"Congratulations, Reverie! Senior High School na tayo!" Sumisigaw na bati sakin ni Nyx sabay yakap sakin ng mahigpit.
"Congratulation din, My nyxie!" I hugged her back and kissed her on her cheeks.
"Uy sabay tayong mag-enroll ah? Sa Solana University na ba tayo? Real na real na yun?" Tanong ni Nyx, tumango lang ako. Napagkasunduan kasi naming mag enroll sa iisang University at sa iisang strand.
We are both interested in Humanities and Social Sciences.
Kaya doon kami mage-enroll. May heads up na din naman kami sa mga mapagaaralan sa strand na yun.
Dumating ang araw ng enrollment day sa Solana University, talaga inagahan pa namin ni Nyx para mauna kami. First come, first serve daw kasi.
Buti nga nasa unahan kami ng pila eh, ang bilis lang naming natapos. Babalik nalang kami kapag orientation na, bago mag-umpisa ang school year.
Ang saya ng thought na senior high na ako, that means I'm close to being a college.
The start of school year comes and nandito kami ngayon ni Nyx, hinahanap yung room namin. Tuwang-tuwa pa kami dahil parehas kami ng section.
We entered the room and wala pa naman masyadong students since we're kind of early. Tabi kaming naupo sa harapang upuan.
Syempre, I always believe na pag malapit ang upuan mo may mabilis kang matututo.
Char, gawa-gawa ko lang 'yun.
Soon napuno na ng students ang room and almost occupied na lahat ng seats.
Our adviser entered the classroom. She looks like in her late 20s, she looks young talaga.
"Good morning class, I'm Ms. Morwenna Reyes, you can call me Ms. Wenna or Ms. Reyes. It doesn't matter." Nakangiti niyang pakilala saamin at sinulat ang full name niya sa blackboard. I took note of that on the back of my head, minsan kasi may mga times na kasama sa exam
name ng adviser."Now, let's have an introduction shall we?" Ito na nga ba tayo sa introduction eh.
"Ok class, please get a 1/4 sheet of paper and write your name, age, birthday, and why did you chose HUMSS as your strand." She dictated habang nagsusulat kami.
After writing, isa-isa kaming nagpasa ng papel kay Ms. Wenna.
"Ok, let's start with" bumunot siya ng isang papel randomly sa gitna ng kumpol na papel. "Ms. Ramos."
Buena Mano si Nyx. Tumayo siya at pumunta sa harapan para magpakilala.
"Hello everyone. My name is Nyxie Klai Ramos, you can call me Nyx. I'm 17 years old and I chose HUMSS as my strand because I love reading and writing." Ngumiti si Nyx at halata sa ngiti niya ang kabang tinatago. Dali-dali siyang naupo ulit dahil na-awkwardan na siya.
"Thank you, Nyx." Nag shuffle ulit si Ms. Wenna at bumunot sa mga papel. "Next is Ms. Hidalgo."
Tumayo sa harapan ang isang babae, maputi, balingkinitan ang katawan at parang di makabasag pinggan ang ganda. She looked shy, really shy.
"Good morning everyone, I'm Ilianna Hillary Hidalgo. You can call my Illy, I'm 17 years old and I chose this strand kasi I'm interested into Social Sciences." Ngumiti siyang tipid sa amin at yumuko, ang cute naman nito.
"Thank you, Illy. Ok next up, Mr. Moreau?" Tinawag ni Ms. Wenna ang surname niyang tunog ibang lahi.
Napalingon ako dahil nasa tabi ko pala yung magpapakilala ngayon.
Wow, pogi ah.
Foreigner ba 'to?
"Good morning everyone, and hello. I'm Icarus Shawn Moreau. Pwede niyo akong tawaging Icarus or Shawn. Kung saan kayo masaya. I'm 17 years old and I chose this strand because it has my interests which is the study of law." casual niyang sabi, habang nakapamulsa pa. He looked so confident and yung tindig niya, sobrang ayos.
BINABASA MO ANG
Sometimes It's all about us
Jugendliteratur! DISCONTINUED ! [Sun's Place Series No. 1] Rivals academically, Reverie Seraphina Suarez and Icarus Shaun Moreau found themselves in a situation where they can't seem find the answer on theirselves. Maybe the answer is between them, maybe not. Or m...