CHAPTER 5: Choose to telling lies

2 0 0
                                    

A/N: Thank you po sa pagbabasa. Comment ninyo sa baba ang mga feedback ninyo about this update.

-----

Mahigit tatlong araw na rin ang nakakaraan ngunit walang aninong nagpakita ni Vladimir. Naka-off ang cellphone nito ng sinubukang tawagan ni Almira kung kaya't nagpasya siyang puntahan ito sa tinatrabahuan. Ngunit, naka on-leave naman ito nang tanungin niya ang secretary.

Sa mga sandaling ito. Tila lalo lamang siyang nasasaktan. Hindi siya tinawagan ni Vladimir. Nawalan tuloy siya ng ganang magtrabaho pa. Tinohanan nga ni Vladimir na hiwalayan siya.

Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata nang tapunan niya ng tingin sina Aska at Mylene. Halos araw-araw pumupunta ang dalawa upang kamustahin siya.

"Sigurado ka bang hindi ka papasok? Magagalit na talaga sayo si Boss niyan, Mira. Hayaan mo munang magpalamig ng ulo si Vlad, alam mong mahal ka niya, kaya huwag kang mag-aalala hindi ka niya matitiis,"

"Oo nga, Mira. Don't worry, kakausapin ko kapag magkita kami," segundang saad sa kanya ni Aska.

Hindi niya inimikan ang dalawa, kanina pa siya hindi matahimik dahil bigla siyang kinabahan. Hindi na rin maayos ang tulog niya nitong nagdaang mga gabi mula nang hindi na siya kinausap ng nobyo. Naiiyak niyang naiyuko ang kaniyang ulo nang muling bumalik sa alaala niya ang naging reaksiyon ni Vladimir. Paulit-ulit niyang naririnig ang pagsigaw nito sa kanya kung kaya't hindi na niya napigilan pa ang sariling mapahikbi.

"Best, tahan na," naiiyak pang-aalo sa kanya ni Mylene. "Cheer up! Nandito lang kaming dalawa ni Aska na maging karamay mo, hindi ka namin pababayaan," dugtong nito bago kumalas at saka pinahiran ang kaniyang mga luha.

Kagat-labing tumango si Almira, pinipigil ang sariling hindi na muling iiyak. Tila kasi wala ng kapaguran ang mata niya kundi ang lumuha na lamang. Hindi niya alam kung saan hahagilapin ang lalaking sumira sa buhay niya. Ngunit, isa lang ang tinitiyak niya, hindi niya mapapatawad ito.

SAMANTALA, ginugol ni Vladimir, ang sarili sa harap nang nakatambak na trabaho. Wala siyang inaksaya at pinalampas na gawain sa resthouse na pinuntahan niya kung kaya't tila nagiging ermetanyo na ang ayos niya dahil, sa pagtubo ng kaniyang balbas at walang maayos na tulog. Tuwing gabi naman ay lagi siyang umuuwing lasing. Naging pabaya siya sa sarili at kinikimkim ang labis na sama ng loob. Hindi niya nagawang protektahan ang mahal niya at hinayaan niyang kainin nang poot ang kaniyang puso.

Naging makasarili na rin siya at hindi nag-iisip. Sa mga sandaling ito ay nakatanaw siya sa labas ng bahay ni Almira, nasa loob siya ng kanyang sasakyan habang nagmamatyag. Gusto niyang puntahan ito at kausapin ngunit, kada-tangka niya ay bumabalik sa isipan niya ang naging karahasan niya rito. Pinagsalitaan niya ito at hindi inintindi sa anumang ipapaliwanag nito sa kanya.

Muli ay binuhay niya ang makina ng kanyang sasakyan at muling tinungo ang naging tambayan niya. Ang lugar ng wild sister bar, isang lugar kung saan nagbibigay aliw ang mga kababaihang nandoon at lugar kung saan pansamantalang mawawala ang kinikimkim niyang pagkamuhi sa sarili.

Buong gabi siyang nagpakasasa sa pag-inom ng alak hanggang sa malasing na siya ng todo at biglang nagwala sa loob, kung kaya't binugbog siya ng mga bouncher at pinatapon sa labas at saktong kakalabas ni Briggete mula sa sasakyan nito upang makipagkita sa nanay nitong laging nanghuhuthut ng pera.

Kinilala ni Briggete ang duguang mukha ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata nito ng mapagsino ang lalaki. Si Vladimir ito kung kaya ay kaagad niya itong tinulungan.

"Gosh! Vlad, come on, tumayo ka!" hirap na hirap niyang saad habang inaalalayan ito patungo sa kanyang kotse.

Umuungol lamang si Vladimir at hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito. Pabagsak niyang inihiga ito sa backseat ng kanyang kotse at nawala sa isipan niyang puntahan ang ina. Bagkos ay inuwi niya si Vladimir sa kanyang bahay.

Akin Lamang Ang Pag-ibig Mo: TIERRA FUEGO TRILOGY 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon