Chapter 7

21 5 0
                                    

𝐀𝐏𝐎𝐋𝐋𝐎 𝐇𝐄𝐗𝐄𝐒 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎𝐒

"PUMASOK ka muna sa loob. Dito kana mag hapunana" anyaya sakin ni Elezia. Nakauwi na kami at nandito kami ngayon sa tapat ng bahay nila. Malawak ang lupang kinatatayuan ng bahay nila at maraming tanim na mga halaman at bulaklak.

Iba't ibang klaseng bulaklak ang nandito, iba-iba rin ang mga kulay. Naka organize ito ayon sa kulay nila. Hacienda din ito, ngunit mas malaki ang sa amin.

Umiling ako sa sinabi niya "Hindi na, nakakahiya kay tito Benjamin" nakangiting ani ko. "Wag ka mahiya kay daddy. Si daddy yung tipong kapag okay na ako sa isang tao, okay na din siya" wika niya sakin. Mabait ang magulang ni Elezia kaya hindi ako nagtataka na mabait din ito.

"Apollo.. Elezia..., mag kasama pala kayong dalawa iha?" napalingon kaming dalawa nang may nag salita galing sa pintuan ng bahay nila. Si tita Eleria... Agad akong lumapit sa gawi nito upang mag mano "Kawaan ka ng diyos." dinig ko sabi ni tita Elaria nang magmano ako.

"Sinong nandyan, Elaria?" papalapit ang boses na tanong ni tito Benjamin. Shit! Nakakahiya.. Huli na ang lahat para hindi makapag tago pa ako. "Oh, Apollo.. iho. Nagkita na pala kayo ni Elezia" nakangiting bungad nito. "Anong ibig mong sabihin, daddy?" nag tatakang tanong ni Elezia.

Lumapit ito sa ama at yumakap. "Itong si Apollo kanina ay nag tatanong.. kung saan ka raw bumili ng aklat. Pasensya kana anak.. sinabi ko kung saan ka bumibili" tumatawang ani ni Tito Benjamin at parang natatakot sa anak.

Pabiro namang sinamaan ng tingin ni Elezia ang ama. "Daddy naman eh! Bakit mo po tinuro!" pagmamaktol nito na parang bata na ikinatawa ng mag asawa. "Sorry na anak" panunuyo ni tito Benjamin sa anak "Aking nararamdaman lamang na gusto kang puntahan nitong si Apollo kaya aking sinabi" pagdadahilan nito.

"H-ha?.. T-tito hindi ah" singit ko sa sinabi ni tito Benjamin sababy tingin sa sahig. Ganda pala nitong lupa nila, ilipat ko kaya 'to sa hacienda namin? Hehehehe... "Aha!" napalingon ako kay Elezia.. Dahan dahan itong lumingon sakin na parang robot.

"Sabi na nga ba Apollo eh, hindi ka talaga makakapag sinungaling sakin." sabi nito sakin. Pag sisinungaling naba yung pag dadahilan? "Oh siya.. tama na iyan. Pinag tutulungan niyo itong si Apollo" sambit ni tita Elaria sabay kapit sa braso ko.

"Dito kana kumain ng hapunan. Nag luto ako" nakangiting ani ni tita Elaria. Si tita Elaria ay close ni mommy. Mag kaibigan din sila. Na napangasawa ang mag kaibigan din. Kung titingnan ay halos walang pinagkaiba ang itsura ni tita Elaria at Elezia. Parang batang bersyon lang ni tita Elaria si Elezia.

"Mommy sabi niya ayaw daw po niya ng luto mo" Elezia pouted as she tells it to her mother. Lumungkot ang mukha ni tita Elaria "Totoo ba iyon, Apollo?" malungkot na ani nito. "Hindi po ah! Mapag biro lang po ang anak niyo!" agad kong sabi. Nakita ko ang lihim na ngisi ni Elezia, babawian talaga kitang babae ka!

"Kung ganon, dito ka kakain!" masiglang ani ni tita Elaria. Hindi maipag kakailang mag nanay nga sila. Bukod sa mag kamukha ay pareho din silang moody!

Hihilahin na sana ako ni tita Elaria ng may maalala ako "Saglit lang po tita, may kukuhanin lang po ako sa kotse" paalam ko rito. Nakalimutan kong ilabas yung mga pinamili ni Elezia na mga libro. "Sige, hihintayin kana namin. Sabay na tayo pumasok sa loob" nakangiting wika ni tito Benjamin.

Si tita Elaria naman ay lumapit sa anak at may ibinulong rito, na agad namang ikitinango ni Elezia at nag lakad papasok sa loob. Isasarado ko na sana ang pinto ng sasakyan ko, nang may marinig akong kalabog. Kasunod ay ang nag aalalang sigaw ni tita Elaria "Elezia! Anak!" mabilis akong napalingon ata agad na tumakbo papasok sa loob ng bahay nila.

Nabitawan ko ang mga librong pinamili namin ni Elezia. Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko itong naka handusay at walang malay na mamumutla.

Kitang kita ko ang pag aalala ni tita Elaria sa anak habang tinatapik ang pisngi nito para magising. Ngunit wala iyong epekto "Buhatin niyo siyaaa!" nag aalalang sigaw ni tita Elaria sa mga tauhan ni tito Benjamin.

The Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now