CHAPTER 2: Night With A Stranger

3 0 0
                                    

KUNOT-NOO,  ng matanggap ni Vladimir, ang ipinadalang mensahe sa kanya ni Almira, kakatapos niya pa lang maglinis ng kaniyang katawan kaya lumabas siya ng banyo.

His topless, basa pa ang kaniyang buhok kaya tumutulo mula roon ang iilang butil ng tubig. Sa mga sandaling ito ay nasa isang birthday party si Almira, kasama nito sina Bartolome, at Mylene.

Habang abala siya sa pagtitipa mula sa kanyang cellphone ay bumukas ang pintuan ng kuwarto niya bagay na ikinaangat niya ng mukha at kunot-noo nang makita niyang si Bridgette, ang pumasok. Suot nito ang kulay pulang roba, manipis at panigurado niyang konting galaw lamang nito ay mababaklas ang tali ng suot nito.

Sinasamantala ng babaeng ito ang kahinaan niya bilang isang lalaki ngunit, hindi siya gagawa ng ikakasira ng pangako niya sa nobya.

He clenched his jaw, “What do you think you're doing, Bridgette?” Anas niya ngunit, may kakapalan ng mukha ang babae at nagpatuloy lamang sa paglapit sa kinaroroonan niya.

“Why? Don't you like what I'm wearing? Come on, Vlad, don't stop what your body really wants,” anito at kusang inilapit ang sarili sa kaniya.

Bridgette started to undress her dress but he stopped her. Bahagyang lumuwag ang suot nitong roba at lumantad ang kulay pulang bra nito.

“Stop it now, Bridgette! Ilang beses ko bang sasabihin, I can't love you again. . . please, stop doing this!” awat niya mula sa pagbabalak paghubad ni Bridgette.

Tila nainsulto si Bridggete, heto siya ang klase ng babae na hindi sumusuko.

“Vlad, I can satisfy you. I can give you what Almira's didn't gave you. . . I'm all yours Vladimir,” pausal ani Bridgette at bago pa man makapagsalita si Vladimir, ay kaagad nitong siniil ng halik ang binata at mabilis kumilos ang mga kamay nito. 

Ngunit, naging maagap si Vladimir, at kaagad nitong napigilan ang pagtatangkang paghubad sa kanya ni Bridgette. Patulak niya itong inilayo mula sa kaniya.

“Get out!” namumula ang mukhang singhal niya rito dahil, sa galit na nadarama.

“Vlad,” nahintakutan sambit ni Bridgette.

“I said, get out!” muling tumaas ang boses ni Vladimir, at dahil sa inis niya at pag-init ng ulo ay hinatak niya at kinaladkad papalabas si Bridgette.

Halos itulak niya ito papalabas at kulang na lamang ay matanggal ang braso nito. Nangangalit ang mga matang tinapunan niya ito ng tingin ngunit mas pinili niyang respetuhin pa rin ito.

“Don't you ever go near me, Brigg. . . dahil sa oras na gawin mo ulit ito baka masaktan na kita! Please know your limits!” nagngangalit ang bagang wika niya pagkatapos ay sinarhan niya ito ng pinto.

Nanginginig naman ang labing napakuyom ng kamao si Bridgette dahil, sa inis nito at pagkapahiyang nadarama. Dali-dali niyang inayos ang sarili at mabilis na pinahiran ang luhang nagbabantang malaglag mula sa kaniyang mga mata ‘tsaka nakataas noo na tinalikuran ang nakasarang pintuan ng kuwarto ni Vladimir.

———

SAMANTALA, maingat at dahan-dahang inihiga ng estranghero si Almira, sa napakalambot na kama nito, ‘tsaka pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito habang hinahaplos-haplosan niya ang malambot na mukha ng dalagang mahimbing mula sa pagkakatulog.

He wears his evil smile.

Umupo ito sa gilid ng kama at hindi inalis ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng dalaga.

“Lucky to have you tonight. Hindi mo alam kung paano ako nagpigil dahil sayo Carmela,” naisatinig ng estranghero at nagdahan-dahan niyang pinadausdos pababa ang kaniyang daliri sa makinis na mukha ng dalaga.

Akin Lamang Ang Pag-ibig Mo: TIERRA FUEGO TRILOGY 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon