Chapter 1: I'm Sorry

2.1K 24 15
                                    

Revised version na po 'to kasi nawala 'yong una. Please 'wag po ereport, mahirap po gumawa ng story. :(
*****
Clemensia.

"Hingang malalim. Kaya mo 'yan, Clemensia. Hindi naman sila nangangain," kausap ko sa sarili ko.

Napakagat ako sa aking kuko habang nakatanaw sa malaking gate na nasa harap ko. Ilang segundo muna akong nakipagtalo sa sarili ko bago ako nagpasyang pindutin ang doorbell.

"Ano 'yon, eneng?" Bungad sa akin ng isang matandang babae na tantsiya ko ay nasa sixty na 'yong edad. May hawak ang payat niyang kamay na walis tingting at dustpan.

Ang hanggang balikat niyang buhok ay ubanin na. Maliit siya kumpara sa akin. Bagaman may kalubutan na ang kaniyang mukha, maaliwalas pa rin iyon at welcoming.

Isang mabait na ngiti ang ginawad ko sa kaniya. "Ako po si Clemensia Delgado."

"Ikaw 'yong anak ni Clara? Halika, pasok ka. Kanina ka pa hinihintay ng Tita Cassandra mo. Kanina pa 'yon pabalik-balik para tanungin kung dumating ka na."

Nawala bigla ang kaba at tensyon na nararamdaman ko kanina. Sumunod ako sa matanda. Binaybay namin ang sementado na daan. Tumigil kami sa  bungad ng bukas na dooble door na pintuan ng mansion.

"Clemensia!" tuwang-tuwa na bati sa akin ni Tita Cassandra. Kababata sila ni Mama Clara.

Sinuhestiyon ni mama na sa kanila lang muna ako manirahan para may kasama ako. May out of town kasi sila ni Papa Piero. Walang exact date kung kailan sila babalik. Ayaw ko naman magpag-isa sa bahay namin dahil matatakutin ako.

Hindi ako makatutulog ng maayos doon sa isipang mag-isa lang ako. Kaya heto, nilunok ko ang kahihiyan ko para makitira sa kanila. Hindi naman ako magtatagal dito. Mabuti na lang mabait si Tita Cassy kasi pumayag siya noong pakiusapan siya ni Mama Clara.

"Welcome to our humble abode, Clemensia. Huwag ka sanang mahiya sa amin. Dapat feel at home ka lang. Ayaw namin tumanggap ng mahiyain dito," biro niya sa huling sinabi.

Napahagikhik naman ako. Tumawag siya ng katulong para sa magbubuhat ng travelling bag na hawak ko. Agad ko naman iyon tinutulan dahil hindi naman gaanong mabigat. Hindi na nag-insist pa si Tita at hinayaan na lang ako. Dinala niya ako sa isang malawak na guestroom.

"Nagugutom ka ba?"

Umiling ako. "Hindi pa po, kumain muna ako sa amin bago ako pumunta rito. Medyo pagod lang po dahil sa mahabang byahe."

"Ganoon ba? Magpahinga ka muna, Clem. Kung may kailangan ka, nasa labas lang ako. Maiwan na muna kita rito para makapag-rest ka."

Ngumuti ako at tumango. "Sige po."

Nang umalis siya ay pinatong ko agad ang travelling bag ko sa isang wooden sidetable. Binuksan ko ang zipper niyon para maghalungkat ng maaari kong suotin. Medyo nanlalagkit na kasi ako sa pawis ko.

Hinablot ko ang isang puting saya na abot hanggang sa ibabang tuhod ko at black fitted sando. Hinubad ko nang mabilisan ang suot kong smock dress at nagpalit ng kinuha ko. Maginhawa na rin sa wakas ang pakiramdam ko.

Hinila ko paalis ang itim na panali para ilugay ang hanggang balikat na buhok. Nagtungo ako sa queen sized bed at pabagsak na humiga.

RedCollar Series #5: Apallas VillatileWhere stories live. Discover now