kumaway.
I remember her, ofcourse. Sya yung ultimate crush ko nung highschool, pero lumipat na kasi sila sa probinsya after highschool at wala na rin akong nabalitaan sa kanya after that.
Kagaya pa rin noon, mukha pa rin syang angel sa paningin ko. At aaminin kong maslalo syang gumanda.
"Jana, Ikaw na ba yan!?" Wika ko nang makalapit ako sa kanya. Kadarating nya lang.
BINABASA MO ANG
THE EL MONTERO BROTHERS SPECIAL MINI SERIES ( Jana & Rico Love Story)
No FicciónTHE EL MONTERO BROTHERS The beginning of their exciting journey in life. Bago ang kwento ng mga main characters natin na sina Pocholo, Elijah and Noah. Alamin muna natin ang love story ng kanilang mga magulang na sina Jana & Rico maging ang mga na...