CHAPTER 8: Giving Up On You

1 0 0
                                    

A/n: Please, skip this update. Don’t force yourself reading this! Masasaktan ka lang! 🤣✌️

NALUKOT sa mga kamay ni Vladimir, ang papel. Nakarating sa kanya ang isang balita habang abala pa siya sa ginawa. Nasa opisina siya nito at inaaral ang ilang dokumento. Alam niyang sinadya ni Gabriel, na tambakan siya ng trabaho at mas pinagkatiwala nito kay Bartolome, ang pamamahala sa kompanya. 

Gusto na niyang umalma ngunit, ayaw naman niyang sumama ang loob ng kaniyang mama at ang chairman. Ganun na lamang ang panlulumo niya ng matanggap ang isang sulat galing sa isang botique kung saan sila nagpagawa ni Almira, ng susuotin nito sa kanilang kasal.

He clenched his jaw, “Almira,” tanging naisambit niya.

Namumuo ang luha sa kaniyang mga mata nang abutin niya ang cellphone at tinawagan ang numero ni Almira. Halos hindi siya huminga ng marinig niya ang boses ng dalaga nang sagutin nito ang kanyang tawag.

“Can we talk?” malumanay ang boses niyang tanong.

Tumahimik saglit ang kausap niya sa kabilang linya, “Oo naman, maghihintay ako,” sagot sa kanya ni Almira.

He fake a smile. Tila may bumara sa lalamunan ni Vladimir sa mga sandaling katawagan ang dalaga. Hindi niya maitindihan ang sarili ngunit maging siya ay hirap na hirap na rin.

Ilang sandali ay tumayo siya mula sa kinauupuan. Dali-dali siyang lumabas ng  opisina niya at halos lakad-takbo na ang kanyang ginawa. Sa mga sandaling ito naghihintay sa kanya si Almira. 

Nagkasalubong sila ni  Bridggete bagay na ikinaiwas niya rito at namamadaling tinungo ang lobby. Dumeretso siya sa parking area at ginamit nito ang sasakyan ni Bartolome.

SA ISANG Fast food siya hinintay ni Almira. Malayo pa lang, natatanaw na niya ang nobya. Mag-isa ito at hindi katulad ng dati ang pagngiti nito.

Nang bumaba siya ay tila hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa. He bit his lower lip and move towards her. Nang makalapit siya sa puwesto nito ay inangat ni Almira, ang kanyang mukha at isang tipid na ngiti ang kumawala mula sa labi nito bagay na ikinapigil niya sa sarili.

“Maupo ka, huwag kang mag-aalala hindi rin ako magtatagal,” kalmado ngunit naiiwas tingin aya niya kay Almira.

Tila tinambol ang puso niya, hindi maganda ang kaniyang pakiramdam nang sinundan niya ng mata ang inilapag ni Almira, sa ibabaw ng mesa at isa iyong kahon na naglalaman ng mga larawan nilang dalawa at mga bagay na nairegalo niya. Pumwesto siya ng upo upang magkaharap sila ng dalaga. Malamlam ang mga mata nito, bagamat nakangiti man ay mababanaag ang lungkot.

“Almira,” mahina ang boses niyang sambit.

Ngumiti sa kanya si Almira. Kuyom ang kamao nang titigan niya ito. 

“I apologize, Vlad. I am really sorry. . .” panimula at naihinging patawad sa kanya ni Almira.

Tila may tinik sa lalamunan ni Vladimir, at nanikip ang pusong pagmasdan ang dalaga. Hanggat maari, pipigilan niya ang sariling huwag magpakita rito ng kahinaan.

“Sinasauli ko na ito sayo Vladimir. I think, I can’t deserve this memories of you,” nakangiti ngunit nangangatal ang labing anito.

Lalong naikuyom ni Vladimir ang kamao. His hurt, but yet he can't stop her.

Isang pagbuntonghininga ang pinakawalan ni Almira, upang ipunin ang lakas ng loob na magsalita. 

Vladimir, fake a smile. 

Tahimik lamang niyang binabawi ang sinasauli ni Almira, bagay na ikinayuko nito ng ulo at kaagad na pumatak ang mga luha nito. Kaagad pinahiran ni Almira, ngunit hindi niya magawang pigilan pa ang muling pagbuhos ng mga luha nito.

Akin Lamang Ang Pag-ibig Mo: TIERRA FUEGO TRILOGY 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon