Jana's POV
I've been experiencing morning sickness, madalas na akong maduwal sa umaga at ito rin ang unang beses na madelay ang menstration ko. Alam ko at nararamdaman kong buntis na ako, kaya nagpunta lang ako sa OB-gyne for confirmation na rin.
Halong kaba and excitement, natatawa na lang ako habang nagmamaneho kasi hindi ko mapredict kung kelan namin to nabuo ni Rico. Magmula kasi nung unang beses namin, inaraw-araw na namin basta may chance. Ganun siguro talaga kapag bago pa. Ganunpaman masaya ako na malaman na nagbunga na yung pagmamahalan namin ni Rico.
Pagdating ko sa clinic ng OB ko na si Dra. Mendez after taking my personal information and other concern regarding my pregnancy. Ayon sa result sa pregnancy test na binigay sakin ni Dra, I'm pregnant.
"Congratulationa mommy, you are 4 weeks pregnant.! " Masayang balita ni Doktora sa amin, habang tinuturo pa ang baby ko kasing size pa lang daw ng poppy seeds.
It's confirmed, buntis ako sa first baby namin ni Rico. Mangiyak-ngiyak ako nang marinig ko ang magandang balita. At hindi na ako makapaghintay na ibalita ito kay Rico, I'm sure na matutuwa sya.
After kong pumunta sa OB, dumiretso na ako sa site kailangan ko kasi dumaan para iinspect kung ilan percent na ang natatapos namin. Alam ko rin na nandon si Rico ngayon para kausapin ang aming supplier para sa construction.
After 20 minutes ay narating ko na ang lugar, ayon sa foreman na nakausap ko nasa 2nd floor daw ng building si Rico.
Slowly but surely, nakasuot pa rin kasi ako ng heels kaya maingat akong naglalakad sa dipa tapos na hagdan patungo sa lugar na sinabi ng foreman kung saan kausap nito ang representative ng supplier namin ng mga bakal, naghahanap kasi kami ng masmura pero dekalidad para sa mga future projects namin.
"Hon, ! " Tawag ko kay Rico, busy pa sya sa pakikipag-usap sa babaeng sopistikada na kaharap niya. Maganda ito, at masasabi kong pwede itong maging model.
"Hon, nandito ka na pala. Kamusta ang lakad mo? " Ani Rico hindi ko sinabi sa kanya na sa OB ako pupunta ang alam nya ay may kakausapin lang akong client.
At first, iba ang feeling ko sa babaeng kausap ng asawa ko. Hindi naman sya mukhang supplier ng mga bakal. Pero baka sya mismo ang may ari at hindi ahente lang ang pinapunta.
"Ikaw pala si Jana right?" Tanong sakin ng babae, di ko maexplain pero bigla akong kinabhan.
"Hon, sya si Marcela! " Ani Rico, ramdam ko yung pag-aalala nya sa pwede kong ireact. Pero hinayaan ko munang malaman ang dahilan nang pagkikita nila.
"I'm sorry, pero anong ginagawa mo dito!? " Curious kong tanong. Hindi naman ako nagmamaldita pero baka mamaya lumabas na yung inner self ko na yon.
"Don't get me wrong Jana, I came here to congratulate you and Rico. At humingi na rin ng tawad personally dahil sa mga nagawa ko. Hindi ko lang talaga kayang pigilan ang sarili na harapin sya para makapagsorry. He's been a good partner to me, but I chose to broke his heart. Kaya nagpapasalamat ako sayo Jana for saving him, I assure you he's really a good man. Sige Rico, mauna na ako! "Mahabang litanya ni Marcela, may nginig sa boses nya at nararamdaman ko naman ang sincerity sa mga mata nya and sa way nya habang nagsasalita. Alam kong nagpipigil lang sya ng luha na gusto nang kumalawa sa mga mata nya. Pero atleast hanggang dulo napigilan nya.
Naiwan kami ni Rico habang sinundan na lang ng tingin si Marcela na papalayo sa amin.
"I'm sorry hon, hindi ko alam na darating sya dito. Kakatapos lang din namin kanina mga 30minutes ago na makausap yung supplier.! " Paliwanag sakin ni Rico.
"Ano ka ba, okay lang ang mahalaga may closure na kayo. Pero curious lang ako Nung nakita mo ba sya ulit..... (Huminga ng malalim) bumalik ba yung feelings!? " Naiilang kong sabi.
