Clemensia.
Nang makita niya ang nangingilid kong luha ay lumambot ang tingin niya sa akin. Binitiwan niya ang chain. Suminghap ako nang ilapit niya ang mukha sa gilid ng leeg ko para tingnan ang pagtanggal niya ng choker. Nang lumayo siya sa akin ay doon ko napagtanto na nagpipigil pala ako ng hininga.
Kinuha niya ang mga toys sa mesa saka walang imik na tumalikod para maglakad palabas ng kwarto ko. Napaupo ako sa kama dahil tila nawalan ako ng lakas sa mabigat niyang presensiya. Pinalis ko ang tuyong luha ko at napakibot ang labi.
Dapat hindi na lang ako nangialam. Nagalit tuloy siya sa akin. Gusto ko humingi ng pasensiya pero parang nawalan na ako ng lakas ng loob na harapin siya ulit. Nakatatakot makita ang galit niyang mata.
"Ayos ka lang ba, Clemensia?" tanong ni Tita Cassandra.
Nasa hapag na kaming lahat para kumain ng dinner maliban kay Kuya Apallas. Hindi ko alam kung nasaan siya. Ang sabi ng nakababatang kapatid niyang si Javier ay umalis daw na hindi nagpapaalam.
"Ayos lang po ako, Tita Cassy," tugon ko. Sinubo ko ang spoonful of food at pilit iyon na nilunok.
Sa totoo lang ay wala akong gana. Kaya siguro iyon ang natanong ni Tita. Napansin niyang ang lanta kong kumain."Miss ko lang po sina Mama," half true kong sinabi. Totoo namang nangungulila ako sa family ko kahit dalawang araw pa lang simula noong umalis sila. Pero hindi iyon 'yong main reason kung bakit wala akong gana ngayon.
Naiisip ko pa rin 'yong galit na mukha ni Kuya Apallas. Hindi ako sanay na may taong galit sa akin. Idagdag pa na hindi pa nga kami gaanong nagkumustahan tapos iyon na agad nangyari sa muling pagkikita namin.
"Miss ka na rin ng mga iyon. Kaunting hintay lang sa kanila, Clem. Babalik din naman ang mga iyon. Hindi ka rin nila matitiis. Paniguradong uwing-uwi na sila."
Hindi ko maiwasang mapangiti. Tita really never fail to make me smile. Ang dali niyang magpagaan ng loob gamit ang mga words niya. Mabuti na lang hindi siya katulad ni Tita Calla. Kapatid iyon ni Mama Clara na masama ang ugali. Matapobre kasi iyon saka mapangmata. Sa lahat ng tita ko, iyon ang pinakaayaw ko sa lahat.
"Mga katulong na ang bahala magligpit ng mga pinagkainan natin, Clem. Huwag ka nang mag-abala. Baka mamaya sabihin ni Clara inaalila na kita rito," narinig ko sa kaniyang tono pagbibiro sa huling tinuran.
"Hindi 'yan, 'ta. Sanay naman na po ako sa mga gawaing bahay. Ako 'yong madalas kumikilos sa amin. Pareho kasi silang busy sa mga negosyo nila. Minsan, ako na lang 'yong nagkukusang loob."
"Pinagtatrabaho ka sa inyo ng magulang mo? Hindi ba kayo kumuha ng katulong?"
Umiling ako saka natawa. "Hindi naman po namin kalevel 'yong yaman niyo, tita. Madalas sa mga katulad naming nasa middle class ay hindi na kailangan iyon. Simple lang namang mga gawain iyon. Mas mabuti 'yong hindi na kami nagpapasweldo pa."
Napatango siya. "Kaya pala, hindi ka lang pala maganda, Clemensia. Mabait at masipag ka rin," ngiti niya na ikinapula ng pisngi ko.
"Tita!" saway kong bulalas, nahihiya.
Tumawa siya sa reaksyon ko. Pinakatitigan niya ako na parang nanghihinayang. "Parang gusto tuloy kitang maging anak. Ano kaya kung ampunin na lang kita?"
Napahalakhak ako sa biro niya.
"Iyon ay kung papayag si mama," pagsakay ko.Lumabi siya. "Ang swerte talaga ni Clara na nagkaroon siya ng babaeng anak. Gusto ko sana ng baby girl din para mayroon akong kasundo sa mga girly stuffs."
"Swerte rin naman po kayo kasi biniyayaan kayo ng tatlong anak. Gusto sana namin ni mama na may kapatid pa ako. Kaso hindi na ako nasundan."
Napangiti siya. "Tama ka, swerte pa rin ako kahit na minsan ang titigas ng mga ulo ng tatlong iyon.
