Chapter 5

13 5 0
                                    

𝐀𝐏𝐎𝐋𝐋𝐎 𝐇𝐄𝐗𝐄𝐒 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎𝐒

"Gusto ko pong ipakilala ang sarili ko sa inyo" magalang ngunit naka yukong sabi ni Amor "Bakit sa tingin mo ba ay mapipigilan mo ang naka takdang kasal ng anak ko?" naka titig na ngayon si dad kay Amor.

Hinawakan ko mula sa ilalim ng lamesa ang kamay ni Amor. Malamig ito at nanginginig na, kabisado ko siya. Kapag ganito siya ay may luha ng nag babadyang tumulo sa mga mata niya

"Hector" pigil ni mom "Oh bakit? Hindi ba totoo naman? Ang babaeng 'yan ang dahilan kung bakit matigas ang ulo ng anak mong 'yan!" sigaw ni dad.

"Hector mahiya ka naman kay Elezia" bulong ni mom kay dad. Mag katabi kami ni mom at katabi ko sa kabilang dulo si Amor kaya nadidinig ko ang bulong niya.

"Bakit ako ang mahihiya? Hindi ba dapat ang anak mong 'yan ang mahiya?" gigil na saad ni dad "Pare sa aking palagay dapat pag usapan niyo 'yan ng kayo kayo lang" suggest pa ni Uncle Benjamin 

"Hindi pare. Dapat lang na naka harap kayo habang nag uusap kami dito, magiging isang pamilya na din tayo" Pigil ni dad, wala naman nagawa si Uncle Benjamin

"Wala ka bang kahihiyan babae ka? Ikakasal na ang lalaking kasama mo dito sa babaeng kaharap mo" turo ni dad kay Elezia, napatingin naman si Elezia sa gawi ko. Tinignan ko siya, akala ko ay pipigilan mo ang tatay mo Elezia? "Tito Hector tama na po, girlfriend po ng anak niyo ang kausap niyo"

Palipat lipat ang mata ni Elezia sa pagitan ni dad at gawi ko. "Love, uuwi na ako" bulong ni Amor. Umiling naman ako

"Wala kayong karapatang sabihin kay Amor 'yan dad! Pumunta si Amor dito para makilala kayo pero ganito ang itatrato niyo sakanya?" sigaw ko pero sinampal ako ni daddy. "Wala kang galang!" mas ma awtoridad na sigaw niya

"Bakit ba ipinag tatanggol mo pa ang babaeng 'yan? Ano bang meron yan na wala si Elezia? Di hamak na mas maganda si Elezia kaysa sa babaeng 'yan. Magalang at mabait din na bata. Bakit nag iinarte kapa tiyan?!" Gigil na sigaw ni dad

"P-pasensya na po t-tito" naluluhang paumanhin ni Amor "Huwag mo akong ma tawag , tawag na tito! Wala akong pamangkin at mas lalong hindi kita gusto para sa anak ko" mariing ani ni Dad

"Pare tama na" pigil ni Uncle Benjamin sabay tingin  sakin. "Sige na iho, ihatid mo na 'yang nobya mo" sabi niya sa'kin.

Tumayo na ako at inalalayan kong tumayo si Amor "Anak" tawag pa sa'kin ni mom pero hindi ko siya pinansin. Agad akong lumabas ng bahay namin habang naka alalay kay Amor.

"Love" tawag ko sakanya sabay harap sakanya. Naka yuko siya at hindi maka tingin sa'kin, nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya "I'm sorry. I didn't expect this to happened" ako

Umiling siya sabay tingin sa mga mata ko. Kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya ng dahil sa'kin "No, it's not your fault. Kung.... K-kung s-siguro noon  pa ako nag pakilala sakanila ay H-hindi ganon ang mangyayari" sagot niya

"Stop blaming yourself hm? Hindi kapa handa non kaya naiintindihan ko" saad ko sabay yakap sakanya. "Hexes!" rinig kong sigaw ni Elezia

Napatingin ako sa gawi niya, hingal na hingal siyang naka hawak sa dibdib niya at parang namumutla, mukhang tumakbo siya para maabutan kami.

Hinintay ko siyang makalapit sa pwesto namin ni Amor, bago ako kumalas sa pag kakayakap dito "Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ko sakanya

"H-hindi ko alam na ganoon ang mangyayari" panimula niya habang hinihingal pa din "I'm sorry, I'm sorry i failed to stop my father" she apologized, again.

The Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now