Before the second semester
"Icarus, sa tingin mo ba magiging ok lang ang lahat?" Seryoso kong tanong kay Icarus habang papauwi na kami sa bahay galing sa café.
"Oo naman, I believe that everything happens for a reason and that reason is for the better." He answered me while looking up to the sky.
"Can I ask?" I looked at him.
"Hm?"
"Nung bata pa tayo, why did you suddenly left? I was so sad and mad at you that time kasi nawalan ako bigla ng kaibigan." I asked him.
Hindi agad siya sumagot and I get it, dapat hindi ko na tinanong 'yun.
Tanga, Reverie.
"Well, mama and I went to France. Tumawag kasi yung asawa ni papa na he wants to see me." Yumuko siya at napahinto sa pagsasabi.
I listen intently and just kept my silence.
What I just know about Icarus is that his father is no longer with them, matagal na.
"He wants to see me...on his last breaths." I looked at him and looked at him having a hard time. I hold his hand to assure him.
"I'm sorry, Icarus." That's all what I said.
Ang alam ko lang noon ay yung tatay niya ay bumalik sa Italy and then never showed up anymore. But there are more deeper things pala.
"No, it's ok now. Minsan kasi talaga nami-miss ko si papa. Kahit maikling panahon lang siya nagpaka-tatay sa akin." Umiling siya at ngumiti sa akin.
I know it's not ok, it's so bitter for a smile.
Ngumiti nalang ako pabalik sa kaniya bago pumasok sa bahay namin.
"Ate bakit ka nakangiti?" Revath pointed out kaya naman agad akong sumimangot.
Sumilip siya sa phone ko na agad ko namang iniwas.
"Crush mo si Kuya Icarus 'no?" Revanth and his assumptions.
"Tumigil ka nga, tulungan mo na akong mag-luto dito." Dumeretso na agad ako sa kusina para hindi na ma hotseat ng kapatid ko.
Present
"Good morning class." Pumasok na si Ms. Reyes and start na ng tunay na second sem. Ms. Reyes is our Practical Research 1 teacher.
"Research na guys, paalam na sa mga buhay natin!"
"Hoy yung nga mag jowa dyan bawal maging magka grupo ah." Gatong ni Denver sa kaklase namin.
"Nako 11 HUMSS A, hindi naman ganon kahirap ang research. And importante din 'to in our everyday life." Mahinahong discuss ni Ms. Reyes habang nagse-set up ng projector.
"Ms. Reyes, ilang tao po ba sa isang grupo?" I asked.
"Ok, magandang tanong 'yan, kasi 'yan din ang id-discuss ko ngayon. Meron kasing changes." Sagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Sometimes It's all about us
Teen Fiction! DISCONTINUED ! [Sun's Place Series No. 1] Rivals academically, Reverie Seraphina Suarez and Icarus Shaun Moreau found themselves in a situation where they can't seem find the answer on theirselves. Maybe the answer is between them, maybe not. Or m...