CHAPTER 6: Untouchable

1 0 0
                                    

PAGBABASAG ng mga gamit ang lumagabog sa loob ng mansion ng Del Fuego. Halos araw-araw na lamang nagwawala at nagsisisante ng tauhan at personal nurse nito ang panganay na anak ng Del Fuego.

Mula nang maaksidente ito at malumpo ay laging mainitin ang ulo nito sa mga trabahador sa mansion. Walang nakakatagal at palit ng palit ito ng kanyang taga-bantay. At isang nurse naman ang napagsumpungan nito ng galit bagay na ikinatakbo palabas ng kawawang babae nang sigawan niya ito.

He is Gabriel Del Fuego, he became a beast and untouchable from the day he awoke from an accident.

“Hijo! Stop it. Please, I'm begging you,” awat ng kanyang mama dahil halos ubusin na nito ang mga nakikita sa paligid.

“I hate this life, Mama! You made me feel that I'm useless!” pasigaw nitong sabi.

Napatakip sa kaniyang bibig ang Ginang at napahikbi na nang tuluyan.

She loves his son, kahit ito pa ang pinaka-masama sa mata ng lahat. Knowing Gabriel, alam niyang babalik ulit ito sa dati.

“I made this because, I want to help you, Gabriel. . . nahihirapan akong makita kang nagkakaganyan!” mahina ngunit puno ng pagmamahal ang boses nitong sabi.

Sinimulang inikot ng binata ang wheelchair nito at hinarap ang kanyang ina habang nangangalit ang mga matang nakatitig rito.

“Pity me, right? Then! I don't need your help! I can manage myself. Don't you ever hired me an asshole nurse, Mama. Hindi ko kailangan ang mga kagaya nila!” madiin nitong tugon at walang pasabing pinagulong papalayo ang kanyang wheelchair at iniwan ang kausap.

Napahugot ng isang malalim na buntonghininga ang Ginang at naiiyak na pinahiran ang iilang luhang tumangkang malaglag na naman mula sa mga mata nito at pumeke na lang ng ngiti upang ikubli ang sakit na dinaramdam para sa anak.

Dalawang buwan ang nakalilipas magmula nang magbago ang ugali ni Gabriel. Dalawang buwan na puro pasakit at panunumbat ang lagi nitong naririnig mula sa kanya. Tila, lahat ng pagsasakripisyo niya rito ay hindi man lang makita ng binata. Malayong-malayo ito kung ikukumpara kay Bartolome at Vladimir.

She sighed.
Isang aksidente ang natamo ni Gabriel nang mabalitaan niyang pauwi ito sa kanilang probinsya isang gabing buwan ang nakalipas.

Matigas ang ulo nito at hindi nakinig sa sinabi ng kanyang doktor. Mas minabuti kasi ni Gabriel na manatili sa bahay kaysa magkulong sa hospital.

“Uminom ka muna ng tubig Kate, hayaan mo muna ang anak mo, alam mong hindi niya gustong laging bina-bantayan,” ani Manang Pacita, ang matandang katulong nila at yaya noon ni Gabriel.

“Manang, hindi ko na alam ang ugaling mayroon si Gab. Lahat ginawa ko para sa ikakabuti niya, ako pa ngayon ang masama!” nangingilid ang mga luhang tugon ni Kate.

Hinagod ni Manang Pacita ang likuran ng ginang upang pakalmahin.

“Huwag kang mag-aalala, susubukan kong kausapin si Gabriel. Hindi na rin tama ang kanyang ginagawa dahil, mas lalo lamang siyang hindi gagaling kung walang mag-aalalay sa kanya,” pampalakas loob rito ni Manang Pacita.

Tumango ng bahagya si Kate at ngumiti rin kalaunan.

“Salamat, Manang, salamat sa pagtiyaga.” Niyakap ni Kate ang matanda dahil hindi na iba ito sa kanila at tinuring na rin bilang miyembro ng pamilya.
      

Kilala sa pagiging magaling at mabait na Mayora ng Tiera Fuego si Kate. Habang tanyag sa larangan ng negosyo naman ang kanyang asawang si Chairman Edmond Del Fuego. Pumalit naman sa puwesto ng kanyang asawa ang anak niyang panganay na si Gabriel ngunit, ang pamamahala nito ay bagay na hindi niya ikinatuwa. Itinuring kasi ni Gabriel, bilang hindi kamag-anak ang kapatid nito sa ama. Bago namatay si Chairman Edmond, ay pinagkatiwala nito ang kanyang posisyon kay Gabriel, at iniwan rin dito ang organisasyong kinasasangkutan nito noong panahong buhay pa ito. Isang organisasyon na underground association.