Mabuti nga'y nagseryoso 'yong si Apallas noong napunta siya sa States. Alam mo naman kung gaano kapasaway iyon noong mga bata kayo. Puro cutting classes ang inaatupag. Ngayon, tingnan mo nga naman, ang bilis lang ng panahon. Malaking pangalan na ang nagawa niya sa industriya."Sumilay ang ngiti sa aking labi kasi nakikita ko 'yong pagiging proud niya sa kaniyang panganay. Balang araw makikita ko rin na ganiyan kaproud sa akin si mama.
Pagsusumikapan ko talagang matupad 'yong pangarap ko sa buhay.Minsan nang sinabi sa akin ni mama na wala siyang ibang hangad kundi makita ang mga tagumpay ko. Alam kong marami pang pagtitiis ang dapat kong kaharapin para maabot iyon.
Pero hindi magiging hadlang ang kung ano mang mga struggles na iyon sa akin. Mama said na kapag may kagustuhan tayong marating, matuto tayong humakbang sa mga hirap at tanggapin natin na hindi madali ang lahat. Iyon ang palagi kong pinanghahawakan, lalo na ngayo'y nasa first year college na ako.
Natuwa ako sa pag-uusap namin ni Tita Cassandra. Parehong hindi namin namalayan na malalim na ang gabi. Ang anim na taong gulang na anak niyang si Javier ay nakatulog na lang sa sofa roon sa living area dahil sa panonood ng palabas. Agad naman inasikaso ang bata ni tita nang matapos ang mahabang usapan namin about random things.
Papunta na ako sa kwarto ko nang makarinig ako ng parating na ugong ng sasakyan. Tumigil ang huni no'n kasunod ang tawanan ng mga baritonong boses. Agad akong nagtago sa pader sabay silip doon sa bungad ng pinto.
Nakita kong pinagbuksan iyon ni tita saka pinapasok ang anim na mga naglalakihang kalalakihan. Kabilang doon si Kuya Apallas na nangunguna. Nakapameywang si Tita Cassy sa anim. Tila tumatalak siya ng sermon ngayon. Sa dulo ay nakita ko siyang napapailing bago sila lisanin.
Napahugot ako ng hininga nang dumako ang mata ni Kuya Apallas sa gawi ko. Para bang alam niya na kanina pa ako rito nakamasid sa kanila mula sa pinagtataguan ko. Para akong nahuli sa akto na nagnanakaw nang kumabog ang puso ko nang matindi. Umatras ako at tumakbo patungo sa aking silid.
Patihaya akong humiga sa puting malambot na kama. Pinagmasdan ko ang puting kisame. Handa na sana akong tangayin ng antok nang marinig kong may marahan na kumatok sa pinto ng aking kwarto. Tumayo ako. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang matangkad na lalaki na may pares na tila abong mata.
"K-Kuya Apallas, bakit po?" utal na tanong ko. Nakatingala ako sa kaniya, habang siya ay medyo nakayuko sa akin. Hindi man siya gaano kalapit, amoy na amoy ko ang panlalaki niyang halimuyak.
"Gusto ko lang humingi ng pasensya sa inasal ko kanina, Clemensia. Hindi ko sinasadyang magalit sa 'yo," seryoso niyang sabi.
Hindi ko man mabasa ang mata niya, alam kong sinsero siya. Parang may kung anong paru-parong nagsiliparan sa aking tiyan. Ang matamis na ngiti ay kumawala sa aking labi.
"Okay lang po 'yon, Kuya Apallas.
Pasensiya na rin po kasi hindi muna ako nagpaalam bago ko galawin 'yong gamit mo."Tumango siya. "Good night."
Tumalikod na siya. Parang ayaw ko muna siyang umalis. Hindi ko napigilan ang sarili kong hawakan ang dulo ng damit niya. Hindi natuloy ang paghakbang niya sa ginawa ko.
"K-Kuya, puwede mo po ba akong tabihan matulog? Katulad no'ng dati?" maingat na untag ko.
Hindi kasi ako sanay na walang katabi. Lalo pa't minsan akong binabangungot. Madali lang naman sa akin ang makatulog, kaso'y natatakot ako na baka walang gumising sa akin kapag nasa kalagitnaan na ako ng bangungot. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ayaw kong mapag-isa.
"Hindi na tayo mga bata katulad noong dati, Clemensia. Dapat alam mo na hindi dapat nagtatabi ang babae at lalaki sa iisang kwarto."
Binitiwan ko ang damit niya saka napatungo na lang. Mapait talaga sa pakiramdam na harapan kang tinatanggihan. Napabuntong na lang ako ng hininga.
"Ganoon po ba? Sige, tulog na po ako." Dahan-dahan kong sinara ang pinto. "Good night, Kuya."
©Lethal_Arian.
YOU ARE READING
RedCollar Series #5: Apallas Villatile
Storie d'amore🔞MATURE CONTENT (BDSM) PLEASE DON'T REPORT!