Tila natawa naman si Rico sa tanong ko. Pagkatapos ay kinuha nya ang dalawa kamay ko saka inilapit sa kanyang labi.
"Ikaw lang ang tunay kong mahal, wala nang iba. Dahil ikaw lang sapat na! " Seryosong sabi ni Rico sa akin.
"Naniniwala naman ako sayo! " Sagot ko saka ko niyakap ang asawa ko. Sa bahay ko na siguro sasabihin yung good news ko sa kanya.
Rico's POV
Katatapos lang namin mag-usap ng supplier, pababa na sana ako sa first floor pero isang familiar na babae ang nakita kong parating.
It's been 7 months since she left me, and to my surprise akala ko dati kapag nakita ko nyang muli magagalit ako sa kanya o kaya naman babalik yung dating pagtingin ko sa kanya. Pero wala, wala akong naramdaman kundi natural na pakiramdam na nakita muli yung dati mong kaibigan. Nakita ko na nga talaga ang taong tunay kong mahal. Mas-sure na ako sa feelings ko para sa asawa ko. I love her so much.
"Rico! " Ani Marcela.
"Marcela, kamusta!? " Bati ko sa kanya.
"I'm okay, Rico hindi ko na tatanungin kung kamusta ka dahil alam kong masaya ang puso mo. Hindi ko alam kung bakit ganun kabilis na nakamove on ka, to think na sobra rin yung love na binigay mo sakin dati. Pero bakit ko kequestionin yung mabilis mong magmomove on, eh iniwan nga pala kita nang walang paalam! "Litanya ni Marcela.
" Marcela, kung ano man yung sasabihin mo pa sabihin muna. Parating kasi ang asawa ko dito at ayaw kong pag-isipan nya tayo ng hindi maganda.! "Litanya ko, ayaw kong bigyan ng isipin ang asawa ko. Kahit alam ko naman na malawak ang pang-unawa ni Jana sa maraming bagay.
" Gusto ko lang magsorry, hindi ko alam kung kailangan mo pa ng explanation ko. Pero para na rin sa closure natin dalawa. Umalis ako para tuparin yung pangarap ko na ayaw mo para sa akin. Wala kang kasalanan, this is my own decision. Hindi pagiging Engr ang gusto kong gawin, oo nakakahinayang para sayo at para sa iba. Pero maging fashion designer talaga ang gusto kong gawin, after a month finally makakaalis na ako para makapag-aral sa Paris nakapasa ako sa isang scholarship. This is my ultimate dream Rico, alam mo yan since College na sinubukan kong kalimutan para makasama kita. Pero ito yung call ko, pakiramdam ko dito ako magiging magaling at masaya."paliwanag ni Marcela she almost cry pero napipigilan nya. Gusto ko syang yakapin to comfort her, hindi ko alam na napakalaki pala ng sakripisyo ni Marcela para lang makasama ako.
"I'm sorry Marcela, ngayon naiintindihan na kita. Thank you for trying your best, salamat sa limang taon na pagtitiis para lang subukan na masamahan ako kahit masakripisyo ang sarili mong pangarap. Thank you for choosing your dream over me, sana one day makilala muna ang lalaking sasamahan ka sa lahat. Hindi mo pala talaga ako deserve, I'm sorry sa five years na nasayang! "Mahaba kong litanya, hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Masyado ko na pala pinakialaman ang buhay ni Marcela kaya pala nya ako iniwan, kasi hindi na sya masaya.
" Walang nasayang sa limang taon Rico, marami akong natutunan at tunay na naging masaya ako.I'm sorry at maraming salamat sa pagmamahal mo sakin dati. Hanggang dito na lang, mamayang gabi na nga pala ang flight ko. "! Ani Marcela.
I hugged her.
" Thank you & I'm sorry Marcela. Mag-iingat ka dun! "
BINABASA MO ANG
THE EL MONTERO BROTHERS SPECIAL MINI SERIES ( Jana & Rico Love Story)
Não FicçãoTHE EL MONTERO BROTHERS The beginning of their exciting journey in life. Bago ang kwento ng mga main characters natin na sina Pocholo, Elijah and Noah. Alamin muna natin ang love story ng kanilang mga magulang na sina Jana & Rico maging ang mga na...