"Tapos niyo na chapter 2 niyo?" Tanong ni Nyx sa amin. Umiling si Ilianna at tumango naman ako.
"Ok Reverie, ikaw na ang tapos. Bawal na ang bumoses." Nagtaka ako at napatingin sa kaniya.
Nagtatanong ka kasi.
Tumunog ang bell para sa mga announcement kaya napatahimik kami.
"Good morning students! All of the Presidents of class in HUMSS department please proceed now to social hall. Thank you and have a great day ahead!"
I groaned in annoyance. Ayan na naman sila, gagawin na naman nila akong busy. Shuta.
Tumayo ako para pumunta na sa social hall, nagpaalam na ako kanila Nyx habang nagkakamot ng ulo.
Ang aga-aga naman kasi ng meeting meeting na 'yan. Kawawa tao sa kanila eh.
Nakarating ako sa social hall na halos lahat ng president ng HUMSS nandoon na. Tumabi ako sa president ng HUMSS B na agad naman akong kinausap.
"Uy Rev, you're on time. Kinuha lang ni Sir yung mga folders. Dagdag trabaho na naman 'to." Tumawa siya ng pabulong sa akin.
"Oo nga eh." Sagot ko naman at nakipagtawanan na sa kaniya.
Dumating si Sir Pinuela na may dala-dalang folder.
I smell the work loads.
"Good morning everyone. So as you know, next month na ang foundation week ng university." He let us opened the folders and nandoon nakalagay ang buong program and ano ang magiging activities.
"As you can see, sa section ng HUMSS department, you are tasked to do a film in collaboration with the Performing Arts and ICT." Sir Pinuela presented his powerpoint presentation.
ICT ang sa equipments for film, Performing Arts ang maga-act, and HUMSS ang magfa-facilitate sa the rest?
By means of that samin ang script writing, props making, stage making, make up and hair, and directing?
Kawawa talaga tao sainyo, di kaya kayo karmahin niyan?
Joke.
We talked about distributing the works in every section. Since HUMSS has 5 section from A to E napagisipan naming magbunutan kung saan kami gagalaw.
I got the stage making and after non bumalik na kami sa mga classrooms.
And then hinati-hati pa namin ang mga classrooms para hindi masyadong magulo. For example, 10 students from 11-HUMSS A will be assigned to props making, tapos yung iba sa other matters naman.
"Reverie! Mahihiwalay kami sayo!" Reklamo sa akin ni Illy. Tumawa lang ako sakaniya.
"Ok lang 'yan, para naman medyo maging tahimik." Singit naman ni Nyx. Sinamaan lang siya ng tingin ni Ilianna kaya naman lalo itong natawa.
"Saan ka na assign?" Tanong sa akin ni Icarus. Kita sa mukha niya na nanlulumo siya.
"Head ako sa stage design." Sagot ko. Lalong nalaglag ang balikat niya sa sinabi ko. "Ikaw ba?"
"Icarus! Let's go na, we'll have our briefing pa with the writers!" May narinig akong boses ng babae sa labas ng pinto ng classroom namin.
"Actor ka?" Natatawa kong tanong sa kaniya. Ngumuso siya na parang bata kaya naman lalo akong natawa.
"Wag kasi, ayoko nga doon eh." Reklamo pa niya.
Hindi na siya naka reklamo dahil bigla siyang hinila nung babae kanina patayo sa upuan niya. Tumingin siya sa akin na para bang nanghihingi ng tulong.
BINABASA MO ANG
Sometimes It's all about us
Teen Fiction! DISCONTINUED ! [Sun's Place Series No. 1] Rivals academically, Reverie Seraphina Suarez and Icarus Shaun Moreau found themselves in a situation where they can't seem find the answer on theirselves. Maybe the answer is between them, maybe not. Or m...