September 16 , 1994
Jana & Rico Wedding DayRico's POV
Nakatitig lang ako kay Jana habang papalapit sya sakin, kasabay nya sa paglakad ang mga magulang nya. Parang gusto ko maluha, lalo na sa kasabay noon ay pag-awit ng wedding singer namin.
Ang mga bisita namin ay halos malalapit na kamag anak lang. Kaya dama ko na masaya silang lahat para sa amin ni Jana. Kahi mukhang nagulat ang iba, na hindi yung ex ni Jana ang kasama nya bagun.
Eto na sa wakas, hawak ko na ang mga kamay ni Jana. Saglit lang ay nasa harapan na kami ng altar at sabay na mangangako na magsasama kami sa hirap at ginhawa. At hanggang sa kamatayan sa harap ng Panginoon.
"Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa isa't isa" Ani father.
"Ikaw babae, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Rico... na iyong pakamahalin at paglilingkuran habambuhay?"litanya ni father.
"Opo Padre!" Masayang sagot ni Jana habang nakatitig kami sa isa't-isa. Kasunod ang matamis nitong ngiti.
"Ikaw naman lalaki, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Janana iyong pakamahalin at paglinkuran habambuhay?"
"Opo father! " Sagot ko.
"Nakahanda bakayong gumanap sa inyong pananagutan sa Simbahan at sabayan na umaasang inyong aarugain ang mga supling na ipagkakaloob ng Poong Maykapal upang sila ay iyong palalakihin bilang mabubuting kristyano!? " Turan sa amin ni father.
Iniisip ko pa lang na bubuo na kami ng pamilya ni Jana ay hindi ko na maiwasan ang maexcite sa kung ilan amg magiging mga anak namin. At kami paano kami bilang mag-asawa at magulang.
PAGSUSUOT NG SINGSING.
"Rico, kalianma'y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ngaking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espirtu Santo.Amen!
"Jana, kalianma'y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen!
Maligayang pag-iisang dibdib. Maaari na ninyong halikan ang isa’t isa bilang tanda ng magandang simula ng inyong pagsasama bilang mag-asawa." Ani father.
Sa puntong ito di ko alam paano ko gagawin ang sinasabi ni father, di man lang kasi kami nakapagpractice ni Jana kagabi dahil kay Freddie. Ito ang first kiss ever namin ni Jana. Dahan dahan king tinataas belo nya. Excited na akong gawin to, kagabi pa.
"I love you honey! Bigla kong nasabi kasunod masuyo ko na syang hinalikan sa labi. Smack lang yon at kahit si Jana ay nabigla kaya natawa na lang sya pagkatapos ko yun gawin.
Humirit pa ang mga bisita lalo na si Freddie na rinig na rinig ko ang boses.
This time, I kissed her again pero masmatagal na, masmasuyo, exciting at may pagmamahalan na walang pag-aalinlangan.
Pagkatapos ng seremonya ng kasal sa simbahan ay dumiretso na ang lahat aa venue. Punong puno ang venue ng mga taong malalapit kay Jana at sa akin. Bagamat halos lahat sila ay ngayun lang nagkita kita. Ramdam na ramdam naman namin ni Jana ang pagmamahal at suporta nila sa amin.
After ng masayang nakakabusog, nakakapagod at masayang reception umuwi na kami ni Jana sa hotel na tutuluyan namin para sa aming unang gabi bilang mag-asawa.
BINABASA MO ANG
THE EL MONTERO BROTHERS SPECIAL MINI SERIES ( Jana & Rico Love Story)
Kurgu OlmayanTHE EL MONTERO BROTHERS The beginning of their exciting journey in life. Bago ang kwento ng mga main characters natin na sina Pocholo, Elijah and Noah. Alamin muna natin ang love story ng kanilang mga magulang na sina Jana & Rico maging ang mga na...