"Guys may prom daw!" Chismis agad saamin ni Nyx na kakapasok lang. Ang aga-aga naman niyang mag ingay.
"Sasama ba kayo?" Tanong ni Illy sa aming dalawa. Nanahimik lang ako dahil pinagiisipan ko pa kung sasama ba ako or hindi. Habang si Nyx naman ay yes agad ang sagot.
Pumasok na si Mr. Ramos, our teacher for Statistics and Probability. He started discussing pero walang pumapasok sa utak ko.
Ito ang pinaka mahina ko sa lahat. Basta usapang math, leave me alone.
Meron naman akong nag-gets pero most of the time wala. Ang hirap kasi talaga, lalo na kung sasauluhin ko pa yung mga formula.
I have to admit pero talaga mahina ako sa math, since birth.
"Ok class, sagutin niyo 'tong slovin's formula. Walang gagamit ng calculator." Binigay saamin ni sir ang answer sheet. "By partner 'yan, at para hindi na magulo by pair with seatmates nalang."
Kinuha ni Icarus sa desk ko yung answer sheet at nagsimulang sagutan sa scratch paper niya.
"Oh, ikaw na mag round off niyan, 2 decimal place lang t'as ikaw na din magsulat sa answer sheet." Sunod-sunod na sabi ni Icarus sa akin.
Nakatitig lang ako sakaniya, wondering if paano niya natapos yun ng ganon kabilis.
Bumalik ako sa wisyo at sinimulan ng isulat ang mga sagot sa answer sheet. While thinking na pumo-pogi talaga si Icarus sa paningin ko.
OK REVERIE, SNAP OUT OF IT!
Pero kasi, the way his hair is always neat, tapos the way he wears his uniform? Sobrang alaga. Tapos amoy baby powder, ano ba naman ito!
The way his soft scent contrasts his sharp face features.
Ang pogi-pogi mo.
Nyeta.
Mas obvious ang french features niya, kung hindi nga lang madaldal 'to noon feeling ko pag tinanong ko siya ang isasagot niya ay merci beaucoup.
Brown hair, tanned skin, matangkad. Ay nako naman talaga.
"Hey, Reverie? Akin na, ipapasa ko na." Nagulat ako ng hinawakan ako ni Icarus ng marahan sa wrist ko para kunin sa akin ang papel.
Jusme, masyado naba akong nags-space out? Weird na ba masyado?!
Bakit ang init ng kamay niya?
Tangina, Icarus isa pa nga!
Break time na namin at nagpaiwan ulit ako sa room, and this time kasama ko si Icarus.
"Bakit di ka pa bumaba? Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sakaniya habang nilalabas ang lunch box ko.
Umiling lang siya sa akin at dumikit pa lalo. "Makita lang kitang kumain, busog na ako." Pilyo niyang saad, at saka sumandal sa balikat ko.
Naknang Icarus 'to.
"Binola mo pa ako." Tinulak ko palayo ang kanyang ulo sa balikat ko. Mamaya may makakita pa samin dito.
"Totoo naman 'yun! Ikaw lang yung manhid eh. Hindi mo ba alam na crush kita?" Casual niyang sabi.
Tumingin lang ako sakaniya at tinaasan siya ng kilay. I acted as if that's nothing to me.
Pero ang puso ko, it tells something different. Masyadong masaya ang laro ng mga paro-paro sa stomach ko.
"This is true Reverie." He looked serious now, and I felt nervous. "I-I want to court you, will you let me?" He asked.
Ano daw?! Court? ME?!
WAIT WAIT WAIT
KALMAHAN
ALERT ALERT!
BINABASA MO ANG
Sometimes It's all about us
Teen Fiction! DISCONTINUED ! [Sun's Place Series No. 1] Rivals academically, Reverie Seraphina Suarez and Icarus Shaun Moreau found themselves in a situation where they can't seem find the answer on theirselves. Maybe the answer is between them, maybe not. Or m...