Chapter 6

20 4 0
                                    

𝐀𝐏𝐎𝐋𝐋𝐎 𝐇𝐄𝐗𝐄𝐒 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎𝐒

"APOLLO?" napahinto ako sa pag lalakad nang may tumawag sakin, ang boses ay nang gagaling sa likuran ko. Hindi pako humaharap ay alam ko na kung kanino ang boses na iyon.

Naistatwa ako sa hindi ko malamang dahilan. Kung kanina ay atat na atat ako mahanap siya, ngayon naman ay parang gusto ko na umuwi. "Humarap kana, sige na" muling wika ni Elezia.

Napalunok ako at napapikit ng mariin. Dahan dahan akong umikot para harapin siya, ngumiti ako upang maitago ang hiya ko sakanya. Sino ba naman ako? Pagkatapos ng mga sinabi ko sakanya ay ang kapal naman ng mukha ko para harapin siya.

Nakita ko ang pag daan ng kuryosidad sa mga mata niya bago siya nag salita "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin. Patay....bahagya akong tumingala para mag isip ng idadahilan. Ayoko naman sabihin na siya ang sinadya ko, baka ano pa isipin niya.

She chuckles softly "Siguro, hinanap mo talaga ako dito, no?" tanong niya habang nag tataas baba ang parehong kilay. Mas inilapit niya pa ang mukha niya sa harap ko, kaya bahagya kong ini-atras ang mukha ko.

Napalunok naman ako dahil sa ginawa niya "H-ha? A-ano.. hindi ah!" agad kong sagot, na mas lalong ikinangisi niya. Inilayo naman na niya ang mukha niya sa mukha ko "Weh?" tanong niya sabay halukipkip "Siyaka kana mag deny kapag hindi na namumula tainga mo, Apollo Hexes Santos" dagdag pa niya.

Kailangan paba niyang banggitin ang buong pangalan ko? Tsk tsk! "O-oo na! Oo na!" pag amin ko sakanya, nawala naman bigla ang mga ngiti niya. Kaya muli akong nag salita "Mali yang iniisip mo." saad ko sakanya sabay iwas nang aking tingin.

"TALAGA?" tanong niya "Sa totoo lang, wala na sakin yung nangyaring 'yon" naka ngiti niyang saad. Nandito pa rin kami ngayon sa bahay aklatan ni Matilda, naka upo kami kung saan, pwede maupo ang mga gusto mag basa ng binili nilang mga aklat.

"Hindi rin kita masisisi kung bakit ganoon ang naging reaksyon mo" dagdag pa niya. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka, nag tataka akong hindi siya nagalit sa mga sinabi ko sakanya. "I know you understand my side, Elezia. Pero gusto ko pa rin humingi ng paumanhin sa hindi magandang inasal ko. Hindi tama na naibunton ko sayo ang init ng ulo ko kila dad, i'm sorry" napa buntong hininga ako syaka ko siya tinignan.

Kanina pa siya naka titig sakin at inoobserbahan ang itsura ko. Pero ayos lang, baka iyon ang paraan niya nang pag tingin kung sincere ba ako sa mga sinasabi ko.

Tinitigan ko siya mula sa mata, bago muling nag salita "Besides, balewala na rin naman kung magalit ako sayo" huminto muna ako, hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sakaniya ang tungkol samin ni Amor. Pero bahala na "Amor broke up with me." maikling sabi ko.

Ilang minutong katahimikan bago siya nag salita "Totoo?!" tanong niya, she looks happy. "Tss! Masaya kapa!" asar na sagot ko sakanya, pinandilatan niya muna ako ng mata bago siya nag salita "Hindi ah! Bakit naman ako magiging masaya, nag hiwalay kayo ng Amori ko" malungkot na ani niya.

Amori ko..walang sayo! "She's not yours" may bahid ng inis na sabi ko sakanya. Napatawa naman siya "Okay, if i can't have her. I'll have you instead" seryosong sagot niya sabay inom ng hot chocolate. Baliw na talaga 'tong babaeng 'to.

"No, seriously. She broke up with me, she sacrifice our relationship" seryosong sabi ko kay Elezia. Bakit Amor? Bakit kailangan moko iwanan para sa kapakanan ng iba? Bakit mo sinakripisyo ang pag mamahal mo sakin, para sa iba? She left me.

No... She dumped me.

"Do you want her, back?" seryosong tanong ni Elezia sakin, habang seryoso din siyang naka titig sakin. Tumango ako "Yes." i badly want her back. "Pasensya kana, Apollo. Baka kasalanan ko nga talaga" naka ngiti siya pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.

The Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now