  
Nakasisiguro si Kate, hindi aksidente ang nangyari kay Gabriel, at may kinalaman dito ang taong galit sa kanya, awang-awa siya para sa anak ngunit, naiiba si Gabriel, hindi ito ang klase ng tao na nagpapaawa.

NAGTAGIS ang bagang hinawakan ni Gabriel, ang gulong ng wheelchair nito, at nangangalit ang mga mata niyang pinagmasdan ang sarili sa malaking salamin. Kumuyom rin ang kaniyang kamao habang sinusubukang itayo ang sarili. Ngunit, nang tangkain niyang tumayo ay nabigo na naman siyang muli at lalo lamang nasasaktan.

Bigla-bigla siyang nawawalan ng balanse dahilan upang masadsad siya sa sahig.

“Argh! F*ck!” pagmumurang naidaing niya.

Pinagsusuntok niya ang sahig hanggang sa mamula ang kaniyang kamao at dumugo iyon. Impit siyang napa-hikbi at sising-sisi sa sarili. Naging impyerno rin kasi sa kanya ang upuang kinasadlakan niya, tila naaayon sa wheelchair ang kaligtasan niya kung kaya ay labis ang galit niyang nadarama at nagalit rin sa nakapaligid sa kanya. Ayaw na ayaw niyang kinakaawaan at pinagsisilbihan. Dahil para sa kanya, ang ginagawa sa kanya ng mama niya ay pinagmukha lamang nitong wala na siyang silbi.

He still can manage his self,
Alam niyang kaya naman niyang kumilos. Dahil, paa lamang ang deperensya niya, at hindi ang kaniyang mga kamay.

SA HARDIN, tahimik na nakabantay sa mga hardenero si Gabriel, nang lapitan ito ni Manang Pacita. Inabutan siya nito ng malamig na juice at sandwich kung kaya ay bahagyang tumitig rito si Gabriel, na walang pagbabago ng ekspresyon ang kaniyang kulay baby blue eyes na mga mata. Kunot-noo at seryoso ang gwapo nitong mukha.

“Magpalamig ka muna nang sa gayon ay kumalma ka,” nakangiting pagbibiro ni Manang Pacita ngunit hindi niya ito kinibuan.

“Hijo, hindi maganda sa katawan ang laging pagsusungit! Nakakabawas iyan ng kumpiyansa sa sarili, ang layo mo tuloy sa Gabriel, na ipinalaki ko,” madamdaming naisaad ni Manang Pacita, kung kaya ay nilingunan ito ni Gabriel.

May kung anong kurot sa puso nito ngunit mas pinili niya ang maging matigas at walang pakialam sa nakapaligid sa kanya.

“You can leave it here, Manang Pacita. Mamaya ko na kakainin at iinumin iyan,” baritono at naging kalmado ang boses nitong naisaad.

Huminga nang malalim si Manang Pacita, ‘tsaka ngumiti kay Gabriel nang ngiting tipid. Humalik ito sa tuktok ng ulo ng binata upang ipadama rito na hindi ito nag-iisa.

Sinundan lamang ng mata ni Gabriel, ang papalayong matanda bago nito nailipat ang tingin sa nakapatong na dala nito para sa kanya. Kunot-noo ay napatingala siya at saka nagpakawala nang buntong hininga. Nakakubli sa matapang nitong hitsura ang tunay niyang nararamdaman.

His guilt made him suffer. Baka nga, karma na niya ang nangyari sa buhay niya. ‘Cause, he made a greatest sin that he will carry to his grave.

Bahagya siyang napa-pikit ng kaniyang mga mata. Memoryadong-memoryado pa niya ang kabuuan ng dalaga, ang matamis na pagngiti nito, ang mala-anghel na hitsura at nakakaakit nitong labi na sadyang nagpabaliw sa kanya. Kung pagbibigyan man siyang baguhin ang nakaraan, iyon ay ang itama ang kanyang pagkakamali na nagawa sa inosenteng babae.

He adores Almira with all his heart. If it’s a sin loving her, then he will embrace it.

A/n: Sinong bet ninyo. Vladimir ba o Gabriel? 😅

Akin Lamang Ang Pag-ibig Mo: TIERRA FUEGO TRILOGY 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon