Chapter 9: Contract

121 7 0
                                    

Clemensia.

Lumabas ang tawa sa labi niya. "It's for penis, flower. Ginagamit 'yon para sa safe sex o proteksiyon upang maiwasan ang maaaring maging dahilan ng unwanted baby. Lalo na kung hindi ka pa handang mabuntis."

"G-Gagamitin natin 'yon?"

Uminit ang mukha ko sa sariling tanong. Bigla ay parang gusto ko na lang hampasin ang sarili. Are you serious, Clemensia? Huwag ka naman masyadong pahalata.

There's a mischievous gleam in his eyes as he grinned wickedly. "You're really serious about giving yourself to me, huh?"

"Wala naman akong sinabi," agad kong pinagkaila. Lumawak naman ang kaniyang ngisi.

"Ang bilis mo naman makalimot, bulaklak." Umuklo siya upang paglapitin ang aming mukha. Ang mabango at mainit niyang hininga ay tumama sa pisngi ko.

Sumeryoso siya saka mariin akong pinakatitigan. "Alam mo ba kung ano ang ayaw ko sa lahat?"

"A-Ano?"

"Liar," pagdidiin niya.

Matagal siyang napatitig sa akin. Para bang kumuha muna siya ng pagkakataon na memoryahin ang detalye ng mukha ko. Hinawi niya ang hibla ng buhok na nakatabing sa aking mukha.

"Try to lie again, flower. Sabihin mong wala kang sinabing handa kang ibigay ang sarili mo sa akin. Alam mo naman na siguro kung paano ako magparusa, hindi ba?"

Napalunok ko.

Hindi ko alam kung aling side ba niya ang mas gusto ko. The gentle or the dangerous one? Nahirapan tuloy ako bigla na mamili. Siguro kahit alin man, talagang malakas ang dating at epekto sa akin.

"I'm serious about giving myself to you, Apallas," bagkus ay buong tapang na sabi ko. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. Gusto kong ipakita ang kaseryosohan ko.

Kung si Apallas lang naman ang mapag-aalayan ko ng sarili, bakit hindi? Gusto kong sa kaniya ako unang makararanas, hindi sa iba.

Aminado akong masyado akong nagpapadala sa curiosity ko. Pero anong magagawa ko? Ako iyong tipong hindi titigil hangga't may gustong malaman na mga bagay na hindi ko gaanong alam.

At batid kong mapupunan lang ang kuryusidad ko sa tulong ni Apallas. Mayroon man siyang delikadong aura, sa kaniya lang ako nakadarama ng kapanatagan.

I can't imagine myself being intimate with someone aside from him.

He looks taken aback. Tila hindi niya inaasahang sasabihin ko iyon ngayong nasa wisyo ako. Mabilis naman siyang nakabawi. Umarko ang labi niya para sa isang ngisi.

"How willing are you? Are you willing to sign a contract?"

Natigilan ako. "Contract?"

"Yes, it's a BDSM contract to be exact. You see, I'm not into casuals sex, flower. I want to be in control of everything while my partner is submitting to me. If you're really that willing to give yourself..." he paused.

Gamit ang hintuturo, bahagya niyang inangat ang aking baba.

"You should sign a contractual agreement first. I want not only your body, but also your full consent and trust. The last thing I want to happen is to own you against your will," he continued, his voice low and husky.

May kung ano sa tinig niya, na dahilan kung bakit natagpuan ko na lamang ang sarili na pumayag. Alam kong masyadong mabilis at parang padalos-dalos ako sa desisyon ko dahil bago sa akin ang mundo niyang papasukin ko. Pero bahala na, ang mahalaga'y may tiwala ako sa lalaking susukuan ko ng sarili.

"Wow naman, iba ang glow natin ngayon, ah! Ano'ng sekreto mo?"
bungad sa akin ni Addison nang dumating ako sa napag-usapan naming coffee shop.

Nilapit pa talaga niya ang mukha niya sa mukha ko para bahagya akong obserbahan. "Nakipag-jugjugan ka, no?"

"Adi! Ano ka ba?" Napalinga ako sa paligid. May mga tao pero buti na lang ay malayo sila mula sa puwesto namin. "Nakakahiya!"

Humalakhak siya. "Baka naman, in love ka?"

Ngumuso ako at bahagyang nag-init ang pisngi ko nang pumasok sa isip ko ang imahe ni Apallas.

Matapos ng napagkasunduan namin, hinayaan lang muna ako nitong mas makapag-isip. Sakto rin niyon na nag-message sa akin si Addison na magkita kami rito sa coffee shop. Pinaunlakan ko naman agad ang babae  dahil kapag hindi ako makalayo kahit sandali kay Apallas, bumigay na talaga ako rito.

"Hulaan ko, inlababo ka sa super hawt na Fafa na nanghila sa 'yo sa Leather Lounge, 'no?"

Tumaas-baba ang kaniyang kilay bilang panunukso. Bahagya kong inipit sa likod ng aking tainga ang hibla ng buhok kong nasa gilid ng aking mukha. Kinagat ko ang  ibabang labi at walang ligoy na tumango. Tumili naman siya sa kilig, walang pakialam kahit pa nilingon siya ng ibang tao dahil sa ingay na ginawa niya.

"Dalaga na siya, ayieee! Kumusta naman sa bed? Satisfied ka ba?"

Mas lalong uminit ang aking pisngi. Ang magkabilang bahagi niyon ay tinakpan ko ng aking mga palad. Pakiramdam ko nga ay maihahalintulad na sa kamatis ang pamumula ng mukha ko ngayon. Bulgar kung bulgar naman kasi itong kaibigan ko.

"Adi! Ano bang klaseng tanong 'yan?!" impit kong saway.

Tumawa siya sa naging reaksyon ko. "Para kasing nambabalibag sa bed ang itsura no'n," untag pa niya, ayaw talagang tumigil.

Kinagat ko ang ilalim ng aking labi. Nambabalibag? Hindi ko pa naman nararanasan iyon. Pero ang maposasan at masinturon? Kung alam mo lang, Adi.

"Uhm, hindi ba BDSM relationship iyong mayroon sa inyo noong lalaking ipinakilala mo sa akin? Puwede mo bang ikuwento sa 'kin kung paano nagwo-work 'yong ganoong relasyon?" pagbabago ko ng usapan. Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Huwag mo sabihing interesado ka na sa ganoong practice?" hindi makapaniwalang tanong niya sa tonong may bakas na excitement.

"I-I am just curious," pagkaila ko.

"Asus! Nahihiya ka pa sa akin.
It's just me, dear," sambit niya habang may nakalolokong ngisi sa labi.

"Well, it's actually simple how a BDSM relationship works.
Una sa lahat, kailangan mo muna mahanap ang tamang dominant na mapagkatitiwalaan mo at gagabay sa 'yo."

"You have to keep in mind that in BDSM, consent, respect, commitment, and trust are very important. Kaya kapag nahanap mo na ang taong iyon, dapat magkaroon kayo ng kontrata para roon."

Naalala ko bigla iyong kontrata na inalok sa akin ni Apallas na nais niyang pirmahan ko muna. Bigla ay namangha ako sa kaalamang hindi lang pala basta-basta ang pagkakaroon ng ganoon na relationship. Ibang-iba siya sa normal na relasyong alam ko.

"Pagdating naman sa role play sex, pwede niyong pag-usapan iyong role niyo. Depende kasi 'yan, ang iba'y pwede'ng magpalit ng dominant role at submissive role, at ang tawag diyan ay switches. Mayroon ding ibang Dominant na mas prefer iyong submissive lang ang partner niya or slave. 'Yan ang klase ng dom na mas gustong laging sila lang ang may kontrol."

"Magkapareho lang ba ang slave at submissive?" kuryuso kong tanong.

"Nope. Pareho lang sila na kusang-loob binibigay ang lahat ng control sa dominant. Ang pagiging submissive ay madalas na panandalian lang kasi mas may freedom ang ganiyang role. Puwede pa rin ang submissive makipagsundo sa dom kung gusto niyang makipag-switch ng role. May kalayaan pa rin patigilin ang dom kung hindi na kaya ang intense play through safe words."

"Samantalang sa pagiging slave naman, dapat mayroong long-term commitment na isuko ang kontrol sa dominant o master niya. Ang slave ay dapat expected na sumunod sa mga stricter rules, at commands. Full control dapat ang master, and the slave should have no say."

©Lethal_Arian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RedCollar Series #5: Apallas VillatileWhere stories live. Discover now