Chapter 9

24 5 0
                                    

𝐀𝐏𝐎𝐋𝐋𝐎 𝐇𝐄𝐗𝐄𝐒 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎𝐒

"Sir Apollo, saan po natin ilalagay yung ibang stock na dumating?" tanong sakin ng trabahador ko. Nandito ako ngayon sa pagawaan namin.

"Doon na lang po siguro sa isang bodega" turo ko sakanya. Naisipan kong dumalaw at pumunta dito sa pagawaan upang bumisita. Ayon sa assistant ko ay maayos naman ang nagiging takbo ng negosyo namin.

Lalo na iyon dahil kasosyo namin ang pamilya Vaugh sa negosyo.

Pag dating sa larangan ng negosyo ang pamilya Vaugh ang nangunguna. Malakas at matatag ang foundation ng business nila kaya, mahihirapan ang ibang mapabagsak sila ng basta basta.

Pagkatapos kong pumunta sa pagawaan ay dumeretso ako sa kwadra ng mga alaga ko.

"Kamusta Heris?" nakangiti kong tanong sa kabayo ko, habang hinihimas ang buhok nito. Gumawa ito ng ingay kaya nasisiguro kong sinagot ako nito.

Ilang linggo ko na ring hindi na eensayo sa pag takbo si Heris kaya naisipan kong sumakay rito at patakbuhin. "Hayaa!" sigaw ko upang bilisan pa nito ang pagtakbo.

Hindi ko inilalaban sa karera ang mga kabayo ko pero gusto ko ang ma exercise sila. Alaga ko na sila noong 11 years old pa lang ako. Iniregalo ito sakin ng lola ko dahil gusto niya na manahin ko ang pagiging mahilig sa kabayo ng lolo ko.

My grandfather loves to play horse race. I can't be like him. I have so much pity to Heris, Apple and Ello. Yup, i have three horse and one of them is female.

Malawak ang lugar kung nasaan ang kwadra ng mga kabayo namin. Maaari pang pagtayuan ng isa pang mansion. Pero wala pa iyon sa plano ni daddy. Ang sabi niya ay gusto niya ipamana samin ni kuya ang lupang ito.

Heris ran as he can do, until i had to stop him because i saw a familiar figure. Dalawang kanto ang layo ko mula rito. Naka soot ito ng puting bistida at brown boots. Nakaladlad rin ang mahaba niyang buhok na dahan dahang hinahangin.

Nakatanaw ito sa lawa kung saan may mga tanim na mga bulaklak sa gilid nito. Ang kamay nito ay nasa kanyang likod, seems like no one can bother her.

Dahan dahan akong bumaba kay Heris at itinali siya sa puno ng Narra. Nag lakad ako papalapit rito at huminto ng dalawang dipa na lang ang layo ko. Huminto ako sa isa pang puno kung saan malapit sa lawa.

Napangiti ako sa sarili ko. Sa sobrang pag mumuni niya ay hindi manlang niya namamalayan na nandito na ako.

"Elezia" malumanay pag tawag ko sakanya. Umangat naman ang ulo niya ngunit hindi pa din siya humaharap sakin.

Ilang minuto ang nag daan bago siya dahang dahang humarap sakin.

Tila kumakampi sakanya ang hangin dahil maayos nitong inaalon ang buhok at bistida niya. Tumingin siya sa mata ko at kita ko ang pag tama ng sinag ng araw sa mata niya. Dahilan para makita kong muli ang magandang kulay ng mata niya.

Dahan dahan itong ngumiti sakin. "Hexes? Bakit ka nandito?" tanong nito sakin. Matagal tagal na din nang marinig ko siyang tawagin ako sa pangalawang pangalan ko. "Hindi ba't ikaw dapat ang tinatanong ko niyan?" balik ko sakanya.

Tumango siya "Tama ka" mahinang ani niya. "Gusto ko lang mag pahangin, gusto ko mag basa ng libro kung saan tahimik at walang gagambala sakin" sagot niya. Nakita ko siyang nag lakad patungo sa isang puno.

Nakita kong may nakalatag na manipis na kumot doon. Nakapatong ang mga libro, may pagkain at tsaa din. Naupo siya roon, at nag simulang buklatin ang libro. Balewala sakanya kung nandito ang presensya ko, bago sakanya ang ugaling ganito.

The Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now