CHAPTER 4: The Heartbreak

1 0 0
                                    

Nakangising inabutan ni Briggete ng puting sobre na naglalaman ng pera ang babaeng inutusan nitong sundan sina Aska nang dalhin ng mga ito si Almira sa napakalapit na hospital. Malakas ang kaniyang kutob na buntis ito at hindi nga siya nagkakamali.

"Narinig ko po ang kanilang pinag-uusapan. Buntis ang sinasabi nilang Almira at ang sabi, nagahasa ito," sumbong ng babae na ikinaawang ng kaniyang bibig ngunit nasisiyahan din siya sa natuklasan.

"Really? That's so unbelievable," kunwari pa niya at kalaunan ay tumawa ito.

"Well, I'm glad that you work great! Hindi na ako maghihirap sa kakabuntot kay Vlad," nakangising asong wika niya na tila nagtagumpay sa iyang patimpalak dahil sa tuwang nadarama.

"Sige na, umalis ka na at baka may makarinig pa sa atin," pagtaboy niya rito bagay na ikinangisi lamang ng kausap at iniwan siya kalaunan.


She loves Vladimir, at pinagsisihan niyang nakipaghiwalay siya noon sa kanya upang unahin ang kanyang career. Kaya gagawin niya ang lahat bumalik ulit sa kanya si Vladimir.


"Poor you Mira, babawiin ko sayo ang pagmamay-ari kong inangkin mo!" nakangising wika niya.

HAPON na nang nag-abang si Aska kay Vladimir mula sa labas upang kausapin ito ngunit nagdadalawang isip siyang sabihin rito ang katotohanan, naiisip niyang hindi rin magiging tama at maganda kung siya ang magsasabi.

Isang mabigat na pagbuntonghininga ang kanyang pinakawalan bago nagpasyang tumalikod para umalis. Ngunit, napahinto siya mula sa paghakbang nang makasalubong nito si Briggete. Sumama bigla ang mukha niyang tumitig rito bagay na siyang ikinangising aso sa kanya ng kaharap.

Kumuyom ang kaniyang kamao at nakaramdam ng sobrang pagkairita.

"Ang demonyita, ang kapal! Talandi pa! naisatinig ng kaniyang isipan.

Isang matinding irap ang kaniyang pinakawalan nang nilagpasan lamang siya ni Briggete. Naiistress ang wig niya sa sobrang kadesperada at kaplastikan ng babaeng ito kung kaya ay kaagad siyang umalis at baka hindi na nito mapigilan ang sarili. Ngunit, kaagad nagbago ang kanyang isipan.

Sinundan niya si Briggete hanggang sa may lobby ngunit kaagad rin siyang natigilan ng makita nitong nagyakapan sila ni Vladimir. Naitakip niya sa kaniyang bibig ang kamay at nangangalit ang mga matang napasugod.

"Ay! Wow. Kaygandang eksena!" agad niyang singit.

Mabilis na inilayo ni Vladimir ang sarili kay Briggete. Makikita sa hitsura nito ang pagod kung kaya't sinamaan ng tingin ni Aska si Briggete na may pang-iinis na ngisi.

"Makakapit, wagas!" pampaparinig niya.


"It's not what you think, Aska. Maiwan ko na kayo, pupuntahan ko pa si Almira," matamlay ang boses ani Vladimir.

Akma itong humakbang paalis ngunit nagsalita kaagad si Briggete bagay na ikinatigil ni Vladimir.

"Wala atang balak umamin sayo ang girlfriend mo Vlad, dahil pati si Aska ay naglilihim sayo. . . pity you! Maniwala ka man sa hindi, pinagloloko ka lamang niya," dere-deretsong sabi ni Briggete bagay na ikinawalan ng kulay sa mukha ni Aska.

Nagtagis ang bagang hinablot ni Vladimir ang braso ni Briggete habang nakatitig rito ng masama.

"Huwag mong gawan ng kuwento si Almira, Briggete! Dahil kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi ko siya ipagpapalit!" marahas anito at dahil sa may pagkalakas iyon ay medyo napaurong si Briggete at gulat na gulat ito sa hindi niya inaasahan gawin ni Vladimir.

Akin Lamang Ang Pag-ibig Mo: TIERRA FUEGO TRILOGY 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon