Chapter 4

17 5 0
                                    

𝐀𝐏𝐎𝐋𝐋𝐎 𝐇𝐄𝐗𝐄𝐒 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎𝐒

"H-hindi kana ba mag papaturo sa'kin kung paano mag patakbo ng kabayo?" bakit ba ako nauutal! Umiling siya "Hindi na, Apollo. Marunong na ako, salamat" nakangiting sabi niya sabay talikod sakin.

"Love what do you want to eat?" tanong sakin ni Amor. Nandito ako ngayon sa bahay niya, wala ang mga magulang niya dito dahil nakatira ang mga 'yon sa Cebu. May kaya din sila ng pamilya niya.

"I want to eat your specialty, of course" I'm talking about her menudo. Masarap siya mag luto non. Kahit araw araw ko 'yong ulamin ay hindi ako mag sasawa

"Love kamusta nga pala ang tungkol sa inyo ni Elezia?" tanong ni Amor "Walang tungkol sa'min" sagot ko "Meron" pilit niya pa.

"Ikakasal kayong dalawa. Alam naba ni Eli ang tungkol ron?" tanong niya sakin. Tumango ako "Yes, pero she's also against in that plan" sagot ko habang nakaupo sa lamesa.

I'm watching Amor, cook. Napakaganda niya kahit likod pa lang, "Love , what if mainlove ka kay Elezia dahil ipinag kasundo kayo?" her question is so sudden.

Napakunot ang noo ko habang naka titig sa mga ginagawa niya. I crossed my arm "That will never be happen, no one can replace you from my heart" sabi ko sabay yakap sakanya mula sa likod.

Natawa naman siya "Paano kung hilingin ko sayong, pakawalan mo na'ko at mag pakasal na lang kay Elezia?" tanong niya habang nag hihiwa ng patatas.

"Anong pinag sasabi mo? Buo na ang desisyon kong ipag laban ka kay dad, Amor" sabi ko sakanya "Pero paano si Elezia, love? Ano ang sasabihin ng pamilya niya sa pamilya mo" nag aalalang saad niya.

"Wag mo ng problemahin 'yon, ako ang haharap sa galit ng pamilya ni Elezia sa pamilya ko" matapang na saad ko "About Elezia, paano siya?" tanong niya sa'kin

"Elezia's strong. She can handle herself. She's independent" totoo naman na matatag na babae si Elezia. Parang kahit anong problema ang harapin niya ay ngingitian lang niya mawawala na.

"Love, i already decided" maya maya ay turan niya habang nag hahanda ng kakainin namin sa mesa "Decided for?" tanong ko sakanya "Handa na akong harapin ang magulang mo" nakangiting sabi niya sakin

"Talaga?" masayang sabi ko. Mukhang hindi nga mangyayari sa'min ang kwento nila Lolo. Erase, bakit ba iyon nanaman ang pumapasok sa isip ko. "Pagkatapos na'tin kumain , gusto mo bang pumunta na tayo sa hacienda namin?"

Agad agad na tanong ko sakanya, natawa naman siya "Excited?" masayang tanong niya. "Syempre naman baka mag bago pa ang isip mo"

Paniniguro ko "Hindi na mag babago ang isip ko, Apollo" sabi niya sakin.

"Apollo, sige na umuwi kana sa inyo, baka hinahanap kana nila tito" natatawang ani ni Amor sa'kin. Naka siksik ako ngayon sa bewang niya habang nakaupo siya. "Ayoko pa" pag pupumilit ko

Ayoko pang umuwi. Gusto ko pa siyang makasama ng mas matagal "Sige na, Apollo. Bukas naman ay pupunta na ako sa inyo" pangungumbinsi niya sakin

"Ang tagal pa ng bukas" ingit ko sakanya , yumuko siya para maabot ang mukha ko. "Come on love! Get up na" pilit niya sakin, napilitan naman akong bumangon dahil pinipilit niya ako

Napabusangot ako, natawa siya habang inaayos ang buhok ko "Tss parang bata!" saad pa niya. "Love naman" maktol ko.

"Don't worry love hindi kita tatakasan, hmm?" paninigurado niya sa'kin. Hinawakan niya ang parehong pisngi ko habang dahan dahang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hinalikan niya ako sa labi

Ramdam ko ang malalambot niyang labi sa labi ko. Mukhang hahanap hanapin ko 'yon. Hindi tumagal ang pag halik niya sa labi ko at agad din niyang inilayo ang mukha niya sa'kin.

The Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now