Chapter 2

22 7 0
                                    

𝐀𝐏𝐎𝐋𝐋𝐎 𝐇𝐄𝐗𝐄𝐒 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎𝐒

Natahimik ako sa sagot ni Amor. Seryoso siya ng sabihin ito.

Nakita ko ang pag daan ng mga emosyong hindi ko mapangalanan sa mukha ni Elezia. Napayuko siya at napahawak bigla sa dibdib niya. Para bang may masakit sakanya

"Aray!" sigaw ni Elezia, nag alala naman ako sakanya. "Anong masakit sayo?" tanong ko sakanya sabay hawak sa mga braso nito.

"Sakit niyo sa puso, ha!" birong sigaw niya sabay tawa ng malakas. Padabog ko namang binitawan ang braso niya "Sira ulo ka talaga!" inis na sabi ko sakanya

"Oh, bakit ka nagagalit?" mataray na tanong niya sakin "Para ka kasing tanga!" sigaw ko. "Love?" bawal sakin ni Amor. Napatingin naman ako kay Amor na para bang nang hihingi ng paumanhin

Napa buntong hininga naman siya sabay harap kay Elezia "Don't worry, Eli. Darating din ang tamang panahon at mahahanap mo din ang lalaking para sa'yo" sabi sakanya ni Amor.

"Maybe you're right, Amori. Pero para sa'kin ang pag ibig ay hindi nahahanap dahil kusa itong dumarating" nakangiti ngunit seryosong turan ni Elezia

"Amori?" nag tatakang tanong ni Amor sakanya. Tumango naman siya "Mmmm, nickname 'yan na ginawa ko para sa'yo dahil binigyan mo din ako ng nickname" magiliw na sabi ni Elezia.

"Sa tingin ko, Friendly ka Eli" si Amor "Oo naman , kaso nga lang ay kayo palang ang kaibigan ko" sagot ni Elezia. So she treated me as her friend already. What a pure heart she has.

"Mamaya na lang pala ako mag papaturo sumakay ng kabayo kay Hexes. Busy siya sa love of his life niya" turan ni Elezia habang taas baba ang kilay niya. Napahagikgik naman si Amor

Tss bentang benta na siya sa Amor ko. "Bye, Eli" sigaw ni Amor sa nakatalikod na si Elezia. Dahan dahan itong nag lalakad papalayo sa pwesto namin.

"Love alam ko na kung bakit siya nagustuhan ng parents mo na pakasalan mo" maya mayang ani ni Amor sakin "Love sinabi ko na say-" she stopped me from talking "I know love, gusto ko lang sabihin kung bakit nagustuhan siya ng mga magulang mo"

Nakangiting sabi niya sakin, hawak hawak ko siya sa bewang habang nag lalakad lakad kami. "Tss, bakit?" nakakunot noong tanong ko "Cause she's so pure love. Kung katulad niya pala ang babaeng mapapakasalan mo ay handa akong mag paraya para sa inyo"

Seryosong sagot niya sakin "Wag mong sabihin 'yan, Amor. Sa'yo ako ikakasal" i reassured. Ngumiti na lang siya sakin

Ilang oras pa kami nag lakad lakad bago ko naisipang ihatid na siya sa kanila dahil baka makita kami ni dad. "Mahal kita, Apollo" saad niya sakin. "Mas mahal na mahal kita, Amor" turan ko

Hinalikan ko siya sa noo niya. Yumakap naman siya sa'kin "Sige na, baka hanapin ka na ni tito Hector. Turuan mo na si Elezia sumakay ng kabayo" sabi niya sakin.

"Hindi ko na siya tuturuan, kung hindi ka komportable na kasama ko siya" paliwanag ko sakanya. Ayokong mag isip siya ng kung ano ano dahil kay Elezia

Ngumiti siya "Ayos lang sa'kin, Apollo. Mabait naman si Elezia, alam kong mapag kakatiwalaan siya" saad niya sakin na para bang kilalang kilala na niya si Elezia.

Ngumiti ako sakanya at yumakap ulit ng mahigpit sakanya "I love you, Amor. Handa akong gawin lahat para sayo" turan ko sakanya. Humigpit din ang pag kakayakap niya sa'kin

"May isang batang nag lalambing" birong sabi niya. Napangiti ako lalo

Matapos kong maihatid si Amor ay umuwi na ako sa hacienda namin. "Apollo, saan ka galing? Kanina kapa hinihintay ni Elezia rito" bungad agad sakin ni dad. "I'm sorry dad. Nag punta lang po ako sa beach malapit sa hacienda na'tin" pag sisinungaling ko sakanya.

The Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now